May mga bagay sa mundo na matagal natin matututunan bago natin tuluyan pakawalan. Batid mo naman na nabuhay ka na minsan na wala ito pero ang hirap talaga alisin sa sistema mo yung isang bagay na nakasanayan mo na. Marahil ito ay bisyo tulad ng pag inom ng alak o paninigarilyo pero alam naman nating lahat na mas matindi kapag ito ay isang tao.
Kasi ang tao ay napaka unpredictable na hayop. Aalis yan ng sobrang tagal tapos kapag naisipan niyang di pala niya kayang mabuhay nang wala ka, babalik siya. Babalik siya na parang walang nangyari. Babalik siya na parang hindi ka niya ipinagpalit sa iba. Parang hindi nangyari na ipinilit niyang ikaw yung nagbago kahit siya kaagad yung nakahanap ng bago. Basta bigla silang babalik. Yung mga nawala na parang bula at nanakit pa ng sobra bago umalis ang malalakas ang loob bumalik talaga. Yung mga nagiwan ng malalaking lamat at sugat pa ang may lakas ng loob humarap at magparamdam muli sayo. May matatapang na kaagad silang tatanggihan at itataboy palayo, pero madalas lahat ng inipong tapang at lakas ng loob mo at biglang maglalaho dahil kahit anong sinabi mo noon na ayaw mo na. Sa isang ngiti lang niya at paramdam muli, tutumba ka.
Hindi mo masisisi ang mga tao na bumabalik sa mga taong nanakit sa kanila sapagkat lahat naman ng pusong sugatan at minsang nagkamali ay humihingi ng pangalawang pagkakataon. Walang problema sa pagtanggap ng mga taong babalik ngunit sana maging mas maingat sa pagkakataon na ito. Tandaan mo na ang pagibig ay isang digmaan kaya piliin mo ng ayos ang magiging sundalo mo.
Kaya sa mga magbibigay ng pagkakataon muling buksan ang puso na isinarado na nila noon ay magingat na lamang sapagkat hindi ka nakakasigurado kung bumalik ba talaga siya dahil naisip niyang mahal ka talaga niya at hindi siya bumalik lamang dahil wala siyang maipalit sayo o kaya trip niyang manloko uli.
Masarap sa pakiramdam ang balikan ng taong minahal mo noon lalo na kung mahal mo pa rin talaga kaso sana wag mo naman sana iwanan yung taong hindi umalis para sa bumalik. Iba pa rin ang sayang naibibigay ng hindi umalis kaysa bumalik.
No comments:
Post a Comment