Isipin mo, gaano kasakit sa isang tao na iwanan ng tao na akala niya ay pakakasalan na siya? Gaanong sakit at pag dududa ang maitatanim sa kaniyang puso sa oras na iwanan siay at ipagpaloit ng ganun ganun na lang. kasi hindi lang naman yung tao ipinagpalit at iniwan eh, kasama na rin dun yung mga alaala at pangarap na kasabay niyong binuo tapos ipagpapalit sa isang tao na gagawan pa lang niya ng bago. Parang ano pang silbi ng pagsasama niyo, aanhin mo ngayon ang mga alaala niya kundi maging dahilan lamang ng sakit sa iyong puso.
Ansakit lang kasi na sa kabila ng pinagdaanan niyo ay ngayon ka pa niya iiwan, paagkatapos niyo malampasan ang lahat eh lalampasan ka lang pala niya. Kaya iisipin mo kung totoo ba yung naging inyo o panakip butas lang para pagtakpan ang kalungkutan niya nung mga panahon na ayo pa.
Ang nakakatawa pa minsan ay wala naman kayong problema, masaya naman kayo pero isang iglap, pag lipat ng school, section o trabaho ay mawawala na lang bigla. Parang sobrang ganun ganun na lang. Mahirap ang mapalayo minsan pero hindi siya lisensya para humanap ng iba. Kung ang basehan mo ng pag ibig ay araw araw kayong nag uusap at magkasama, wag kang umibig muna.
Minsan naman unti unti na silang nanlalamig bago mo malaman na naipagpalit ka na nga sa iba. Ang masakit pa minsan ay hindi muna nakipag hiwalay bago humanap ng iba. Unti unti nawawala ang kanyang kamay sa mga palad mo at bago mo pa malaman, hindi na ikaw ang mahal niya.
Kaya ang hirap makampante sa panahon ngayon dahil sa lawak ng mundo araw araw tayong may mga bagong nakikita o kaya nakikilala. Ang hirap kontrolin nito kaya sadyang tiwala na lang talaga. Pero wala talaga eh, isipin mo yun may mga tao na kayang ipagpalit ang isang taon, limang taon, o kaya sampung taon ng pagsasama sa ilang araw na kakilala. Tanggapin na lang natin na hindi oras at tagal ang basehan. Kung mahal ka talaga di ka iiwan.
No comments:
Post a Comment