Wednesday, October 31, 2018

Day 304: Contentment

Kung gusto mo ang isang tao ay dapat gusto mo kung sino siya noon, kung sino siya ngayon at kung magiging sino pa siya bukas. Sa isang tao ay dapat handa ka magmahal ng tatlo pang tao at higit pa.

Dapat mahalin mo kung sino siya noon dahil hindi ka sigurado kung hindi na babalik ang mga multo ng kahapon. Dapat mong tanggapin na lahat ng tao ay may kabanata na hindi kanais nais at gusto nang kalimutan. Marahil isa tong ex o kaya isang kaganapan na di na nais pagusapan pero bilang taong nagmamahal sa kaniya ay dapat mong tanggapin na lahat ng bagay na nangyari noon ay humubog sa pagkatao niya kaya siya ngayon ay naging tao na minahal mo sa kasalukuyan. Mabuting mahalin na ang kaniyang kahapon para sa oras na mambulabog ang nakaraan. Hawak kamay niyo itong malalampasan.

Madaling magmahal ng tao na nasa kasalukuyan, dahil kung ano pagkakakilala mo sa kaniya ay ayun ang minamahal mo. Parang lahat ay perpekto maliban na lang kung isa ka sa mga gago na pag naging kayo eh nais baguhin ang tao. Pero anupaman madalas ang pagmamahalan na nasa kasalukuyan ang pinaka matatag kung saan.

Nakakalimutan natin na ang taong mahal natin ay tao rin na magmamature o posibleng magbago kinabukasan. Kung mahirap tanggapin ang nakaraan niya paano na kaya ang pagkatao niya na hindi mo pa nakikita? ihanda mo ang sarili mo dahil madalas dito pumapalpak ang bawat relasyon, sa punto na dapat sabay kayong umuunlad ngunit may napag iiwanan kaya naghihiwalay na lamang. Ihanda ang sarili sa mga pagbabago sa isa't isa nang hindi nasasaktan.

Kung sa tamang tao ka naman mapupunta, hindi ka naman mawawalan ng halaga talaga. Hindi na siya maghahanap ng iba dahil parehas kayong umunlad sa mga taon ng buhay niyong dalawa. Marahil sa hayskul ay nainlove ka sa isang lalaki na magaling sa math at naging boyfriend mo ang isang engineering student, nasa isa kang masaya na relasyon kasama ang isang board passer at nag propose sayo bigla ang isang licensed engineer, Napangasawa mo ang isang tao na gumawa ng sarili niyang paliparan at kasabay mong tumanda ang isang butihing ama. Hindi ka mawawalan ng dahilan upang mahalin ang tamang tao dahil sa tamang tao ay para ka nang nagmahal ng marami.

Dahil kung alam mo kung paano makuntento, alam mong isang tao lang naman talaga ng hinahanap mo.

Tuesday, October 30, 2018

Day 303: Ashes

Breathing is made difficult by the person who was once your reason for it. He or she made the life that is easy complex. As if her absence is a painful but her presence is unpleasant. You cannot find your proper place in his or her life so you insist on being in the middle ground where you feel pain ang love at the same time. Stuck in the dilemma where you wish to stay and try to fix the situation or just leave and move on with your life.

But the dilemma will come as follows:

Saying goodbye is like jumping off a cliff. You have every decision to jump but once you are in the air, you have nothing to go but let go. You cannot let go since you know that either you will be gone forever or come back everytime when you feel like it. Forcing a toxic relationship upon one another.

Another thing is that:

When the person you love/loved have tricked you into leaving your old self and now you felt like your existence is anchored toward this person and life seems incomplete with them. Leaving never feels like an option. A nice thought but now you are a prisoner of your own relationship.

But the moment you thought that leaving seems the best option, that is when leaving becomes the best option. Never settle for less as you deserve every love that this world could. A broken heart should not be feared as every broken heart still beats the same.

Moving on will be a process. Because when you leave a person you don't lose them all at once.  Their pieces fade from time to time. It will be from the lack of communication, slow replies, lack of gifts, lack of dates and lack of fights. Then by the moment everything feels normal then you are finally okat.


Monday, October 29, 2018

Day 302: Finding new

We all have someone who we really want but will never be ours. Our relationship with them will always be vague and every act done is smoke and mirrors. But we know that we really love this person, that was the easy part, accepting the fact that it may never be mutual is a hard pill to swallow.

But love will throw you sideways and even when you grasp the fact that your feelings will never be reciprocated, you still pursue this person. Loving them would be at the expense of your self-worth and you will accept that in the name of love. It is all fun and games until they find the one they want for them and leaves you without even saying a proper goodbye. Imagine being so broken for a person who is whole without you. 

So stop romanticizing unrequited love, learn to have self worth and if there is a clear sign that you have no future romantic entanglement with this person, stay friends and find a new one. Stop breaking your own heart for people. 

Sunday, October 28, 2018

Day 301: Joan

She fights to live another day
And lives to see another light
People will always have something to say
but she will never go down without a fight

She stood up and learned the things
that will help her grow as a human
so no matter what tomorrow brings
she can make her own stand

She may seek a lover in the future
and he may break her heart in the process
however, she has learned for pain to endure
as she was a work in progress

A girl who is beautiful in her own way
who showed that fair skin could slay
as her eyes sparkles the dream she has
the bags under them tells the story she had

So never underestimate a woman you saw
as she survived and fought battles for long
as her beauty and skill go hand in hand
and her grace will never need the validation of a man

Saturday, October 27, 2018

Day 300: Puzzles

Karamihan sa tao ngayon ay mga kaluluwa na minsan ay sinaktan kaya naghahanap sila ng bubuo ng puso nila. Kaya pilit nilang itutugma ang puso nilang sugatan sa iba para may magpuno. Ngunit sa proseso ng paghahanap mo sa taong bubuo sayo ay dinudurog ka rin nila. Inuubos ang pagmamahal na sana ay ilalaan mo sa taong para sayo na ngunit wala eh. Sadyang uubusin at uubusin hanggang sa karapat dapat sana eh, wala ka nang gana. Buhay nga naman.

Sa buhay ng tao isang beses ka lamang may pagkakataon magmahal ng buo at iilang tao lamang ang mapalad na sa unang subok ay makuha na nila ang taong totoo. Kaso, tulad ng karamihan malas ka.  Kaya gamit ang puso mo na hindi buo ay pilit mo itong iaalay sa iba kahit wala kang kasiguraduhan na aalagaan ba nila. Pag nagkamali ka, hahanap ka rin ng iba hanggang sa maubos na siya at wala ka nang gana. 

Tapos bigla siyang darating, isang sugatan din na kaluluwa na naghahanap ng kalinga. Mabilis niyong magugustuhan ang isa't isa dahil pakiramdam niyo na nagtutugma ang mga piraso ng mga puso niyong sugatan. Kaya habang duguan ay pili niyong aayusin ang isa't isa habang iniaalay ang pagmamahal na minsan ay ninais niyong makuha mula sa iba. Dumating na sa wakas ang taong hindi rin buo para buuin ka at sa huli akala mo siya na... Akala mo.

Pero sa oras na sabihan siya ng nanakit sa kaniya na "mahal pa rin kita" o kaya "miss na kita" ay di siay magdadalawang isip na balikan siya habang ikaw ay mag iisip na lamang kung paano niya yun nagawa. Parehas lang kayong sugatan pero pinili ka pa rin niyang saktan. Kaya ito ikaw, nagiisip kung karapat dapat ka pa bang mahalin habang pilit binubuo ang sarili mo.

Friday, October 26, 2018

Day 299: Hist

Maraming nagsasabi ngayon na mahirap mag move on sa taong minahal mo ng todo, pero hindi ba mas mahirap mag move on sa tao na hindi naman naging kayo. Paano mo uungkatin ang nakaraan na wala naman talaga? Maraming ebidensya, maraming bakas, may mga pusong sugatan ngunit wala naman talagang kasaysayan. May datos ng landian ngunit walang patunay nang pagmamahalan. Yung bawat testigo na maglalahad ng kwento ay ang alam naging kayo at bawat patunay na ebidensya ay meron, pati nga ikaw umaasa na meron kahit malinaw naman talaga na wala. Kaya eto ka parang tanga sa isang sulok nag momove on sa taong di naman kayo. Masakit? oo, pero ganun ang buhay eh.

Thursday, October 25, 2018

Day 298: Hostage

Ang hirap kapag nahulog ka sa mabuting tao para lang malaman na toxic siya magmahal. Tipong inuubos niya ang bawat lakas mo at kahit mahal mo siya ay batid mo na hindi na siya mabuti para sayo pero hindi mo siya maiwan dahil mahal mo nga. Naging hostage na ang damdamin mo at naging bilanggo ka na lang imbis na iniirog.

