Isang malaking kagaguhan nang sinabi ng ating mga magulang na parusa ang pagtulog ng maaga at pag tulog ng tanghali. Ang minsang parusa ay isang biyaya na hinahangad ng mga taong nasa edad ko at kaparehas ng antas. Nanakaw kami ng oras ng tulog kaso pakiramdam namin wala na kaming karapatan.
Pero alam naman nating lahat na hindi lamang ang batang ayaw matulog ng maaga at mag siesta ang ating nais awayin at sakalin. Pati na rin ang mga bata na tayo na lumaban sa tulog upang makausap lamang ang isang tao na akala nila eh pang habang buhay na. Para tayong nanakawan ng tulog dun eh. Gusto mo rin bang bawiin ang lahat ng yun?
Yung mga sweet late night conversations na sana itinulog mo na lang nakakapang sisi pala lalo na kapag tumapak ka na ng kolehiyo. Sana pala naipon natin yung tulog na yun na kakailanganin natin para sa tunay na laban ng kolehiyo. Kaso wala na eh. Yung sweet late night talks naging sana natulog na lang ako.
Yung taong nilalabanan mo ang antok mo para sa kaniya ay siya ngayon ang dahilan bakit di ka makatulog dahil sa kakatanong na bakit kayo bigla na lang di nag usap. Nakakatawang nanakawan ka na nga nang tulog noon, kapag dumampi pa siya sa isip mo, nanakawin niya itong muli.
Kaya payo ko sa mga bata diyan, matulog hangga't meron pa kayong karapatan.
No comments:
Post a Comment