Sana dumating ang araw na hindi na kailangan magkunwari na ayos lang ako dahil totoo nang ayos na naman ako. Sana wala nang pagpapanggap at panloloko sa sarili ko na hindi na kita mahal dahil alam ko habang isinusulat ko to ay ayun pa rin ang isinisigaw ng puso ko. Gusto kong isulat ang salitang "Kalimutan mo siya!" ngunit pangalan mo ang itinitibok ng aking tinta. Darating ang araw na uusad ako at makikita kita muli ngunit wag muna sa ngayon dahil sariwa pa ang sakit.
Pag bangon ko muli at nagkaron ng lakas ng loob magmahal ng iba ay wag kang babalik utang na loob. Ilang beses ko sasabihin sayo yan at di ako magsasawa, dahil kilala kita. Ginawa mo na yun di ba. Sana kapag nakita mo kong magmahal muli ay wag mo siyang tatawaging rebound. Totoo naman kasi pero wag mo na ipamukha. Hayaan mo ko umusad sa buhay ko dahil kahit ngayon ay mahal pa rin kita pero ayako nang maging bihag ng damdamin ko.
Wag kang babalik sa ngayon at magpapakita sakin at sasabihin na mahal mo pa rin ako dahil alam ko na tatanggapin pa rin kita. Kasi sa ngayon, habang naghihilom ako, isang paramdam mo lang alam kong mahuhulog na naman ako. Alam mo at alam ko na tatanggapin kita paulit ulit kahit anong ginawa mo kaya pakiusap ikaw na ang lumayo.
No comments:
Post a Comment