Mahirap talaga na mahulog sa isang tao na wala naman talagang ibang minahal kung hindi ang sarili niya. O kaya kahit makisama lang talaga. Tipong wala silang kasalanan, laging sila yung tama, sila yung magaling at pag may away, sila ang biktima. Walang senaryo na sila ang may kasalanan o mali, nakakainis silang pakisamahan pero dahil napamahal ka na at nasanay na sa presensya nila, tatanggapin mo na lang. Mahirap at masakit na pero tatanggapin mo dahil mahal mo at nasanay ka na sa piling nila.
Mahirap pa kapag nanloko sila eh kasalanan mo pa. Kahit sila ang pumili nun, may mga katwiran pa sila na kahit taliwas na sa katotohanan ay ipipilit pa nila. Keso lasing daw, malungkot o basta wala siyang maalala. Minsan isisisi pa niya sayo, tutuusin lahat ng pagkukulang mo at mga bagay na nagawa mong mali noon. Lahat ng maliit na ginawa mo ay papalakihin para lang maibalik sayo ang ginawa niya. Wala siyang kasalanan na niloko ka niya, ganun talaga eh. Kayang hanggang sa mapuno ka at iwanan mo siya. Kasalanan mo pa rin dahil hindi naman siya ang nakipag hiwalay eh.
Kaya ang lalabas pa na nakipag hiwalay sa inyo ay ikaw kahit na napilitan ka lang naman dahil sobrang sakit na ng ginagawa niya sa iyo. Palalabasin niya na ikaw ang masama at hindi ka na makakasagot. Kahit sobrang toxic niyang tao at karelasyon ikaw ang may kasalanan dahil ikaw ang 'bumitaw' kuno. Kahit na sa simula pa lang ay ikaw naman ang itinutulak palayo.
Sa pag kakataon na makikita mo siya uli at isusumbat niya na ikaw naman ang nangiwan ngitian mo na lang siya at sagutin ng "di kita iniwan, itinulak mo ko palayo"
Masakit man ang mga proseso dahil kahit wala na kayo ay pakiramadam mo kontrol ka pa rin niya kahit wala ng kayo, darating ang araw na pasasalamatan mo ang sarili mo na pinakawalan mo siya. Pasasalamatan mo pa siya na itinulak ka niya palayo. Dahil may mga tao sa buhay natin na mas maganda kung wala sa sistema natin dahil wala naman magandang idinudulot.
No comments:
Post a Comment