Saturday, November 3, 2018

Day 307: Pa-victim

Kahit kailan hindi naka ganda o nakagwapo ang panloloko. Ang hirap kasi ngayon, nakabase ang kagandahan mo o kagwapuhan mo sa kung ilan ang naaakit sayo. Ayos lang kung hanggang tingin pero may mga makating sadya na pinapatulan lahat. Minsan ginagawang negosyo ang panloloko, minsan ikinakatwiran pa na hindi sinasadya. Pero hindi ko kayang itopic lahat ng manloloko sa isang bagsakan pero dun tayo sa mga taong pavictim.

Sila yung manloloko, mahuhuli tapos magtataka kung bakit ka nakikipag hiwalay. Parang military rule ang trip nila "what you see and what you hear, leave it hear" parang gago lang. Gusto nila sila pa yung kaawaan dahil nanlamig ka, kahit sila ang may gawa kung bakit ka ganyan ngayon. Iniisip mo na nga kung ano ba ang halaga mo bilang tao dahil basta basta siya nakahanap ng iba kahit kayo pa tapos papalabasin na ikaw pa ang masama. Ikaw ang nagkulang kaya siya nanloko. Kasalanan mo bakit ka niya ipinagpalit. Tapos siya nakakaawa kasi sinubukan naman "daw" niya magbago pero dahil nanlamig ka naghanap siya ng iba. Ansaya no?

Gasgas na palusot na yung "Pasensya na tao lang ako, natutukso" parang dahilan pa ang pagiging tao para manloko. May mga hayop nga tulad ng swan na isang partner lang ang kasama buong buhay niya. Kung tao lang siya na natutukso, paano ka naman? Tao ka lang din, pero minahal mo siya ng buo. Hindi lang yan ang palusot na gagamitin niya. Meron pa yan lasing lang daw siya, kasama ata ng paglaklak ng serbesa niya nilunod ang damdamin sayo kaya ambilis niya makahanap ng iba. Dahil kung tapat talaga yan sayo, kahit duduling duling pa yan, ikaw ang iisipin nya. Hindi mabilang ang mga palusot ng mga manloloko kaya kapag nadalihan ka ng isa, wag mo nang patawarin pa. Hindi sa pagiging makasarili eh. Kailangan lang talaga ng pagmamahal sa sarili, di kailangan ng pride masyado.

May mga nauso noon na 3 months rules bilang respeto raw sa ex, pero may mga tao nga na mayroon pang syota nakahanap na ng iba. Anong tawag dun? Wala ka nang iginalang na kahit sino. Nantapak ka pa ng pagkatao. Tapos hindi ko maisip sa mga manloloko ay bakit hindi ka nila hayaan mag move on? Tipong pag nakahanap ka na ng iba ay sasabihan ka pa ng walang konsiderasyon sa relasyon kahit siya itong nanloko. Siya pa tong magpopost ng mga kung ano ano sa facebook at ano pang social media sites. Babaliktarin niya ang kwento sa mga kaibigan mo at malalapit na tao sayo para magmukha kang masama at ang pinakamasaklap pa ay kapag alam niyang okay ka na at umaasenso na buhay mo ng wala siya, ay babalik siya sasabihing mahal ka niya ulit. Syempre lahat tayo marupok para sa taong mahal at minahal natin kaya babalik ang lahat at paikot ikot na. Sana pag dumating sa ganung punto gumising ka na.

Respeto sa mga may mental health disorders, pero minsan ginagamit ito ng mga pavicitm bilang leverage na sila yung nakakaawa. May mga banta ng pagpapakamatay yan at sasabihin na depressed sila. Napaka ewan nito kasi parang nanenegate yung mga tao na may actual disorder and actual depressed. Anlungkot lang na ang problema ng karamihan na nga sa kabataan ngayon ay ginagamit ng iba para makontrol ang iba. 

Maghahanap sila ng iba tapos kapag nag break kayo at nakahanap ka ng taong totoong magmamahal sayo aasta silang biktima na niloko mo. Ansaklap lang kasi minsan mong minahal ang tao na ito na wala pa lang ibang nais gawin kundi kontrolin ka. Marahil gusto nila maramdaman na malakas o mataas sila o kaya gusto nila ng atensyon pero sa huli mag ingat na ang tayo sa mga taong mamahalin natin.

Pag nanloko ka, panindigan mo. Hindi yung aasta kang biktima. Ikaw pa tong may gana humingi ng simpatsa at awa. Ikaw pa tong iiyak ng iiyak at mag popost ng kung ano ano. Ikaw pa ting magwawala at magbabanta. Sa gantong pagkakataon tigilan mo na yan, lalo na kung lalaki ka. Tanggapin mo na nagkamali ka at hayaan mo yung tao na yun ay umusad sa buhay niya.

No comments:

Post a Comment