Ingatan mo siya ha? Niloko ako nan para sayo. Nasira ang ilang taon ng pagsasama nung dumating ka. Di ko alam anong meron sayo pero pinili ka niya kahit kami pa. Andaming alaala namin ang nawala at naging basura nang dumating ka. Masakit man isipin, ako ang unang dumating, ikaw ang pinili sa huli.
Alagaan mo sana siya kahit minsan malakas ang topak. Madalas ang moodswing niya kaya habaan mo pasensya mo. Mahilig siya sa chocolate kaya maghanda ka lagi sa bulsa mo. Mahilig siya sa late night talks kaya dapat lagi kang fullcharge o kaya ilagay mo na sa tabi mo ang powerbank. Dapat may load ka o data connection madalas kasi kailangan niya ng kausap sa gabi kapag may masama siyang panaginip o kaya nilamon siya ng kaniyang late night thoughts. Basta siguraduhin mo na andyan ka lang para sa kaniya, di niya kailangan ng mga magarbong regalo o anumang sorpresa dahil yung mag laan ka lang ng oras sa kaniya masaya na siya. Mababaw ang kaniyang kaligayahan ngunit malalim ang kaniyang pagkatao. Nakakatakot na kombinasyon ngunit kilalanin mo siya, malalaman mong ang sarap pala niyang mahalin ng todo. Hindi mo pagsisisihan ang bawat segundo na minahal mo siya.
Basta ipaglaban mo siya at ingatan tulad ng ginawa ko para sa kaniya. Wag mo siya pagkaitan ng pagmamahal na ipinagkait niya sakin. Wag mo siya ipagpapalit sa iba tulad ng ginawa niya sakin. Subukan mong maging sapat sa kaniya dahil ako na ang buhay na dahilan na di siya marunong makuntento. Siguro gusto ko lang sabihin na, kung masaya kayo ngayon, hanggang kelan kaya?
No comments:
Post a Comment