Tuesday, October 9, 2018

Day 282: Actions speaks louder than words

May kasabihan tayo na "Actions speaks louder than words" ibig sabihin ay wag mong sabihin gawin mo. Maraming pagkakataon na akma ito. Mahirap masabihan na "hanggang salita ka lang naman" o kaya "puro ka dada kulang sa gawa" Wala naman talaga napatunayan ang tao na puro salita, parang pulitiko na puro pangako sa halalan na wala nang nagawa kapag naluklok na sa pwesto. Kaya mahirap talaga kapag puro salita. Dapat tutukan mo nang gawa.

Pero may mga gawa na minsan ang hirap nang unawain. Mga aksyon na may ipinapahiwatig ngunit malabo ang konteksto nang pagpapakahulugan. Malinaw na ang kaniyang mga ginagawa ngunit ayaw mo naman bigyan nang kahulugan dahil takot kang magkamali at masabihan nang asummera o assumero. Kaya pilit mong ikukubli ang nararamdaman sa mga aksyon na sadyang malabo ang kahulugan.

Hindi naman masyado problema to eh, ang problema ay kapag gusto mo yung tao tapos yung mga ginagawa niya ay napaka halaga sayo. Tipong tingin palang niya kinikilig ka na, mga pasimpleng akbay na iba na ang kahulugan sayo. De bale kung di niya alam na gusto mo siya, pwede mong isipin na baka sadyang palakaibigan siya at gusto ka niya kasama.

Paano kung alam niya ang nararamdaman mo? Iisipin mo tuloy lahat ng sweet niyang ginagawa ay pwedeng ganun din ang nararamdaman niya o sadyang iginagalang niya ang pagkakaibigan ninyo. Lahat nang ginagawa niya ay isang palaisipan sayo na hindi mo mabatid sapagkat masyado kang masaya sa piling ng tao na ito.

Yan ang hirap kapag masaya ang tao eh, nakakalimutan mag isip. Iba ang pananaw nila at laging nasa tama lahat,Ngunit hindi naman lahat ng bagay ay iikot sa romansa at kagalakan, Minsan ineentertain niya nararamdaman mo pero wala siyang plano na ihigit pa ang relasyon niyo. Pero di mo pa alam yun kaya patuloy mong lolokohin ang sarili mo na masaya ka sa mga ginagawa ng tao na ito sayo kahit ang totoo ay bawat kilos at galaw niya ay isang malaking palaisipan.

Ang hirap magtanong lalo na kung alam mong masaya ka sa mga nangyayari. Kaya ikaw ay magpapa katanga na hindi na lilinawin ang estado niyo gamit ang mga salita at patuloy na panghahawakan ang mga kilos na malabo ang kahulugan. Wala eh, pag nagmahal ang tao tanga na.

Kaya minsan mabuting itapat nang salita ang mga bagay bagay kaysa maging palaisipan ang bawat kilos. Iba yung may kasiguraduhan. Pero sa huli ang balanse ng isa't isa ang papanatag sa pusong uhaw sa pagmamahal.

No comments:

Post a Comment