Friday, November 9, 2018

Day 313: Pagbalik balik

Isang problema nating mga pilipino ay masyado tayong nakakapit sa nakaraan. Masyado tayong naka angkla sa mga bagay na tapos na. Hindi na babalik ang nakaraan kahit anong pag alala ang gawin natin. Oo, tama naman na matuto sa nakaraan at marahil masarap itong bisitahin minsan pero kapag dito na umikot ang mundo mo uli, wala nang uusad sa buhay mo. Ang masama pa ay hindi lang naman natin masyado alalahanin ang nakaraan, para bang gusto natin ganun na lang lahat, kahit masakit at magulo basta pamilyar sayo gusto mo balikan. Kelan ba tayo nawalan ng konsepto ng pagbabago?

Kaya lahat ng bagay minsan di natin alam tayo na nagsasabotahe dahil masyado natin iginagaya sa nangyari noon. May makita lang tayo na nangyari na kamukha noon eh nagpapanic na tayo. Minsan kapag niloko ka pa ng ex mo noon sobrang higpit at hinala mo sa taong karelasyon mo ngayon kaya sila tong tunay na tapat sayo sila tong nagdudusa sa kasalanan na di naman nila ginawa. Ansaklap lang na sa pag usad ng panahon ay hindi pa natin natutunan umusad ng ayos.

Minsan pa ay laging nakukumpara ang noon at ngayon "noon ang mga bata nasa labas naglalaro ngayon bla bla bla" Di ba nila maunawaan na iba ang panahon  noon sa panahon ngayon. May mga panahon na tanging pag usad lamang ang paraan para mabuhay. Hindi yung konting problema sa kasalukuyan iisipin mo na nag nakaraan.

Kaya di ko lubos maunawaan bakit ang mga tao ay pilit ibinabalik ang mga bagay na mananatiling alaala na lamang. Gusto natin ibalik ang nakaraan kahit alam mo na ang sakit na idudulot nito. Bumabalik pa rin ang mga tao sa mga nanakit sa kanila sa hindi ko maunawaang dahilan.  

Bakit nga naman natin laging sinasabi na ibalik yung dati, hindi ba pwedeng mangarap naman tayo ng bago? Bagong simula sa bagong mundo, Hindi yung lahat na lang purong balikan.

No comments:

Post a Comment