Thursday, November 29, 2018

Day 333 (2): How did ethics change you?


Mataas ang araw, maliwanag ang paligid
Mainit ang hangin, ng sa mata ko ika’y nangilid
Lumapit ako at hindi nag atubili
at mula noon ako sayo'y nawili

Bago kita nakilala ay may iba akong pananaw sa mundo
Parang lahat ng bagay ay hindi ko pinakialamanan o kinibo
Ngunit ang mga matang binuksan mo
Ay mahirap na palang isarado

Noon akala ko masama ang pagiging makasarili
Pero tama nga naman ang iyong punto, na paano ka mamamahagi
Kung wala ka mismong para sa sarili
Ngunit bakit kada inuuna kita ako ay nahuhuli?

Habang mas pilit kitang inuunawa ay higit akong naguguluhan
Dahil lahat ng sinasabi mo, ginagawa mo ay kabaligtaran
Lahat na lang binigyan mo ng kahulugan
Kahit yung mga bagay na walang katuturan

May mga araw na hindi kita maintindihan
Kasi may araw na sobrang babaw mo, minsan sobrang gulo
Minsan para kang tanga na walang pakialam
Minsan parang gago na lahat pinakialamanan

Kaya naman lahat na ay pinag awayan
mga walang katuturan ang pinagtatalunan
ansakit mo sa.ulo pero di kita maiwan
dahil.alam ko ikaw ay aking kailangan

Kapag nangatwiran ka pa minsan ay taliwas na sa totoo
Ginugulo mo lang isip ko at minsan sinasagad mo ang pasensya ko
Dahil minsan kahit kakain na lang
Binibigyan mo masyado ng kahulugan

Lahat simpleng bagay lagi mong pinapakumplikado
May masabi lang na mali, andami mo agad sinasabi

Kaya ako ay nahawa narin sayo
Na mga simpleng bagay, pinapalaki ko
nga payak na usapan na nauuwi sa pagtatalo
kaya naiinis.na.kahit nga kaibigan ko

Nakakapaghinayang kang pakawalan
Pero nakakapagod kang panghawakan
Magulo ka lamang sa isip yan ang totoo
Pero ikaw yung gulo na alam kong gusto ko

Nakakainis na may punto ka at laging may katwiran
Pero alam kong kailangan kita, kaya di kita maiwan
Ngunit habang ako’y kumakapit aking napagtanto
Na darating din ang araw na iiwanan mo ko

Dahil sayo na mismo nga nanggaling
Na walang permanente sa mundo
Sana pala di ka na dumating
Dahil hindi ako handa sa paglisan mo

At sinikap ko na sa panahon na tayo’y magkasama
Na lahat ay maayos at sana’y masagana
Ngunit habang iniisip ko na lulutasin natin ang mga problemang to
Bigla kong naalala
Isang sem lang pala tayo

Inasahan kitang magbigay ng kasagutan
Ngunit alam kong isang araw ika’y lilisan
Ay sa iyong paglisan
Nagiwan ka lamang ng mas maraming katanungan

Kaya eto ako ngayon nasa sulok ng bangko
Iniisip ang mga bagay na iminulat mo
Kung paano naging mabuti ang pagiging makasarili
At paano naging tama ang mga akala kong mali

Hindi makatulog sa gabi dahil iniisip kita
bawat tanong na iniwan mo na nakakatanga
Maging ang umaga nagiging gabi
dahil sayo, lahat na ng bagay sa isip ko ay sumasagi

Nakakatawang ikaw tong maraming dahilan
Ay ang nawala ng walang paliwanag
Pinakilala mo nga sa akin ang liwanag
Ngunit sa huli iniwan din ako sa kadiliman

Pero kahit masakit ang iyong paglisan
Marami akong natutunan
Sa pag pursigi ng mga bagong kaalaman
Nilunod ang sarili, mawala ka lang sa isipan

Sinubukan ko na sa iba bumaling ng tingin
Pero wala talaga iba ang dating mo
Dahil kung nandito ka, alam mo ang gagawin
Tunay nga na binago mo ako

Sa pagharap ko ngayon sa bagong umaga
Pipilitin kong bumangon kahit di ikaw ang kasama
Pero hindi ko maitatanggi
Na iba ang pakiramdam pag ikaw ay nasaking tabi

Kahit naghihilom ako unti unti
Minsan sa isip ko pa rin ay sumasagi
Ang mga tanong bakit ka lumisan
Ang tanong na bakit lahat biglaan

Ikaw na dumating na nagalok ng mga kasagutan
Ay nagiwan lamang ng mga katanungan
Kung isang bagay ang nakuha ko sayo
Ay lahat ay agad kwestiyunin ko ng husto.

No comments:

Post a Comment