Kapag nasa harap ka ng mamamatay na kaibigan o kamag anak sikapin mo na wag ipakita ang kahinaan mo at maging matatag ka. Unawain mo na mahalagang makita ka nila na matatag at hindi nila lilisanin ang mundo na ito na alam nilang wala ka sa ayos a sitwasyon kaya hangga't maaari maging matatag ka. idelay mo kumbaga kung kelan mo nais sisihin ang mundo, kelan mo gusto magwala. umiyak at sadyang maglabas lang ng galit. May buong buhay ka pa para isagawa ang mga bagay na ito kaya wag mo na siyang gawin sa harap nila.
Ganito rin ang gawin mo kapag nilisan ka ng isang tao. Wag mo ipakita ang kahinaan mo nang kaharap siya. Bagkus, ipakita mo kung gaano ka katatag na kahit wala na siya. Nabuhay ka nga ng matagal nang wala siya, dumating lang biglang di mo na kaya?
Hindi ko sinasbai na sarilinin mo lahat ng galit sa mundo at wag ipakita ang mga emosyon mo, minsan maganda rin na nakakapaglabas ka ng sama ng loob. Ang itinutukoy ko rito ay may mga pagkakataon na hihingin ng sitwayson ang katatagan mo.
Lalo na sa harap ng tao na sinisigurado na nasasaktan ka. Marami yang kupal na ganyan eh, hindi mo tuloy alam kung minahal ka ba talaga nila o gusto lang nila mapatunayan na may ibubuga sila. Pero ganun man ang sitwayson ipakita mo na lang na di mo siya kailangan. Hayaan mo siya madismaya habang nakikita kang umusad sa buhay mo. Pag nasusot na sya at tumalikod na, tsaka ka na magluksa. Sikapin mo na wag ipakita ang luha sa taong ayun lamang ang nais makita sa iyo.
No comments:
Post a Comment