Kapag sinubukan mo umalis ay gagawa siya ng paraan upang manatili ka sa piling niya. Pwedeng pagbantaan ka niya na sasaktan ka niya o kaya sasaktan niya ang sarili niya. Kaya mananatili ka na lang gamit ang emosyon na takot o awa. Iikot kayo sa isang bilog na walang katapusan hangga't walang naglalakas loob umalis na, minsan kahit ayaw ng magkabilang panig, kailangan may mangialam na dahil sobrang gulo na. Nagsasakitan kayo sa punto na hindi na malinaw ano ba ang depinisyon ninyo ng pag ibig.

Lahat naman kasi tayo may sariling laban na pilit nilalabanan. Lahat may maliit na boses na sinasabing hindi mo na kaya, minsan sapat na kalaban na ang sarili natin. Kaya naghahanap tayo ng makakalinga at mkakasama natin lumaban sa hamon ng buhay, kaya nakakainis na yung taong dapat karamay mo ay siyang mismong hamon ng buhay.

Kahit kelan ba naging bihag ang damdamin? Minsan kahit mahal mo siya dapat maisip mo na hindi lisensya ang pagmamahal upang tapakan ang pagkatao mo.

Wednesday, October 24, 2018

Day 297: Shot.

Sa pagnanais kong alisin ka sa aking isipan ako ay umupo kasama ang mga kaibigan, sa harap ng pulutan at serbesa, ibinuhos lahat ng nararamdaman. Napapalibutan ng mga kaibigan na handang makinig sa mga kwento na kahit hindi naman ako lasing ay ikinukwento ko pa rin. 

Isang shot.

Kasabay ng pagnanais kong hindi na masambit ang pangalan mo ay kasabay kong lulunurin ang lalamunan ko gamit ang serbesang ito. Walang ng chaser chaser, pagod na kong maghabol.

Pangalawang shot.

Dahil bago sa inuman ay medyo mahina sa labanan. Kasabay ng bawat buhos ng alak  sa lalamunan ay patak ng luha na sayo ko na naman sinasayang. Kulang ang isang shot glass para ipunin ang mga luhang iniluha ko para sayo. Naramdam ko ang medyo pagkahilo pero ipinilit ko pa

Pangatlong shot

Masarap na mapait na hindi ko maipaliwanag pero alam kong may kulang. Ang serbesa na nasa lalamunan ngayon ay umaaligid na sa kalamnan at ramdam ko ang lamig ng pangatlong shot. Nakulangan talaga ako kaya inabot ko ang bote, sabi nila hindi ko raw kaya

Pagkatungga ng bote

Sumusuka ako ngayon sa lapag. Lumuluha at hindi maintindihan ang sakit na nararamdaman. Parang sinuntok ang aking kalamnan at hindi maipaliwanag bakit ang paligid ko ay umiikot na naman. Ngunit kahit sa kabila ng paglabo ng paningin ay malinaw parin ang katotohanan na hindi ka na sakin

Umupo ako sa mesa at medyo nahimasmasan, inabutan ng tubig upang kumalma naman.  Habang umiikot ang paligid ay malinaw pa rin ang alaala mo sa akin, serbesa kong pampalimot lalo lamang nagpaigting ng damdamin. Kinuha ko ang isang shot glass

Pang apat na shot

Mahina pa ko para sa laban ng inuman pero mas mahina ako kung pilit kitang kakalimutan. Mang mang ako nung inisip kong kaya kitang limutin gamit ang isang matapang na inumin. Unti unti na akong natatalo ng pagkahilo, at nawawala na ko sa sarili ko. Nakakatawang bago mawala ang malay ko, ikaw pa rin ang nasa isip ko.

Tuesday, October 23, 2018

Day 296: Compromise

Mahirap ang konsepto ng kompromiso. Dahil sa dalawang salungat na panig ay kailangan mong mamili kahit alam mo na may punto ang isa, ay kailangan mo panindigan ang panig mo dahil wala naman talagang "middle ground" sa mundo. Ang world war 2 ay hindi natapos dahil sa kompromiso, natapos ito dahil ang isang panig ay masyado ng wasak upang magpatuloy pa. Napaka pangit nga naman ng konsepto ng itim at puti ngunit minsan kailangan natin tanggapin na may mananaig. Minsan may darating na pangatlong panig na aayos ng lahat ngunit sa ibang araw na natin siya tatalakayin.

Minsan kasi kahit mahal na mahal mo ang isang tao kailangan mo nang mamili sa pagitan ng pagkapit at pagbitaw. Nakakapanghinayang siyang iwanan ngunit nakakapagod nang mahalin. Sana lang sa lahat ng pagkakataon ay alam mo ang dapat gawin, o kaya alam mo kung ano kayo at hindi kayo nang hindi palaisipan sayo ang lahat. Ang hirap kumapit sa taong unti unti ka nang binibitawan at humahanap ng iba ngunit nananatili ka pa ring  bilanggo ng kaniyang mga alaala at minsang matamis na pangako kaya hirap kang siya ay bitawan. Hindi mo pa makita na hindi mo na naman mahal ang taong nasa harap mo, mahal mo na lamang ang taong minsan ay naging taong to. Gumagawa ka ng sarili mong ilusyon naang taong to ay ang taong minsang minahal mo ng totoo. Kahit may maliit na boses sa isip mo na sinasabing pakawalan na siya ay hindi mo magawa.

Kaya ang hirap na hinahatak ka sa dalawang panig na alam mong may dapat manaig. Bibitaw ka ba para maging malaya? o kakapit sa pag asang magiging kayo pa?

Monday, October 22, 2018

Day 295: Filipino Time

Tayong mga pilipino may kaugalian na laging late sa lahat ng bahay. Hindi ko naman nilalahat pero karamihan satin ay laging late. Tipong usapan niyo ay 7am darating ang puta ng 10am tapos sila pa malakas ang loob magalit kasi di niyo raw sila inintay sa intayan. Naknamputa. Parang himala na ngayon kapag may tao na dumating on time. Kaya ang mga early bird sa bawat event ay binibigyan ng award kasi sobrang dalang na ng mga taong maaga dumadating, kahanay na sila ng mga taong nagpakita ng kahusayan sa larangan ng kung ano ano. Parang sa pilipinas ko lang nabalitaan na may inaawardan ng early bird eh. Ganun talaga.

Ang konsepto raw ng filipino time ay panahon pa ni Pangulong Elpidio Quirino nagmula. Kung saan may aattendan syang event sa amerika tapos dumating siya mga limang oras na late. Mahusay. Pero noon ito naman ay simbolo na ikaw ay isang importante na tao, pero ngayon isa na lamang siyang katangian na hindi maalis sa sistema ng mga pilipino. Kapag usapan ay alas otso ng umaga, hindi ka dapat gigising ng alas otso ng umaga. Ang hirap kasi kapag sinasayang mo oras ng ibang tao. Dapat may espesyal na lugar sa impiyerno ang mga late eh. Siguro sa mga una una medyo mapapagpasensyahan pa pero kapag mga dalawang taon ka nang hindi nagbabago aba dapat mag isip isip ka na. Kasi nakakainis talaga na laging may nahuhuli, sira lagi ang schedule. Tapos tulad pa ng sinabi ko kanina, sila pa may lakas ng loob magalit.

Pero ito nga siguro ang dahilan bakit karamihan satin ay sawi. Lagi tayong huli nang dumadating sa bawat pagkakataon kaya lagi tayong nauunahan ng iba. Huli na ng maisip natin na hindi ka nga pala nauna at may unang nag may ari ng puso niya bago ikaw kaya ikaw ay walang magagawa kundi tanggapin na huli ka ata wala nang pag asa. Nahuli ka eh, kasalanan mo yan.

Minsan naman huli na natin naiisip na mahal pala natin ang isang tao. Noong nandyan pa siya ay masyaod syang taken for granted at noong iniwan ka niya tsaka ka lang natauhan na hindi mo pala kayang mabuhay ng wala siya. Pero huli ka na naman dahil naging matigas na ang kaniyang puso at huli na para habulin pa siyang muli. Mas masakit pa yung huli mo na naisip na mahal mo siya kaya napunta na siya sa iba ng hindi mo nalalaman. Wala ka nang magagawa dahil huli na rin naman ang lahat.

Kaya minsan ang ugaling pagiging late ay dapat alisin na natin sa ating sistema dahil hindi rin siya nakakatuwa at dapat maging parte na ng disiplina. Lagi tayong nagrereklamo na nauunahan tayo sa mga taong mahal natin pero ang totoo huli lang tayong dumating. Minahal ka naman niya ng tunay eh, huli mo nga lang narealize kaya wala na finish na.

