Mahirap tanggapin na ang isang tao na gusto mo ay iba naman talaga ang gusto. Minsan habang mababaw pa nararamdaman mo, kumawala ka na. Nagiging problema lang naman kasi siya kapag kayo na tapos unti unti na siyang nawawalan ng interes sayo at napupunta to sa iba. Sa kahit anong pagkakataon naman eh, hindi mo kaya ilugar ang sarili mo sa puso niya dahil may nauna na o kaya naagaw na ito sayo. Pero dahil ugali nating magpakatanga, ilalaban pa rin natin ang isang digmaan na wala ka namang panig na kinakampihan. Sundalo ka ng sarili mo, sa digmaan ng pag ibig na ito, tinalikuran ka na ng sundalo mo. Mapapagod ka at mauubos hanggang sa hindi mo na kaya lumaban pa.
Ayun kasi ang di natin maintindihan sa atin kapag nagmamahal tayo, inuubos muna natin ang sarili natin para sa iba bago pa man natin maunawaan na sa laban na ito ay may nanalo na, na kahit ano pala talagang makaawa, laban o bigay na gawin mo ay walang kwenta. Sadyang hindi ka magiging sapat para sa taong iba naman ang hinahanap.
Mahirap siyang piliin dahil may pinipili siyang iba. Ang hirap ipaglaban ng taong matagal ka na palang sinukuan. Ang hirap tingnan ng taong nakalingon naman sa iba. Mahirap lumayo kahit lumalapit na siya sa iba. Bakit nga ba ang hirap bitawan ng taong nakakapit naman sa iba?
No comments:
Post a Comment