Minsan hindi na iba sa atin na nabobobo tayo pagdating sa mga taong mahal natin at hindi ito limitado sa romansa. Kahit sa mga kaibigan natin o kapamilya na malapit, natanga tayo kapag sila na ang kausap. Pero syempre ibang kaso na sila eh, iba ang lukso ng dugo at pagsasama ng kaibigan kumpara sa estranghero. Maganda siyang pag usapan kaso alam ko naman na usapang pag ibig naman ang trip niyo.
Maraming nabobobo sa pag ibig. Maraming naghihirap dahil dito at maraming nasira dahil dito. May mga kilala ko na sobrang talino na nabobo sa isang tao na iniwan lang naman sila. Ganun ba talaga kalakas ang pag ibig? kahit natatapakan ka na at nahihirapan ka na tatanggapin mo sa ngalan ng pag ibig. Nakakalungkot na minsan nawawala na tayo ng respeto sa sarili para sa taong mahal natin.
Minsan kahit hindi na bumabalik tinatanggap na lang natin. Oo, sabihin na natin na hindi ka pwede lagi mag expect na may ibabalik sayo at dapat mas isipin mo ang maibibigay mo kaysa matatanggap pero magtira ka naman sa sarili mo. Kasi kapag umabot na sa punto na ang pagbibigay mo ay mas nakakaubos ng pagkatao mo kaysa nagpupuno ng pagmamahal eh malamang sa malamang ay may problema na.
Maraming halimbawa ng pagiging tanga sa pag ibig tulad nang paghihintay ng sobrang tagal para sa wala, paghingi ng tawad kahit wala kang nagawang masama, pagtitiis ng sakit kahit alam mong niloloko ka na at iba pa. Nakakatawa na nakatatanga pala pag nagmahal ka. Tipong aabot ka sa punto ng pagmamakaawa tapos kapag nahimasmasan ka makalipas ang ilang taon ay masusuka ka na lang sa sarili mo.
Pero kahit lokohin ka o saktan ka pa ay tatanggapin mo siya ng open arms. Ganun siguro talaga eh, kahit ang matatalino nabobobo na sa pag ibig at kahit anong pagbabantay mo sa puso mo at pagtaas ng depensa ay darating ang araw na may magpapahina sayo. May sisira ng mga depensa mo at bubuksan mo ang sarili mo sa kaniya. Swertihan na lang pag di ka niya niloko. Pero pag umabot dun sana naman alam mo na kailangan mo rin umalis at mahalin ang sarili, gaano ba kahirap lisanin ang taong walang ibang ginawa kundi saktan ka? Wag sana tayo maging bobo sa pag ibig. Kahit na batid ng lahat na pumupurol ang isip kapag bumulong na ang puso.
No comments:
Post a Comment