Kaya iset natin ang mga bagay na maaga tayong darating ng hindi tayo makaperwisyo ng iba at sa parehong paraan ay hindi na tayo maunahan ng iba. Mag set ng alarm clock at matutong bumangon ng maaga. Dahil mas madaling mag hintay ng taong paparating kaysa habulin ang taong huli mo na hahabulin.

Sunday, October 21, 2018

Day 294: Sa isang jeep

Lalaki: Bakit ba ang sungit mo ngayon?

Babae: Ikaw kaya lokohin tapos aastahan ka pa na utang na loob mo na pinatawad mo siya, di ka magagalit?

Lalaki: Hindi naman sa ganun... Humingi naman ako ng sorry at bumabawi ako ah...

Babae: Bumabawi? magkasama nga tayo ngayon pero mas nakafocus ka sa telepono mo, mas iniintindi mo pa yan.  May kachat ka pang babae, kita ko chat head.

Lalaki: Si Shirley lang to, naguusap kami para sa school project

Babae: Sows, pang-ilan nang school project yan. Talagang hindi ka ba magbabago?

Lalaki: Nagbago na ko ah, para sayo. Humingi ako ng second chance tapos binigay mo, bakit ba inoopen mo palagi? Ayaw mo bang magsimula ng bago?

Babae: Di ko nga alam bakit kita binigyan ng second chance, eh hindi ka nga nagdalawang isip noong niloko mo ko. Magsimula ba ng bago? o maghanap na ng bago? Tanggapin na natin, hindi na tayo masaya.

Lalaki: Pero mahal pa rin natin ang isa't isa di ba? mahal mo ko at mahal kita, hindi pa ba sapat yun?

Babae: Kahit kailan hindi naging lisensya ang pagibig para tapakan mo pagkatao ko. 

Lalaki: *tumahimik*

Babae: Malapit na pala tayong bumaba, sasalubungin tayo nila mama. Ayusin mo ngiti mo ha.

Lalaki: Ano tayo pa rin ba?

Babae: Sana, pero sana maipangako mo na di ka na manloloko uli, utang na loob pakiusap. Dahil hindi ka lang basta naghanap ng iba eh, pati halaga ko di ko na alam. Kung kaya mo ko ipagpalit noon ano pa kaya sa mga susunod na panahon?

Lalaki: Pangako hindi na mauulit yun...

Babae: Gawin mo wag mo sabihin, sa ilang ulit mo nang ginawa, nawawalan na ng halaga mga salita mo.

Lalaki: Kung tatapusin natin to, wag naman sana kasi mahal pa kita talaga at hindi ko kaya mawala ka

Babae: Hindi mo ko kayang mawala pero kaya mo kong lokohin, iba ka rin eh. Oo siguro, split na tayo. Ang hirap manatili sa isang tao na minsan na ko binigyan ng dahilan para pagdudahan ang halaga ko at tiwala ko sa ibang tao. 

Lalaki: Paano kung isang araw maisip mo na mahal mo talaga ko, maasahan ko ba na babalik ka?

Babae: Hindi na, masasaktan ako na wala ka na pero mas masakit kapag nandyan ka pa  Pakiusap din pala na kapag nabalitaan mo na okay na ako, wag na wag kang magtatangka bumalik.

Lalaki: Pasensya na talaga pero mahal kita kaya ko igagalang ang desisyon mo. Ang hirap pala pag nagkulang-

Babae: Hindi ka nagkulang, wag na wag mo iisipin yan. Sumobra ka na kasi, sinagad mo pasensya at bait ko kaya andito na tayo ngayon. Sobra ka na kaya napagod na ko.

Lalaki: Paano yan, sasalubungin tayo ng mama mo tapos wala na pala tayo.

Babae: Magpanggap ka muna na masaya tayo, tulad ng ginagawa mo tapos mairaos na lang ang araw na to paalam.

*bumaba na sila sa jeep*

Saturday, October 20, 2018

Day 293: D.B.A.

You never know when life will hit you sideways. It can and will take what it can when time comes. Even the best and brightest can disappear in a snap. It is shocking to learn that even the people at their peak will have their lives taken in a snap and you can do nothing but watch. One moment you're planning your life to the future, then one moment, all will be taken away from you. It is frightening how all of it; every memory, laughter, sadness and moment you make will all be a memory in a matter of seconds. The most painful part is that you will have to move on no matter how painful it is.

My point is, life is so spontaneous that you cannot expect it to be on your side every time. You just have to learn to please the moment and accept the fact that it is what it is.

Heavy hearts are offered today
as the tragedy took a life away
Imagine the life that could have been
if life is not that mean

The most painful part that happened
is that it's not just another soul disappeared
he is a brother, a friend and a son
and will only be a memory to everyone

Friday, October 19, 2018

Day 292: Blast from the past

May mga bagay sa mundo na matagal natin matututunan bago natin tuluyan pakawalan. Batid mo naman na nabuhay ka na minsan na wala ito pero ang hirap talaga alisin sa sistema mo yung isang bagay na nakasanayan mo na. Marahil ito ay bisyo tulad ng pag inom ng alak o paninigarilyo pero alam naman nating lahat na mas matindi kapag ito ay isang tao.

Kasi ang tao ay napaka unpredictable na hayop. Aalis yan ng sobrang tagal tapos kapag naisipan niyang di pala niya kayang mabuhay nang wala ka, babalik siya. Babalik siya na parang walang nangyari. Babalik siya na parang hindi ka niya ipinagpalit sa iba. Parang hindi nangyari na ipinilit niyang ikaw yung nagbago kahit siya kaagad yung nakahanap ng bago. Basta bigla silang babalik. Yung mga nawala na parang bula at nanakit pa ng sobra bago umalis ang malalakas ang loob bumalik talaga. Yung mga nagiwan ng malalaking lamat at sugat pa ang may lakas ng loob humarap at magparamdam muli sayo. May matatapang na kaagad silang tatanggihan at itataboy palayo, pero madalas lahat ng inipong tapang at lakas ng loob mo at biglang maglalaho dahil kahit anong sinabi mo noon na ayaw mo na. Sa isang ngiti lang niya at paramdam muli, tutumba ka.

Hindi mo masisisi ang mga tao na bumabalik sa mga taong nanakit sa kanila sapagkat lahat naman ng pusong sugatan at minsang nagkamali ay humihingi ng pangalawang  pagkakataon. Walang problema sa pagtanggap ng mga taong babalik ngunit sana maging mas maingat sa pagkakataon na ito. Tandaan mo na ang pagibig ay isang digmaan kaya piliin mo ng ayos ang magiging sundalo mo.

Kaya sa mga magbibigay ng pagkakataon muling buksan ang puso na isinarado na nila noon ay magingat na lamang sapagkat hindi ka nakakasigurado kung bumalik ba talaga siya dahil naisip niyang mahal ka talaga niya at hindi siya bumalik lamang dahil wala siyang maipalit sayo o kaya trip niyang manloko uli.

Masarap sa pakiramdam ang balikan ng taong minahal mo noon lalo na kung mahal mo pa rin talaga kaso sana wag mo naman sana iwanan yung taong hindi umalis para sa bumalik. Iba pa rin ang sayang naibibigay ng hindi umalis kaysa bumalik.

Thursday, October 18, 2018

Day 291: Confessions

Minsan may isang tao na gustong gusto mo pero hindi mo maamin ang nararamdaman mo dahil maraming pwede mapunta sa panganib. Pwedeng friendship o kaya anuman. Pero ang malinaw dun, lahat tayo ay takot umamin sa taong mahal natin. lalo na kung lalaki ka. Ako rin naman danas ko yan. Nasa harap mo na siya pero bawat kabig ng dibdib at tibok ng puso ay palayo. Nanlalamig ang palad sabay bagsak ng mga pawis na sinlaki na ng bala. Mabilis ang tibok ng puso at biglang manlalamig ang hangin. Lalaki ang mata mo at manginginig ang tuhod mo. Hanggang sa makita mo na lang na lumipas na pala ang pagkakataon at wala ka nang nagawa. Hindi ka man lang nakapag hi sa taong gusto mo. Sinayang mo lahat ng pagkakataon.
Pero kung mabibigyan nang pagkakataon, sabi ng kaibigan ko ito ang nais niyang sabihin:

"Gusto kita, talagang gusto kita - at hindi ako ang tipo ng lalaki na basta basta sinasabi yun ako yung lalaki na sumuko na sa pagmamahal dahil minsan kong ibinigay to sa taong hindi naman pala kayang suklian. Nasaktan ako ng sobra sa punto na ang tingin ko sa mga taong nagmamahal ay tanga. Pero nung makita kita, lalo na nung nakilala kita. Nagkaron ka ng kinang sa mga mata ko. May hawak ka sa puso ko na hindi ko kayang kalasin kahit gustuhin ko, Sobrang sakit, saya at galak pag nakikita kita pero hindi ko kayang pigilan na mahalin ka kahit isang segundo ng buhay ko. Hindi ko alam kung ibabalik mo ang nararamdaman ko pero sana bigyan mo ko ng pagkakataon"

Pero syempre di ba di mo naman kayang sabihin yan di ba? kaya andun ka ligaw tingin para kang tanga. Titingnan mo na lang siya dahil kapag nilapitan mo siya, marahil magiba tingin niya sayo at hindi ka na niya kilalanin. May sakit din tayo na bumubuo tayo ng perpektong imahe ng taong gusto natin kaya ayaw natin mabasag ang mga ilusyon na to.

