Wednesday, October 10, 2018

Day 283: Excuses

Kapag nasaktan mo ang isang tao, matuto kang tanggapin ang responsibilidad na ito. Wag mo na itanggi o iangil pa. Hindi mo alam ang epekto ng isang bagay na nagawa mo. Marahil sayo maliit lang yun pero sa kaniya mundo na niya yun. Dahil kapag sinabi sayo ng isang tao na nasaktan mo siya, hindi ikaw ang magdedesisyon kung tunay ba siyang nasaktan. Wala kang alam sa kaniyang piangdadaanan at wala kang alam sa kaniyang naramdaman. Tanggapin mo na lang ang sintensya mo.

Kung ikaw man ang unang sinaktan o kaya di ka sinasadyang masaktan ay wag ka nang manait pabalik. Hindi na tayo bata para sa ganung pag uugali. Sa kahit anong aspekto ay wala tayong karapatan manakit ng kapwa tao, kahit anong sakit pa ang unang ibinigay nito sa atin. At wag na wag kang gagawa ng dahilan sa hangin upang makapanakit lamang ng tao, dahil isang malaking kagaguhan yun.

Marami kang ginagawa na normal na marahil masaktan ang isa. Pwedeng humingi ka ng second chance na di mo pinatunayan, humanap ka ng iba dahil sawa ka na, may nasabi kang masama, may nagawa ka na hindi pala normal sa kanila o kaya sadyang hindi mo sinasadya. Kapag sinabi ng tao na nasaktan siya, nasaktan siya. Hindi ikaw ang tutukoy nito kung dapat ba siyang masaktan o hindi.

Sa oras sana na humingi ka ng tawad ay panindigan mo ang paumanhin mo dahil panghahawakan niya yun. Lalo na kung mahal ka niya, panghahawakan niya ang sorry mo pati na ang pangako na magbabago ka. Kaya sana panindigan mo ang mga salita mo.

May kontrol ka sa mga bagay na nagagawa mo pero hindi sa nararamdaman ng ibang tao. Kaya pag humingi ng tawad gawing seryoso. Tandaan mo kapag mahal, humihingi ng tawad. Kaya kapag nasaktan mo siya humingi ka na lang ng tawad at wag ka nang mangatwiran. Hindi mo desisyon ano ba ang dapat niyang maramdaman. Mahal ka niya pero hindi ikaw ang emosyon niya

No comments:

Post a Comment