Saturday, October 27, 2018

Day 300: Puzzles

Karamihan sa tao ngayon ay mga kaluluwa na minsan ay sinaktan kaya naghahanap sila ng bubuo ng puso nila. Kaya pilit nilang itutugma ang puso nilang sugatan sa iba para may magpuno. Ngunit sa proseso ng paghahanap mo sa taong bubuo sayo ay dinudurog ka rin nila. Inuubos ang pagmamahal na sana ay ilalaan mo sa taong para sayo na ngunit wala eh. Sadyang uubusin at uubusin hanggang sa karapat dapat sana eh, wala ka nang gana. Buhay nga naman.

Sa buhay ng tao isang beses ka lamang may pagkakataon magmahal ng buo at iilang tao lamang ang mapalad na sa unang subok ay makuha na nila ang taong totoo. Kaso, tulad ng karamihan malas ka.  Kaya gamit ang puso mo na hindi buo ay pilit mo itong iaalay sa iba kahit wala kang kasiguraduhan na aalagaan ba nila. Pag nagkamali ka, hahanap ka rin ng iba hanggang sa maubos na siya at wala ka nang gana. 

Tapos bigla siyang darating, isang sugatan din na kaluluwa na naghahanap ng kalinga. Mabilis niyong magugustuhan ang isa't isa dahil pakiramdam niyo na nagtutugma ang mga piraso ng mga puso niyong sugatan. Kaya habang duguan ay pili niyong aayusin ang isa't isa habang iniaalay ang pagmamahal na minsan ay ninais niyong makuha mula sa iba. Dumating na sa wakas ang taong hindi rin buo para buuin ka at sa huli akala mo siya na... Akala mo.

Pero sa oras na sabihan siya ng nanakit sa kaniya na "mahal pa rin kita" o kaya "miss na kita" ay di siay magdadalawang isip na balikan siya habang ikaw ay mag iisip na lamang kung paano niya yun nagawa. Parehas lang kayong sugatan pero pinili ka pa rin niyang saktan. Kaya ito ikaw, nagiisip kung karapat dapat ka pa bang mahalin habang pilit binubuo ang sarili mo.

No comments:

Post a Comment