Sa huli wala rin naman tayong magawa sa mga taong gusto natin kaya tingin na lang tayo at umasa na sana magkahimalang tayo ay lapitan at magkaron ng himala na mabigyan ng pagkakataon. Ang hirap talaga pag hindi ka masyado kumpiyansa sa kung anong meron ka. Tingin mo sa lahat ng taong mahal mo, di ka karapat dapat.

Wednesday, October 17, 2018

Day 290: Lagyan ng Label

Naalala ko mga kapatid ko noon.  Nagtitimpla kami ng ovaltine ng yung tanga na kuya ng mga kapatid ko ay basta kumuha ng garapon ng puting butil ng krystal. Iniligay niya lahat yun, tig iisang kutsara, sa bawat baso nilang tatlo. Nagulat sila ng maalat ang ovaltine, inisip pa nilang magreklamo sa tindahan ngunit hindi naman yung ovaltine ang problema, yung nailagay pala ay asin at asukal. Syempre ang may kasalanan pala ay mama namin dahil di siya naglalagay ng tamang label sa mga garapon, basta pag pula raw takip, asukal. Kapag maroon, asin. Pero siyempre pag mama may kasalanan, walang aangal. Pero noon ko nakita ang halaga ng paglalagay ng label sa mga bagay dahil nakakalito madalas nakakagulo.

Minsan nilalagyan natin ng label ang mga bagay hindi dahil para maiwasan ang pagkakamali, bagkus para hindi na ito agawan ng iba. Inilalagay natin ang pangalan natin sa mga gamit natin upang di na manakaw o walang magtangka mang agaw. Libro, lunch box, ultimo ballpen nilalagyan ng label para di maagaw. May nakakatawang kwento ako na naalala, isang kaklase ko noon ang laging nananakawan ng ballpen kaya ginawa niya ay nilagyan ng pangalan ang bahay ng ballpen, ninakaw naman ang tinta. Nilagyan niya ng pangalan nag tinta, ninakaw naman ang bahay.  Nung nilagyan niya parehas, ninakaw naman ang takip. Talagang kung gusto mo makasigurado sa isang bagay na di maaagaw sayo, kailangan mo lagyan ng pangalan o patunay na pag aari mo bawat sulok nito.

Ganyan din sa relasyon. May mga siraulo na nagpapaka loyal sa isang relasyon na wala namang label, tipong sila yung ayaw maglagay ng label tapos sila yung masasaktan. Minsan naman hindi alam sino maglalagay ng label kaya ang nangyari, naglandian na lang sila hanggang sa magkasawaan at nawala nang parang ganun ganun na lang. Minsan gusto naman nila ng label talaga, kaso yung isa ay masyadong takot sa isang bagay na totoo kaya mas madalas na nakahanap na ng iba bago pa malaman kung ano ba sila. Alam mo anong pinakamasakit? yung di ka niya mabigyan ng tamang label pero dun sa ipinalit mo, hindi lang niya binigyan ng label, inexpose pa niya sa mundo. Kaya ikaw mukhang tanga na naging pampalipas oras lamang.

Pero di mo masisi yung mga tao na walang label, marahil nasaktan na sila ng todo o kaya di pa sila sigurado sa nararamdaman o kaya gusto niyo isalba ang pagkakaibigan niyo. Kaya kahit MU o mutual understanding na lamang ay pinatos mo a. Ganun na lang basta okay ka, masaya ka. Tila kang nakakapit sa sanga na hindi mo alam kelan babagsak pero hindi alintana dahil maganda ang nasisilayan mong langit sa taas.

Sa relasyon na walang label, ang hirap kapag sobrang sweet niyo tapos malalaman mo kaibigan lang ang pakilala sayo. Daig mo pa pala magnanakaw ng ganun. Dahil hindi naman talaga "kayo" kaya nagnanakaw ka lamang ng sandali, nagnanakaw ng tingin, nagnanakaw ng ngiti. Gusto mong gawing opisyal na pero nahihiya ka dahil alam mo na kahit mahal na mahal mo ang taong yun, dahil ayaw ka bigyan ng label, hindi ikaw ang priority nito.

 Kaya tatanggapin mo na lang na ikaw ay nakakapit pala sa isang bagay na kahit anong oras ay kaya kang bitawan at pwede kang palitan at sa oras na iwanan ka niya wala ka pang karapatan na lumuha at masaktan dahil hindi naman kayo at malinaw yun. Daig mo pa ang android app sa pagiging pampalipas oras.

Isipin mo yun no? Sobrang loyal mo sa isang relasyon na walang label at sobrang mahal mo ang taong di mo alam kung sayo pa ba. Kaya kung ako sayo, lagyan mo ng label o kaya lumayo ka na lang unti unti. Baka paggising mo isang araw ay durog na puso ang kamulatan mo.

Tuesday, October 16, 2018

Day 289: Expenses

You will fall in love with the most unexpected person in the most unexpected time but that doesn't make it wrong. Everyone deserves to be happy and I think everyone should learn to respect that. Even the person whom you cannot see a relationship with, will be the apple of your eye in a few weeks or months. he or she will be the perfection you are seeking and you cannot resist the feeling of falling in love.

That is the cute part, the painful part is when that love is unrequited. You may be too afraid to confess or too comfortable to risk. If you are in this disposition, you must build enough courage to stand up and ask what is really going on between you too or forever suffer the fate of wondering of how and what is your worth to the person whom you see your future with. Painfully humbling it may is, as long as the courage to ask and stand up is nil, never expect for anything more than friends.

Painful it may seems but this is the best thing about it in another point of view. That person in your mind or in your heart is a memory or an imagination, a fantasy that will never be tarnished. He or she will forever be perfect in you mind and heart as their mere presence excites every cell in your body. they are perfectly imperfect and that is fine because...

Once you know the person, your perfect oasis illusion crumbles one by one. They fall to the category in which you can barely look at them in the eye. The perfect person or the perfect fantasy you have is falling flat on your face and you have to accept that. This is why most relationships fail, they build something, a standard or a set of it to a certain person they like and if they fail to meet these pre requisite standards,  they tend to get disappointed.  Remember that every person is a flawed animal and accept the fact that they will cease to be perfect.

Another fallacy of falling in love is when the person takes advantage of your feelings. They have this mentality that no matter what they do, you will never leave by their side, since you are too madly inlove with them. Just remember how important self love is before even diving into another person's heart.

So my advice, is to never fall in love at all cost. It is too much of an expense to something that may crumble in years to come.

Monday, October 15, 2018

Day 288: Traffic Light

Kung mahal mo ang isang tao ang isang tao, hindi kayang baguhin nang pagkakamali nila ang damdamin mo. Ilalaban mo sila hanggang sa huli at ipipilit na lahat ng tao nagkakamali. Marupok eh, mahal mo. Kaya kahit minsan natatapakan ka na, uunawain mo. kahit selos na selos ka na at may pruweba ka pa, itatanggi mo sa sarili mo. Pilit mong bubuuin ang taong dumudurog sayo. Kaya tayo naabuso eh, hindi natin alam ang hangganan hanggang saan ba dapat magpatawad. Hanggang san ba dapat tayo lumaban. Walang traffic signal na umiilaw ng pula na dapat tumigil na. Basta pag gusto ng puso lumaban, lalaban yan kahit mag isa.

