Mahirap ang konsepto ng kompromiso. Dahil sa dalawang salungat na panig ay kailangan mong mamili kahit alam mo na may punto ang isa, ay kailangan mo panindigan ang panig mo dahil wala naman talagang "middle ground" sa mundo. Ang world war 2 ay hindi natapos dahil sa kompromiso, natapos ito dahil ang isang panig ay masyado ng wasak upang magpatuloy pa. Napaka pangit nga naman ng konsepto ng itim at puti ngunit minsan kailangan natin tanggapin na may mananaig. Minsan may darating na pangatlong panig na aayos ng lahat ngunit sa ibang araw na natin siya tatalakayin.
Minsan kasi kahit mahal na mahal mo ang isang tao kailangan mo nang mamili sa pagitan ng pagkapit at pagbitaw. Nakakapanghinayang siyang iwanan ngunit nakakapagod nang mahalin. Sana lang sa lahat ng pagkakataon ay alam mo ang dapat gawin, o kaya alam mo kung ano kayo at hindi kayo nang hindi palaisipan sayo ang lahat. Ang hirap kumapit sa taong unti unti ka nang binibitawan at humahanap ng iba ngunit nananatili ka pa ring bilanggo ng kaniyang mga alaala at minsang matamis na pangako kaya hirap kang siya ay bitawan. Hindi mo pa makita na hindi mo na naman mahal ang taong nasa harap mo, mahal mo na lamang ang taong minsan ay naging taong to. Gumagawa ka ng sarili mong ilusyon naang taong to ay ang taong minsang minahal mo ng totoo. Kahit may maliit na boses sa isip mo na sinasabing pakawalan na siya ay hindi mo magawa.
Kaya ang hirap na hinahatak ka sa dalawang panig na alam mong may dapat manaig. Bibitaw ka ba para maging malaya? o kakapit sa pag asang magiging kayo pa?
No comments:
Post a Comment