Monday, October 22, 2018

Day 295: Filipino Time

Tayong mga pilipino may kaugalian na laging late sa lahat ng bahay. Hindi ko naman nilalahat pero karamihan satin ay laging late. Tipong usapan niyo ay 7am darating ang puta ng 10am tapos sila pa malakas ang loob magalit kasi di niyo raw sila inintay sa intayan. Naknamputa. Parang himala na ngayon kapag may tao na dumating on time. Kaya ang mga early bird sa bawat event ay binibigyan ng award kasi sobrang dalang na ng mga taong maaga dumadating, kahanay na sila ng mga taong nagpakita ng kahusayan sa larangan ng kung ano ano. Parang sa pilipinas ko lang nabalitaan na may inaawardan ng early bird eh. Ganun talaga.

Ang konsepto raw ng filipino time ay panahon pa ni Pangulong Elpidio Quirino nagmula. Kung saan may aattendan syang event sa amerika tapos dumating siya mga limang oras na late. Mahusay. Pero noon ito naman ay simbolo na ikaw ay isang importante na tao, pero ngayon isa na lamang siyang katangian na hindi maalis sa sistema ng mga pilipino. Kapag usapan ay alas otso ng umaga, hindi ka dapat gigising ng alas otso ng umaga. Ang hirap kasi kapag sinasayang mo oras ng ibang tao. Dapat may espesyal na lugar sa impiyerno ang mga late eh. Siguro sa mga una una medyo mapapagpasensyahan pa pero kapag mga dalawang taon ka nang hindi nagbabago aba dapat mag isip isip ka na. Kasi nakakainis talaga na laging may nahuhuli, sira lagi ang schedule. Tapos tulad pa ng sinabi ko kanina, sila pa may lakas ng loob magalit.

Pero ito nga siguro ang dahilan bakit karamihan satin ay sawi. Lagi tayong huli nang dumadating sa bawat pagkakataon kaya lagi tayong nauunahan ng iba. Huli na ng maisip natin na hindi ka nga pala nauna at may unang nag may ari ng puso niya bago ikaw kaya ikaw ay walang magagawa kundi tanggapin na huli ka ata wala nang pag asa. Nahuli ka eh, kasalanan mo yan.

Minsan naman huli na natin naiisip na mahal pala natin ang isang tao. Noong nandyan pa siya ay masyaod syang taken for granted at noong iniwan ka niya tsaka ka lang natauhan na hindi mo pala kayang mabuhay ng wala siya. Pero huli ka na naman dahil naging matigas na ang kaniyang puso at huli na para habulin pa siyang muli. Mas masakit pa yung huli mo na naisip na mahal mo siya kaya napunta na siya sa iba ng hindi mo nalalaman. Wala ka nang magagawa dahil huli na rin naman ang lahat.

Kaya minsan ang ugaling pagiging late ay dapat alisin na natin sa ating sistema dahil hindi rin siya nakakatuwa at dapat maging parte na ng disiplina. Lagi tayong nagrereklamo na nauunahan tayo sa mga taong mahal natin pero ang totoo huli lang tayong dumating. Minahal ka naman niya ng tunay eh, huli mo nga lang narealize kaya wala na finish na.

Kaya iset natin ang mga bagay na maaga tayong darating ng hindi tayo makaperwisyo ng iba at sa parehong paraan ay hindi na tayo maunahan ng iba. Mag set ng alarm clock at matutong bumangon ng maaga. Dahil mas madaling mag hintay ng taong paparating kaysa habulin ang taong huli mo na hahabulin.

No comments:

Post a Comment