Kaya nga may konsepto ng nagkulang at di nakuntento:

Sasabihin nila na nagkulang ka dahil hindi mo ibinigay LAHAT ng gusto nila. Kahit mga bagay na tatapak sa prinsipyo mo hinihingi nila. tapos kapag hindi mo naibigay, sasabihin pa nila nagkulang ka. Simpleng bagay na di maibigay nagkulang na agad. Ang hirap manindigan pala sa prinsipyo kapag nagmamahal kung ganun. Nakakalimutan ata nila na tayo rin tayo na nabuhay na minsan kahit wala sila at wala tayong obligasyon punan ang bawat pagkukulang na meron sila sa katawan. Kapag nagkulang ka, ang maganda naman, ibig sabihin ay mas mahalaga sayo manindigan kaysa maging tuta na tuatahol lamang sa pangangailangan ng iba. Mas mabuti na yun kasi tandaan mo: Sa tamang tao, hindi ka kulang o sobra, sapat ka lamang. Kaya kapag paulit ulit na pinapamukha na nagkulang ka, isipin mo na minsan wala na sayo ang problema. Sila ang di makuntento. Tanggapin mo na lang na hindi na sila ang tamang tao. Wag mo nang pinatahan ang taong ipinakita na nag tunay na kulay sayo.

Kapag di ka makuntento, maarte ka naman. Bakit? Sobra sobra bang humingi ng oras kasama ka? yung kahit isang good morning lang sana? Yung consistency nung una kayong nagkakilala? Sobra bang hingin yung mga bagay na minsan ay naibigay mo naman ng walang problema? bakit habang tumatagal ay nawawala sila? minsan hindi naman sa hindi nakuntento eh, minsan hinahanap lang yung mga bagay na kung bakit nahulog sayo Kung paano pa nagsimula kumbaga. Consistency man lang sana, kasi ganun naman ng simula di ba? bakit naman kaya biglang nawawala? dahil masyado na bang kampante at alam niyong hindi na kayo iiwanan ganun ba? Kaya hindi sa hindi kami makuntento, iba lang kasi yung sana consistent ang ibinibigay simula hanggang sa wala na sanang dulo.

Sa tamang tao, walang kulang o di makuntento o kaya magaling lang sa umpisa. Lahat sila tama lang sa paningin mo. kaya sa oras na lumaban ka at paulit ulit na lang ang pagkatalo, Isipin mo maigi kung tama pa ba na pinanghahawakan mo siya.

Sunday, October 14, 2018

Day 287: Perfect timing

Napaka gandang bagay ang lumaban ka sa paniniwala mo. Marahil ito ay para sa prinsipyo, relihiyon, o kaya pag ibig. Iba talaga ang taong may paninindigan. Alam mo kung saan siya nakatayo at kung sakaling bumagsak man siya, alam niya ang kaniyang lugar. Isang magandang katangian ang may paninindigan at iilan na lang ang tao na ganun.

Hindi biro ang manindigan sa isang bagay. Matinding dedikasyon ang kinakailangan para rito. Darating sa punto na masasaktan ka at marahil husgahan ka pa ng ibang tao sa iyong kahibangan pero hindi ka susuko. Bawat kritisismo na matatanggap mo ay gagamitin mo lamang na hakbang o kaya pundasyon para sa bagay na ninanais mo. Maunlad na sana ang bansa kung lahat ng tao ay naninindigan.

Pero minsan alamin mo rin ang limitasyon mo bilang tao, hindi sa lahat ng oras mabuting lumaban at kalabanin ang agos ng buhay. Minsan matuto ka rin kumapa sa sitwasyon. Kasi minsan, yung mga bagay na gustong gusto mo ay ang mga bagay na mas mabuti pang wala ka. Oo, mabuting lumaban pero kapag nakakaramdam ka na ng pagsuko, minsan pakinggan mo siya.

Sa trabaho o pag aaral marahil pwede mo kong kontrahin dito. Oo, mabuting mag pursigi sa kanila dahil hindi mo naman sila susukuan, magpapahinga ka lamang. Ang tinutukoy ko ay ang mga relasyon na wala na rin naman pinapatunguhan. Mabuti pa yung propesyon at pagaaral, nadadaan sa tamang sikap at pag unawa, ang relasyon, hindi mo hawak ang isip ng tao na nasa harapan mo. Kahit anong buhos mo ng pagmamahal sa kaniya ay hindi ka pa rin nakakasigurado na hindi kaniya iiwanan.

Nakakatawang may mga taong lumalaban sa relasyon na palpak ngunit sa isang sensyales ng hirap sa trabaho o pagaaral, susuko sila. Iba kasi talaga kapag tao na nasa harapan mo ang sinisikap mong ayusin, napaka unpredictable ng tao para daanin sa pakiusap at pagsisikap. Tulad nga ng sinabi ko kanina, walang kasiguraduhan ang isang tao na di ka iiwan kahit anong klase ng pagmamahal pa ang ibuhos mo sa kanya. Ganun ang tao eh.

Pwede mo ikatwiran na nasa maling oras lamang kayo kaya ilalaban mo pa rin. Tandaan: Ang tamang bagay sa maling oras ay maling bagay pa rin. Napakahalaga ng oras sa lahat ng bagay. Oras at paninindigan, dalawang bagay na kailangan mo upang mapagtagumpayan ang isang hinahangad na tagumpay o layunin.

Sa huli, mabuting manindigan sa isang tao ngunit kapain mo rin ang sarili, paano mapupuno ng isang taong durog ang taong buo na kahit wala na siya. Kasi minsa hindi naman kailangan labanan lahat ng laban sa mundo. Minsan sapat na maghintay at hayaan na gumana ang tadhana

Saturday, October 13, 2018

Day 286: In perfect moment

You find the things you never knew you will find in places you never thought you will see. In a crowded place where the noise is loud and the light is dim. The places was exploding then you saw that beautiful girl and you got the guts to talk to her. Only to discover that her appearance was only the icing to the cake. She is amazing as she fit into every category you ever wish your dream girl to be. Smart and every odd specifics you wish for your dream girl to have, she has those. Every word that comes out of her mouth is a melody you never knew you will ever hear in your lifetime. She speaks as if she was seducing you but no, it was just the way she is. By gathering every guts you thought you lost, you recover yourself and had the chance to talk to the most amazing girl ever. Then as the night fades, you slowly lost touch of her wondering if there will be a moment like this in your lifetime or if you will ever see her again. But whether you won't ever get the chance to have that moment ever again or get that chance once more to marry her, one thing is certain. The moment you knew her was so perfect that it will never be tarnished.

Friday, October 12, 2018

Day 285: Biglaan.

May pagaaral sa agham na nagsasabi na ang pag ibig ay isa lamang na emosyon. Kumbaga para syang kasiyahan o kalungkutan na mararamdam mo ng matindi tapos bigla siya mawawala. Ang pinakamatagal na pwede mo siyang maramdaman ay apat na taon lamang. Kaya di mo siya pwede panghawakan ng pang habang buhay. Masakit na istatistika sa pusong naghahanap ng kalinga.

Kaya hindi ka pwede umasa sa isang tao na habang buhay mo siyang makakasama. Isang malaking kalokohan yun. Pero may mga tumatagal, sila yung nagsimula bilang magkaibigan o kaya sadyang hinubog na ng panahon. Pero kung mahuhulog ka sa taong ilang buwan mo pa lang kakilala eh, dapat asahan mo na hindi ganoon kaganda ang marahil kalabasan. tandaan mo, pansamantala lamang ang pag ibig bilang isang emosyon.

Iba ibang kaso yan eh yung iba unti unting nanlalamig yung tipong unti unti siyang nawawala at hindi nagpaparamdam. Nawawala yung dating apoy kumbaga. Dati hatid sundo ka niya tapos unti unti nagiging text na lang kung nakauwi ka ba ng ayos hanggang sa wala nang text. Dati magdamag ang chat niyo tapos ang hahaba tipong long sweet message bawat chat tapos naging paigsian ng reply tapos naging good morning text na kasunod ay good night na lang. Yung iba rito ay pwede naman sabihin bilang sign of maturity na naglalagay ng boundary. Pero anlungkot lang talaga nung unti unti nawawala yung mga bagay na sinimulan niyo. De bale kung sign ng maturity, eh minsan sign na unti unti na siyang nawawalan ng interes sayo at sasabihin na lang niya na wala na siyang nararamdan. ang masakit pa, ikaw ang sisisihin niya kasi unti unti ka raw nanlamig. Wala eh.

Kaso mas matindi yung mga bagay na biglaan. Yung nag I love you ngayong gabi, bukas "you can't reply to this conversation" Walang dahilan basta bigla na lang niya siguro naramdaman na ayaw niya sayo. Ang masakit pa, habang iniisip mo ano ba ang problema niyo ay nakahanap na pala siya ng iba. ayaw ka na kausap kasi may iba nang kausap. Wala eh, ganun talaga.

Minsan ang mahirap pa sa ganitong sitwasyon maliban sa hindi mo alam ang gagawin ay ikaw pa ang masisisi. Ipaglaban mo, nakakasakal. Pabayaan mo, wala kang pakialam. Wala kang magagawa. Basta pag naramdaman niyang ayaw na niya sayo, hahanap siya ng iba. Human nature eh.

