Sunday, October 21, 2018

Day 294: Sa isang jeep

Lalaki: Bakit ba ang sungit mo ngayon?

Babae: Ikaw kaya lokohin tapos aastahan ka pa na utang na loob mo na pinatawad mo siya, di ka magagalit?

Lalaki: Hindi naman sa ganun... Humingi naman ako ng sorry at bumabawi ako ah...

Babae: Bumabawi? magkasama nga tayo ngayon pero mas nakafocus ka sa telepono mo, mas iniintindi mo pa yan.  May kachat ka pang babae, kita ko chat head.

Lalaki: Si Shirley lang to, naguusap kami para sa school project

Babae: Sows, pang-ilan nang school project yan. Talagang hindi ka ba magbabago?

Lalaki: Nagbago na ko ah, para sayo. Humingi ako ng second chance tapos binigay mo, bakit ba inoopen mo palagi? Ayaw mo bang magsimula ng bago?

Babae: Di ko nga alam bakit kita binigyan ng second chance, eh hindi ka nga nagdalawang isip noong niloko mo ko. Magsimula ba ng bago? o maghanap na ng bago? Tanggapin na natin, hindi na tayo masaya.

Lalaki: Pero mahal pa rin natin ang isa't isa di ba? mahal mo ko at mahal kita, hindi pa ba sapat yun?

Babae: Kahit kailan hindi naging lisensya ang pagibig para tapakan mo pagkatao ko. 

Lalaki: *tumahimik*

Babae: Malapit na pala tayong bumaba, sasalubungin tayo nila mama. Ayusin mo ngiti mo ha.

Lalaki: Ano tayo pa rin ba?

Babae: Sana, pero sana maipangako mo na di ka na manloloko uli, utang na loob pakiusap. Dahil hindi ka lang basta naghanap ng iba eh, pati halaga ko di ko na alam. Kung kaya mo ko ipagpalit noon ano pa kaya sa mga susunod na panahon?

Lalaki: Pangako hindi na mauulit yun...

Babae: Gawin mo wag mo sabihin, sa ilang ulit mo nang ginawa, nawawalan na ng halaga mga salita mo.

Lalaki: Kung tatapusin natin to, wag naman sana kasi mahal pa kita talaga at hindi ko kaya mawala ka

Babae: Hindi mo ko kayang mawala pero kaya mo kong lokohin, iba ka rin eh. Oo siguro, split na tayo. Ang hirap manatili sa isang tao na minsan na ko binigyan ng dahilan para pagdudahan ang halaga ko at tiwala ko sa ibang tao. 

Lalaki: Paano kung isang araw maisip mo na mahal mo talaga ko, maasahan ko ba na babalik ka?

Babae: Hindi na, masasaktan ako na wala ka na pero mas masakit kapag nandyan ka pa  Pakiusap din pala na kapag nabalitaan mo na okay na ako, wag na wag kang magtatangka bumalik.

Lalaki: Pasensya na talaga pero mahal kita kaya ko igagalang ang desisyon mo. Ang hirap pala pag nagkulang-

Babae: Hindi ka nagkulang, wag na wag mo iisipin yan. Sumobra ka na kasi, sinagad mo pasensya at bait ko kaya andito na tayo ngayon. Sobra ka na kaya napagod na ko.

Lalaki: Paano yan, sasalubungin tayo ng mama mo tapos wala na pala tayo.

Babae: Magpanggap ka muna na masaya tayo, tulad ng ginagawa mo tapos mairaos na lang ang araw na to paalam.

*bumaba na sila sa jeep*

No comments:

Post a Comment