Tuesday, October 2, 2018

Day 275: Promises

Sa huli kailangan mong tanggapin na ang mga pangako ay salita lamang na pwedeng bawiin sa oras na naisin ng nagsabi. Wala kang panghahawakan ng kongkreto at aasa ka lamang na sana tapat nga siya sayo. Maging pangako na babayaran yung utang mo o pakakasalan ka balang araw, mga salita lamang sila na kayang sabihin kahit ng isang tao na makita ka sa unang pagkakatao. Nakakatawang masyado nating bigyan ng kahulugan ang mga katagang isinulat sa hangin, iniukit sa buhangin at ipininta sa tubig.

Pero minsan tinatupad naman nila ang pangako at kung isa ka sa mga swerte nagkaron ng katuparan ang pangako ay ikinagagalak kita. Mayroon kang isang bagay na ilalaban ng patayan ng iba. Natupad mo ang katuparan na sanhi ng mga gabing walang tulog ng ibang tao. Kaya mangangako ka lamang kung may plano kang tuparin ito.

Sa kabilang dako, ayon sa mga kaibigan ko na pinangakuan na sila hanggang huli... Sa kanila ipinangako, sa iba tinupad at kailangan mong tanggapin yun. siguro kailangan mo unawain na kahit ikaw pala ang tumanggap ng matatamis na salita ay ibang tao pala ang tatanggap nun. Para kang nagbukas ng package na padala para sayo, tapos malalaman mo sa iba pala ang address. Nagkamali lang nang pagaabutan.

Kaya magingat tayo sa mga pangako na bibitawan at panghahawakan. Hindi mo alam ang epekto sa buong pagkatao at pagiisip ng isang indibidwal ang mga salitang bibitawan at panghahawakan mo.

Pero minsan kasi may mga pangako na kahit alam mong salita lang, paano kaya kung banatan ka na ng: "Iaalay ko sayo lahat ng meron ako maliban sa aking puso."

No comments:

Post a Comment