Thursday, October 11, 2018

Day 284: Hide and Seek

Ang hirap siguro nung itinatago sa sa mundo. Yung paulit ulit niyang sasabihin sayo na mahal ka niya pero itatanggi ka niya sa harap ng maraming tao. Walang post sa social media at walang kahit anong picture together. Para kayong bilanggo na itinago sa mundo dahil sa oras na may makaalam, maghihiwalay kayo. Isang relasyon na tangin kayo ang may alam at wala ng iba at minsan ang masakit pa. Siya lang ang nagdesisyon na itago ka.

Kaya ang labas mo ngayon ay parang magnanakaw. Magnanakaw ng atensyon sa taong mahal mo. Kaya ka naalarma noong ipinagbawal ang mga magnanakaw eh, kasi paano na kayo? Nagnanakaw lamang ng tingin, numanakaw ng sandali, numanakaw ng ngiti at numanakaw ng sandali. Ansaya no? isa ka lamang mang aagaw sa taong nagpangako sayo ng walang hanggan. Pero siyempre papayag ka sa ganung sistema. Mahal mo eh. Marupok ka, manhid siya, perfect combination.

Minsan dagdag asin pa sa sugat ay kaya ka itinatago ay may itinatago pala sayo. Dalawa na pala kayo at ikaw pa yung lumalabas na kabit kahit alam mo na ikaw naman yung unang nakakilala sa kaniya. Itinago ka ng tao na handa mong ibigay ang lahat. Yung pilit mong kinakapitan ay matagal na palang bumitaw.

Kaya sa ganitong pagkakataon, sikapin mong alamin ang halaga mo. Wag mag settle sa tao na itatago ka sa mundo. Hindi na siya magbabago para sayo dahil ganun mo na siya nakilala. Pilit natin pinanghahawakan ang mga bagay na alam nating mawawala kalaunan at tingin ko napaka banal nun. Ngunit iba na nag usapan kapag tinutukoy na ang halaga mo bilang tao.

Kaya kahit humingi ka ng pagbabago sa taong to ay di niya ibibigay dahil nasanay na kayo sa ganitong sistema. Sasabihan ka pa niya na sumosobra ka o kaya nagkulang ka minsan kaya ganito. Kung ganun man, alalahanin mo sana na sa tamang tao ay hindi ka sobra o kulang. Tama lang. Tama lang para ipagmalaki sa mundo, tama lang para ipakilala sa magulang. tama lang para makipag sumpaan sa altar.

Wednesday, October 10, 2018

Day 283: Excuses

Kapag nasaktan mo ang isang tao, matuto kang tanggapin ang responsibilidad na ito. Wag mo na itanggi o iangil pa. Hindi mo alam ang epekto ng isang bagay na nagawa mo. Marahil sayo maliit lang yun pero sa kaniya mundo na niya yun. Dahil kapag sinabi sayo ng isang tao na nasaktan mo siya, hindi ikaw ang magdedesisyon kung tunay ba siyang nasaktan. Wala kang alam sa kaniyang piangdadaanan at wala kang alam sa kaniyang naramdaman. Tanggapin mo na lang ang sintensya mo.

Kung ikaw man ang unang sinaktan o kaya di ka sinasadyang masaktan ay wag ka nang manait pabalik. Hindi na tayo bata para sa ganung pag uugali. Sa kahit anong aspekto ay wala tayong karapatan manakit ng kapwa tao, kahit anong sakit pa ang unang ibinigay nito sa atin. At wag na wag kang gagawa ng dahilan sa hangin upang makapanakit lamang ng tao, dahil isang malaking kagaguhan yun.

Marami kang ginagawa na normal na marahil masaktan ang isa. Pwedeng humingi ka ng second chance na di mo pinatunayan, humanap ka ng iba dahil sawa ka na, may nasabi kang masama, may nagawa ka na hindi pala normal sa kanila o kaya sadyang hindi mo sinasadya. Kapag sinabi ng tao na nasaktan siya, nasaktan siya. Hindi ikaw ang tutukoy nito kung dapat ba siyang masaktan o hindi.

Sa oras sana na humingi ka ng tawad ay panindigan mo ang paumanhin mo dahil panghahawakan niya yun. Lalo na kung mahal ka niya, panghahawakan niya ang sorry mo pati na ang pangako na magbabago ka. Kaya sana panindigan mo ang mga salita mo.

May kontrol ka sa mga bagay na nagagawa mo pero hindi sa nararamdaman ng ibang tao. Kaya pag humingi ng tawad gawing seryoso. Tandaan mo kapag mahal, humihingi ng tawad. Kaya kapag nasaktan mo siya humingi ka na lang ng tawad at wag ka nang mangatwiran. Hindi mo desisyon ano ba ang dapat niyang maramdaman. Mahal ka niya pero hindi ikaw ang emosyon niya

Tuesday, October 9, 2018

Day 282: Actions speaks louder than words

May kasabihan tayo na "Actions speaks louder than words" ibig sabihin ay wag mong sabihin gawin mo. Maraming pagkakataon na akma ito. Mahirap masabihan na "hanggang salita ka lang naman" o kaya "puro ka dada kulang sa gawa" Wala naman talaga napatunayan ang tao na puro salita, parang pulitiko na puro pangako sa halalan na wala nang nagawa kapag naluklok na sa pwesto. Kaya mahirap talaga kapag puro salita. Dapat tutukan mo nang gawa.

Pero may mga gawa na minsan ang hirap nang unawain. Mga aksyon na may ipinapahiwatig ngunit malabo ang konteksto nang pagpapakahulugan. Malinaw na ang kaniyang mga ginagawa ngunit ayaw mo naman bigyan nang kahulugan dahil takot kang magkamali at masabihan nang asummera o assumero. Kaya pilit mong ikukubli ang nararamdaman sa mga aksyon na sadyang malabo ang kahulugan.

Hindi naman masyado problema to eh, ang problema ay kapag gusto mo yung tao tapos yung mga ginagawa niya ay napaka halaga sayo. Tipong tingin palang niya kinikilig ka na, mga pasimpleng akbay na iba na ang kahulugan sayo. De bale kung di niya alam na gusto mo siya, pwede mong isipin na baka sadyang palakaibigan siya at gusto ka niya kasama.

Paano kung alam niya ang nararamdaman mo? Iisipin mo tuloy lahat ng sweet niyang ginagawa ay pwedeng ganun din ang nararamdaman niya o sadyang iginagalang niya ang pagkakaibigan ninyo. Lahat nang ginagawa niya ay isang palaisipan sayo na hindi mo mabatid sapagkat masyado kang masaya sa piling ng tao na ito.

Yan ang hirap kapag masaya ang tao eh, nakakalimutan mag isip. Iba ang pananaw nila at laging nasa tama lahat,Ngunit hindi naman lahat ng bagay ay iikot sa romansa at kagalakan, Minsan ineentertain niya nararamdaman mo pero wala siyang plano na ihigit pa ang relasyon niyo. Pero di mo pa alam yun kaya patuloy mong lolokohin ang sarili mo na masaya ka sa mga ginagawa ng tao na ito sayo kahit ang totoo ay bawat kilos at galaw niya ay isang malaking palaisipan.

Ang hirap magtanong lalo na kung alam mong masaya ka sa mga nangyayari. Kaya ikaw ay magpapa katanga na hindi na lilinawin ang estado niyo gamit ang mga salita at patuloy na panghahawakan ang mga kilos na malabo ang kahulugan. Wala eh, pag nagmahal ang tao tanga na.

Kaya minsan mabuting itapat nang salita ang mga bagay bagay kaysa maging palaisipan ang bawat kilos. Iba yung may kasiguraduhan. Pero sa huli ang balanse ng isa't isa ang papanatag sa pusong uhaw sa pagmamahal.

Monday, October 8, 2018

Day 281: Hopeless Romantic

Napakahirap mahulog sa taong hinahanap pa ang kaniyang sarili. Yung naguguluhan pa kung ano ba ang halaga niya sa mundo. Sinisikap pang mahalin ang kaniyang sarili at unawain ang sarili niyang mga gusto. Oo, sila yung mga tipo na masarap hintayin dahil sa oras na ayos na sila ay kaya nilang magmahal ng para bang hindi pa nasasaktan. Pero hanggang kelan mo kayang humawak sa hangin?

Ilang beses ka niyang tatalikuran at tatanggihan at hindi mo siya masisisi sa mga aksyon niya dahil marahil minsan na siyang nagmahal ng buo pero sinaktan lamang. Nawalan siya ng konsepto ng pag ibig dahil sa isang tao na akala niya hanggang altar ang hangganan. Ang hirap sadya magmahal ng tao na kahit alam mong makuha mo ang kaniyang puso, pira piraso na at hindi mo na makukuha ng buo.

