Kung mahal mo ang isang tao ang isang tao, hindi kayang baguhin nang pagkakamali nila ang damdamin mo. Ilalaban mo sila hanggang sa huli at ipipilit na lahat ng tao nagkakamali. Marupok eh, mahal mo. Kaya kahit minsan natatapakan ka na, uunawain mo. kahit selos na selos ka na at may pruweba ka pa, itatanggi mo sa sarili mo. Pilit mong bubuuin ang taong dumudurog sayo. Kaya tayo naabuso eh, hindi natin alam ang hangganan hanggang saan ba dapat magpatawad. Hanggang san ba dapat tayo lumaban. Walang traffic signal na umiilaw ng pula na dapat tumigil na. Basta pag gusto ng puso lumaban, lalaban yan kahit mag isa.
Kaya nga may konsepto ng nagkulang at di nakuntento:
Sasabihin nila na nagkulang ka dahil hindi mo ibinigay LAHAT ng gusto nila. Kahit mga bagay na tatapak sa prinsipyo mo hinihingi nila. tapos kapag hindi mo naibigay, sasabihin pa nila nagkulang ka. Simpleng bagay na di maibigay nagkulang na agad. Ang hirap manindigan pala sa prinsipyo kapag nagmamahal kung ganun. Nakakalimutan ata nila na tayo rin tayo na nabuhay na minsan kahit wala sila at wala tayong obligasyon punan ang bawat pagkukulang na meron sila sa katawan. Kapag nagkulang ka, ang maganda naman, ibig sabihin ay mas mahalaga sayo manindigan kaysa maging tuta na tuatahol lamang sa pangangailangan ng iba. Mas mabuti na yun kasi tandaan mo: Sa tamang tao, hindi ka kulang o sobra, sapat ka lamang. Kaya kapag paulit ulit na pinapamukha na nagkulang ka, isipin mo na minsan wala na sayo ang problema. Sila ang di makuntento. Tanggapin mo na lang na hindi na sila ang tamang tao. Wag mo nang pinatahan ang taong ipinakita na nag tunay na kulay sayo.
Kapag di ka makuntento, maarte ka naman. Bakit? Sobra sobra bang humingi ng oras kasama ka? yung kahit isang good morning lang sana? Yung consistency nung una kayong nagkakilala? Sobra bang hingin yung mga bagay na minsan ay naibigay mo naman ng walang problema? bakit habang tumatagal ay nawawala sila? minsan hindi naman sa hindi nakuntento eh, minsan hinahanap lang yung mga bagay na kung bakit nahulog sayo Kung paano pa nagsimula kumbaga. Consistency man lang sana, kasi ganun naman ng simula di ba? bakit naman kaya biglang nawawala? dahil masyado na bang kampante at alam niyong hindi na kayo iiwanan ganun ba? Kaya hindi sa hindi kami makuntento, iba lang kasi yung sana consistent ang ibinibigay simula hanggang sa wala na sanang dulo.
Sa tamang tao, walang kulang o di makuntento o kaya magaling lang sa umpisa. Lahat sila tama lang sa paningin mo. kaya sa oras na lumaban ka at paulit ulit na lang ang pagkatalo, Isipin mo maigi kung tama pa ba na pinanghahawakan mo siya.
No comments:
Post a Comment