Tuesday, November 6, 2018

Day 310: Subok lang

Kaming mga lalaki kapag nanliligaw kami mas trip pa namin mabasted ng diretsong "hindi" kaysa makataggap ng alanganin na "pwede naman..." Kasi kapag ganun, malaya ka na eh alam mo na wala ka nang pag asa at yung panahon na gagamitin mo para manligaw pa eh nag momove on ka na. Alam ko itatanong niyo, grabe isang hindi lang suko agad? hindi yan sincere! Andun na ko kaso may salita kasi na respeto na kapag ayaw niya sayo, ayaw niya sayo. Ang hirap ipilit ng sarili sa taong di ka naman gusto at tsaka sa wattpad, kdrama, tv series at movies cute ang pagpipilit ng sarili. May manipis na linya kasi sa pagitan ng "pursigido" at "sexual harassment"

Sa lahat naman siguro ng tao pwede iapply to. Imbis na maging bihag ka ng pagbabakasakali, ay umusad ka na sa buhay mo. Lisanin mo na ang trabaho na di mo gusto, layuan ang kaibigan na di mo trip o kaya umalis sa relasyon na inuubos ka na lamang imbis na binubuo. Mas maganda yung umaalis ka na agad kaysa umaasa ka na magbabago ang sitwasyon o ang taong yun. Oo, minsan may mga bagay na nadadaan sa paghihintay pero dapat alamin din hanggang saan ka dapat maghintay.

Pero balik tayo sa lalaking manliligaw, sige wag muna tayo pumunta sa punto na umamin. Dun tayo sa iniisip mo kung aamin ka ba o iintayin na lang mawala ang damdamin mo sa kaniya. Kasi ang sakit mabasted kahit oo mas maganda siya. Kaming mga lalaki, minsan nagbbigay din kami ng kahulugan sa lahat. Sa pagkakamabutihan man yan o sa maliliit na bagay na ginagawa niya. Lahat yan may kahulugan pag gusto namin yung tao. Mga hopeless romantic din naman kasi di naman ng lalaki sex lang ang gusto. Yung iba naghahanap ng companion at tatanggap sa kanila na mahina rin sila at pwede silang lumuha.

Yan ang sakit nating lahat eh, kapag gusto natin ang tao masyado tayo nagpapadala sa bawat salita at gawa na minsan ay wala naman talagang kahulugan. Marupok ang tawag sa panahon ngayon. Siguro bilang tao na lang din ay iwasan natin magbigay ng kahulugan sa lahat ng bagay lalo na kung walang kasiguraduhan. ika nga eh "never assume unless stated"

Sa huli, lalaki o babae ka man magbigay ka muna siguro ng mga pahapyaw na gusto mo siya parang "benefit of doubt" kumbaga. Hayaan mo siya ang magisip naman at hindi lang ikaw ang nagbibigay ng pagpapakahulugan sa lahat. 

Walang masama sa mabasted, mas masama ipilit ang wala naman talaga - kung aamin nga pala eh siguraduhin na handa ang sarili. Maigsi ang buhay para kapitan masyado ang tao na di tayo sigurado. Umamin ka kapag nakapag laan ka na ng oras makilala ang isa't isa tapos ipunin ang lakas at umamin na. Kilalanin muna, wag kang parang gago na lalapitan mo bigla at aamin ka. Asunto aabutin mo dun brad,

No comments:

Post a Comment