Minsan kahit wala naman nanakit sa kaniya, mas pinipili niyang mahalin muna nag sarili niya. Mas nais niyang bumuo ng imperyo sa kaniyang paligid at buuin ang sarili bilang tao. Mas mahirap sila suyuin kaysa sa mga higit na sugatan. Dahil sila alam nilang buo sila at ang presensya ng isang tao ay dagdag lamang o kaya maaaring panggulo lamang. Hindi nila nais ng isang kasama na higit sa isang kaibigan. 

Mahirap mahulog sa tao na sa unang sulyap ay nagdesisyon ka na gusto mo siya o kaya hindi mo pa siya lubos na nakikilala. Ang hirap mapanalunan ng puso na pagmamay ari pa ng iba o kaya hindi naman talaga nasa takilya sa simula. Kailangan mong unawain na kahit anong gawin mo ay hindi siya mapapasa iyo. Mapipilit mo ba ang puso na hindi lang sayo nakasarado?

Sunday, October 7, 2018

Day 280: Happy pill

May tao sa buhay natin na sadyang pasasalamatan mo dahil nabuhay siya. Tipong kahit anong katarantaduhan ang gawin niya kilig na kilig o kaya tuwang tuwa ka sa kaniya. Kaya ka niyang pangitiin kahit sa panahon na sobrang lungkot mo na pinagsakluban ka na ng langit at lupa. Isang ngiti lang niya buo na araw mo, maramdaman mo lang na malapit siya o kaya simpleng text sadyang buo na araw mo. Iba ang tama mo sa taong to. Lahat ng gawin niya ay tama kaya masaya ka sa kaniya. Kaya bilang isang marupok na nilalang, nahulog ka sa kaniya.

Lahat ng nagpapasaya ay may pinagdaanan na masama. Kaya pilit nila na pinapasaya ang mga taong nasa paligid niya. Yung pagkukulang na meron siya sa sarili niya ay pinupunan niya sayo o kaya sa inyo. Tama ang narinig mo, marahil hindi lang siya sweet sayo. Pero marupok ka kaya ayun. Nahulog ka.

Minsan kapag nagtagpo ang dalawang taong malungkot, sinisikap nilang pasayahin ang isa't isa. Ang  mahirap dito ay maaring mahulog ng sobrang lalim ang isa sa punto na di na siya makaahon pa. Maayos kung pareho kayong mahulog, eh pano kung hindi. Mahirap talaga pag nagtagpo ang dalawang tao na pilit inaayos ang sarili. Dalawang tao na malungkot na hindi batid ang pinagkaiba ng kalungkutan sa pagmamahal ay di malayo magkaproblema sa huli.

Masarap magkaron ng happy pill. Iba ang may nagpapasaya sayo ng walang kapalit. gigising ka sa umaga na nakangiti at tutulog ka rin na ganun. Kaso baka yung happy pill mo, pain reliever ka lang pala.

Kaya maraming pumapalpak na relasyon, hindi nila mabatid ang pinagkaiba ng kalungkutan sa pagmamahal. Minsan kasi di mo naman siya mahal eh, malungkot ka lang at nagkataon na nandyan siya kaya akala mo sagot na siya sa mga dasal mo.

Wag mo hanapin ang gamot mo sa ibang tao dahil lahat may pinagdadaanan. Wag magmahal kung nalulungkot lamang sapagkat pag nawala na ang lungkot na ito di malayo na mawala ng pagmamahal mo sa kaniya na wala naman pala talaga sa simula. Wag magkakamali sa pag tukoy ng pagmamahal sa kalungkutan.

Saturday, October 6, 2018

Day 279: Choices...

Masarap umibig lalo na kung sa unang pagkakataon o matagal na ang relasyon niyo. Nalampasan niyo na lahat ng problema na akala niyo hindi niyo kaya at matatag na ang tingin niyo sa pinanghahawakan niyo. Akala mo hanggang altar na ang relasyon na ito. Akala mo...

Darating sa punto na hindi niyo na rin alam ang gagawin. Nagsasawa na dahil saulo niyo na masyado ang isa't isa o kaya may nahanap na siyang iba. Basta yung akala mong habang buhay ay nakakakita na ng wakas. lahat ng pundasyon ng relasyon na binuo niyo ay unti unti nang nadudurog. Kailangan niyo nang tanggapin na wala na talaga at kailangan nang tapusin. Ang problema ay... paano kayo mag hihiwalay?

Masyado kayong takot para umalis at masyado nang sugatan para maging kayo pa. Kaya patuloy niyong sasaktan ang isa't isa habang nagpapanggap na masaya sa harap ng iba. Tatawagin niyo siyang pagmamahalan kahit ang totoo ay inuubos niyo na lamang ang lakas at sinasayang ang oras niyong dalawa. Ang hirap maipit sa isang bagay na hindi mo alam paano tapusin kahit paulit ulit ka nang nasasaktan.

Kaya uusad kayo sa isang relasyon na hindi kayo masaya at patuloy niyong uubusin ang lakas ng isa't isa. Minsan alam na niya ang mga bagay na makakasakit sayo pero gagawin niya para sayo ang sisi na ikaw ang kumalas. Hindi niya nanaisin ang sisi ay mapunta sa kanya. Pilit niyong itutulak ang isa't isa hanggang sa may sumuko na. Walang gustong kumuha ng sisi. Kaya magpapatuloy ito hanggang sa may sumuko na naga at tanggapin lahat ng sisi.

Ganun talaga. Walang gustong masisi sa huli.

Friday, October 5, 2018

Day 278: Flight 143

Andaming katarantaduhan na umiikot sa mundo. Kaya nga wag na magmahal eh. Ang hirap kaya nung masaya kayo ngayong araw na para bang wala ng bukas tapos kinabukasan biglang malalaman mo ayaw na pala niya sayo.

Mahirap umusad sa isang relasyon na hindi mo alam ang nangyari. Tipo bang gumising siya ng isang araw tapos naisip niyang hindi ka na pala niya mahal. Wala siyang masabi kundi ayaw na niya sayo at tapos na kayo. Walang cliche na palusot tulad ng I don't deserve you o kaya I need space. Basta tapos ang usapan ayaw na niya sayo. Di mo alam kung may mali ba o nagawa ka pero ang malinaw lahat ng kaligayahan mo ay alaala na lamang ng kahapon.

Pero maswerte ka pa nga kung sabihin niy na tapos na kayo eh. tipong may closure kaya kahit papaano alam mo yung mali sayo, sa kanya at malinaw sayo na tapos na. Dahil maraming pagkakataon na natatapos na ang relasyon na di mo pala alam na tapos na. Para siyang kaluluwa na nagparamdam tapos malalaman mo na lang wala na pala kayo. Iniwan ka na nga sa ere, minsan naipagpalit ka na ng di mo alam. Tapos ng walang kasiguraduhan, habang buhay mong palaisipan.

Kung iniwan ka dahil sa pagkakaiba niyo lamang ay maswerte ka pa pala, kasi mayroong iba na iiwan ka para sa iba kaya magiging palaisipan sayo kung sapat ka pa ba bilang tao o kaya ano ba talaga ang halaga mo. Ikukumpara mo na ngayon ang sarili mo sa bawat taong makikita mo at makikita mo na lamang ang mga bagay na mali sayo. Dahil lamang ipinagpalit ka sa ibang tao.

Pero mas masakit ipagpalit lalo na kung sa isang taong malapit ka pa ipinagpalit. Tila bang nawalan ka ng mga pader na sasandalan at nawalan ka ng tatapakan na lupa. May mga ipinagpapalit sa kanilang matalik na kaibigan na sila pa mismo ang nagsasabi sa kanila na umusad na. Tapos malalaman mo sila na pala. May mga pagpayo pa siya at pagiging shoulder to cry on pa pero sa huli inagaw nila ang taong mahal mo. Matalik na kaibigan na minsan ay malingkis pa sa isang ahas. Ang nakakatawa pa, hindi mo maiisip sisihin yung taong nanloko sayo bagkus ang magiging palaisipan mo ay pano ka naahas ng matalik mong kaibigan. Maliliyo ka na lang sa dami ng palaisipan habang sila ay masaya na sa piling isa't isa.

Mauubusan ka ng luha at matutuyuan ka ng laway pero hindi maikukubli ang katotohanan na iniwanan ka na. Maaring ipinagpalit ka sa matalik mong kaibigan, Iniwan ng walang dahilan o kaya basta iniwan na lang ng walang paliwanag. Kailangan mo na lang talaga unawain na kailangan umusad ng mundo mo kahit wala na ang isang tao na akala mo habang buhay na makakasama mo.

