May pagaaral sa agham na nagsasabi na ang pag ibig ay isa lamang na emosyon. Kumbaga para syang kasiyahan o kalungkutan na mararamdam mo ng matindi tapos bigla siya mawawala. Ang pinakamatagal na pwede mo siyang maramdaman ay apat na taon lamang. Kaya di mo siya pwede panghawakan ng pang habang buhay. Masakit na istatistika sa pusong naghahanap ng kalinga.
Kaya hindi ka pwede umasa sa isang tao na habang buhay mo siyang makakasama. Isang malaking kalokohan yun. Pero may mga tumatagal, sila yung nagsimula bilang magkaibigan o kaya sadyang hinubog na ng panahon. Pero kung mahuhulog ka sa taong ilang buwan mo pa lang kakilala eh, dapat asahan mo na hindi ganoon kaganda ang marahil kalabasan. tandaan mo, pansamantala lamang ang pag ibig bilang isang emosyon.
Iba ibang kaso yan eh yung iba unti unting nanlalamig yung tipong unti unti siyang nawawala at hindi nagpaparamdam. Nawawala yung dating apoy kumbaga. Dati hatid sundo ka niya tapos unti unti nagiging text na lang kung nakauwi ka ba ng ayos hanggang sa wala nang text. Dati magdamag ang chat niyo tapos ang hahaba tipong long sweet message bawat chat tapos naging paigsian ng reply tapos naging good morning text na kasunod ay good night na lang. Yung iba rito ay pwede naman sabihin bilang sign of maturity na naglalagay ng boundary. Pero anlungkot lang talaga nung unti unti nawawala yung mga bagay na sinimulan niyo. De bale kung sign ng maturity, eh minsan sign na unti unti na siyang nawawalan ng interes sayo at sasabihin na lang niya na wala na siyang nararamdan. ang masakit pa, ikaw ang sisisihin niya kasi unti unti ka raw nanlamig. Wala eh.
Kaso mas matindi yung mga bagay na biglaan. Yung nag I love you ngayong gabi, bukas "you can't reply to this conversation" Walang dahilan basta bigla na lang niya siguro naramdaman na ayaw niya sayo. Ang masakit pa, habang iniisip mo ano ba ang problema niyo ay nakahanap na pala siya ng iba. ayaw ka na kausap kasi may iba nang kausap. Wala eh, ganun talaga.
Minsan ang mahirap pa sa ganitong sitwasyon maliban sa hindi mo alam ang gagawin ay ikaw pa ang masisisi. Ipaglaban mo, nakakasakal. Pabayaan mo, wala kang pakialam. Wala kang magagawa. Basta pag naramdaman niyang ayaw na niya sayo, hahanap siya ng iba. Human nature eh.
No comments:
Post a Comment