Thursday, November 8, 2018

Day 312: Hollow Apologies

Minsan kailangan natin tanggapin na hindi tayo lagi nag biktima. Minsan tayo na ang may kasalanan bakit tayo iniiwanan eh pero hindi mo makita kasi nga nasaktan ka. Akala mo lagi ikaw yung biktima. Pabiktima ka rin minsan eh, ikaw na nanloko ikaw pa magbibigay ng dahilan. Sasabihin na di sinasadya kaya nagawa tapos kung ano ano pa na pinalabas sa teleserye. Kaya siguro dapat ibinaban ang mga teleserye na laging usapang kabit, mas nagiging creative lang ang mga mang iiwan at manloloko sa palusot nila. Wala lang nakakainis na kung hindi puro palusot kapag nahulo, puro pag hingi ng tawad na lalo lang ika iinit ng ulo mo. Banatan ka ba naman ng "pasensya na, instinct naming mga lalaki yun" o kaya "pasensya na lasing lang ako" Mga bagay na purong kagaguhan kaya kakasusutan mo na lang pero dahil mahal, tatanggapin muli.

Subukan mo na ikaw ang magkamali, walang katapusan na pag paparinig at pagganti ang matatanggap mo. Lahat ng sakit ay pilit ibabalik sayo may. bawat hingi mo ng tawad ay babanatan ka ng mga naiintindihan naman daw niya pero nasaktan sya kaya di ka mapatawad. Ganun ganun lang parang gago lang. Akala mo sobra sobra yung nagawa mong maliit. Nakakatawa na yung mga manloloko pa ang sakim magpatawad kapag sila ang nagawan ng katarantaduhan.

Sila pa ang malakas ang loob makipag hiwalay at ang masaklap pa ay pagkahiwalay niyo, sila na nung tao na sinabi niya na wag mong alalahin, kaibigan lang naman. Kahit anong makaawa mo ay babanatan ka pa nan ng "pinapatawad naman kita eh, pero hindi ibig sabihin nun mahal pa rin kita" Mga matatamis na salita mula sa labi ng taong iniwanan ka para sa iba. Nakakainis na sa huli ikaw pa ang masama. Ikaw na nagbigay at naubusan ikaw pa ang nagkulang, parang tanga lang.

No comments:

Post a Comment