Kapag ikaw ay iniwan, naiwan, o kaya ipinagpalit. Kailangan mo tanggapin na nagmahal ka ng isang taong di ka kaya ipaglaban.

Thursday, October 4, 2018

Day 277: Cheating is a choice

 Paano mo nagagawang lokohin ang isang taong ipinagdasal mo sa diyos?

Hindi ko lubos maunawaan paano nagagawa ng ibang tao na lokohin ang taong "mahal" nila. Kasi, oo natural siguro yung marami kang nagugustuhan; pero hindi ba sa kabila ng mga yun ay may isa kang espesyal na tao sa isip mo at kapag napasagot mo na siya o kaya naging kayo ay abot langit ang tuwa mo.

Ang hirap na nga magpasagot ng isang babae, dalawa o higit pa yung iba. Nakadagdag ba yun sa pagka lalaki mo? Yung marami kang napaiyak at naloko dahil gusto mo lang may mapatunayan? Anong dahilan ang sapat para manloko ka ng isang babae?

Marahil gamitin na argumento ng iba ay "hindi na ko masaya sa kaniya" o kaya "hindi na siya tulad ng nakilala ko" letse. Kung di ka masaya sa isang relasyon ay umalis ka na, hindi yung naghahanap ka ng iba habang may isang tao na handa pang ibigay ang lahat sa iyo. Dahil hindi yun nakakadagdag ng pagkalalaki mo. Duwag pa nga ang pwedeng maging pananaw sayo dahil lumalabas na hindi mo kayang mawala sa isang relasyon kaya kumakapit ka sa isang tao habang kumukuha ng iba. Hindi nakakalalaki ang paghahanap ng iba, isa kang duwag.

Kung hindi ka na masaya sa relasyon, ikaw na mismo ang tumapos nito. Kung tingin mo ay hindi na maayos eh, eh di umalis ka muna rito para walang mas malalim na sugat ang maidudulot mo. Hindi nakakalalaki kapag iniyakan ka ng isang babae. Tandaan mo yan. Umalis ka kung di ka masaya, hindi yung naghahanap ka agad ng bago, dahil hindi mo alam ang epekto ng panloloko sa  biniktima mo.

Hindi niya lang basta basta tatanggapin na hindi na siya ang mahal mo. Milyun milyong tanong ang papasok sa isip niya at lahat yun ay hindi niya maipapaliwanag. Hindi niya iisipin na nasayo ang problema, masyado ka niyang mahal para dun. Iisipin niya lahat ng pagkukulang niya sa punto na makukwesityon kung ano ba ang tunay niyang halaga sa mundo bilang tao. Iisipin niya kung pangit ba sya masyado, bobo ba siya, wala siyang kwenta, hindi ba sya magiging sapat, hindi ba sya ka mahal mahal at marami pang iba nababagabag sa kaniya.

At alam mo ang pinakamasakit na pwedeng mangyari kapag niloko mo siya? Makakalimutan niyang mahalin nag kaniyang sarili habang pilit ka niyang minamahal pa.

Wednesday, October 3, 2018

Day 276: 8 Hours a sleep

Napakahalaga ng tulog sa isang tao. Ngayong kolehiyo na ako, nais kong sipain ang batang ako sa mga panahon na sinayang nya ang pagkakataon matulog at pinilit pang maglaro. Tama sila na mangmang ka bilang isang bata. 

Isang malaking kagaguhan nang sinabi ng ating mga magulang na parusa ang pagtulog ng maaga at pag tulog ng tanghali. Ang minsang parusa ay isang biyaya na hinahangad ng mga taong nasa edad ko at kaparehas ng antas. Nanakaw kami ng oras ng tulog kaso pakiramdam namin wala na kaming karapatan.

Pero alam naman nating lahat na hindi lamang ang batang ayaw matulog ng maaga at mag siesta ang ating nais awayin at sakalin. Pati na rin ang mga bata na tayo na lumaban sa tulog upang makausap lamang ang isang tao na akala nila eh pang habang buhay na. Para tayong nanakawan ng tulog dun eh. Gusto mo rin bang bawiin ang lahat ng yun?

Yung mga sweet late night conversations na sana itinulog mo na lang nakakapang sisi pala lalo na kapag tumapak ka na ng kolehiyo. Sana pala naipon natin yung tulog na yun na kakailanganin natin para sa tunay na laban ng kolehiyo. Kaso wala na eh. Yung sweet late night talks naging sana natulog na lang ako.

Yung taong nilalabanan mo ang antok mo para sa kaniya ay siya ngayon ang dahilan bakit di ka makatulog dahil sa kakatanong na bakit kayo bigla na lang di nag usap. Nakakatawang nanakawan ka na nga nang tulog noon, kapag dumampi pa siya sa isip mo, nanakawin niya itong muli.

Kaya payo ko sa mga bata diyan, matulog hangga't meron pa kayong karapatan.

Tuesday, October 2, 2018

Day 275: Promises

Sa huli kailangan mong tanggapin na ang mga pangako ay salita lamang na pwedeng bawiin sa oras na naisin ng nagsabi. Wala kang panghahawakan ng kongkreto at aasa ka lamang na sana tapat nga siya sayo. Maging pangako na babayaran yung utang mo o pakakasalan ka balang araw, mga salita lamang sila na kayang sabihin kahit ng isang tao na makita ka sa unang pagkakatao. Nakakatawang masyado nating bigyan ng kahulugan ang mga katagang isinulat sa hangin, iniukit sa buhangin at ipininta sa tubig.

Pero minsan tinatupad naman nila ang pangako at kung isa ka sa mga swerte nagkaron ng katuparan ang pangako ay ikinagagalak kita. Mayroon kang isang bagay na ilalaban ng patayan ng iba. Natupad mo ang katuparan na sanhi ng mga gabing walang tulog ng ibang tao. Kaya mangangako ka lamang kung may plano kang tuparin ito.

Sa kabilang dako, ayon sa mga kaibigan ko na pinangakuan na sila hanggang huli... Sa kanila ipinangako, sa iba tinupad at kailangan mong tanggapin yun. siguro kailangan mo unawain na kahit ikaw pala ang tumanggap ng matatamis na salita ay ibang tao pala ang tatanggap nun. Para kang nagbukas ng package na padala para sayo, tapos malalaman mo sa iba pala ang address. Nagkamali lang nang pagaabutan.

Kaya magingat tayo sa mga pangako na bibitawan at panghahawakan. Hindi mo alam ang epekto sa buong pagkatao at pagiisip ng isang indibidwal ang mga salitang bibitawan at panghahawakan mo.

Pero minsan kasi may mga pangako na kahit alam mong salita lang, paano kaya kung banatan ka na ng: "Iaalay ko sayo lahat ng meron ako maliban sa aking puso."

Monday, October 1, 2018

Day 274: Selective Remorse

Kapag nasa harap ka ng mamamatay na kaibigan o kamag anak sikapin mo na wag ipakita ang kahinaan mo at maging matatag ka. Unawain mo na mahalagang makita ka nila na matatag at hindi nila lilisanin ang mundo na ito na alam nilang wala ka sa ayos a sitwasyon kaya hangga't maaari maging  matatag ka. idelay mo kumbaga kung kelan mo nais sisihin ang mundo, kelan mo gusto magwala. umiyak at sadyang maglabas lang ng galit. May buong buhay ka pa para isagawa ang mga bagay na ito kaya wag mo na siyang gawin sa harap nila.

Ganito rin ang gawin mo kapag nilisan ka ng isang tao. Wag mo ipakita ang kahinaan mo nang kaharap siya. Bagkus, ipakita mo kung gaano ka katatag na kahit wala na siya. Nabuhay ka nga ng matagal nang wala siya, dumating lang biglang di mo na kaya?

Hindi ko sinasbai na sarilinin mo lahat ng galit sa mundo at wag ipakita ang mga emosyon mo, minsan maganda rin na nakakapaglabas ka ng sama ng loob. Ang itinutukoy ko rito ay may mga pagkakataon na hihingin ng sitwayson ang katatagan mo.

Lalo na sa harap ng tao na sinisigurado na nasasaktan ka. Marami yang kupal na ganyan eh, hindi mo tuloy alam kung minahal ka ba talaga nila o gusto lang nila mapatunayan na may ibubuga sila. Pero ganun man ang sitwayson ipakita mo na lang na di mo siya kailangan. Hayaan mo siya madismaya habang nakikita kang umusad sa buhay mo. Pag nasusot na sya at tumalikod na, tsaka ka na magluksa. Sikapin mo na wag ipakita ang luha sa taong ayun lamang ang nais makita sa iyo.