Habang tumatanda tayo ay matutuklasan mo sa pinakamasakit na paraan na hindi sapat na mahal niyo lamang ang isa't isa para manatili sa isang relasyon. Kailangan mo na ng oras, talino at kahit badyet mismo. Pero may mga bagay na higit dun, mga bagay na labas sa nakikita ng iba, Mga bagay na hindi mo lubos maunawaan dahil wala naman talagang umuunawa.
Minsan kahit mahal niyo isa't isa at yung isa ay hindi magawang hindi lumingon sa iba, kailangan mo na siyang pakawalan dahil sobrang toxic lang ng kalalabasan. May mga panahon din na mahal niyo ang isa't isa ng sobra pero dahil hindi mo pa lubos kilala ang sarili mo, kaya una mo tong hinahanap kaysa sa kaniya. Paano nga naman magaalay ng pagibig ang taong wala nito mismo para sa sarili niya. Andaming bagay na hadlang kahit sobrang mahal niyo ang isa't isa at kailangan mo matutunan mamuhay na wala yun dahil ayun nag reyalidad.
Kaya kapag ipinilit natin ang mga bagay nasasaktan tayo ng todo, kasi hindi naman ukol ipinipilit pa. Tutol na ang lahat pero ipinipilit niyo pang dalawa. Magandang marinig na sa kabila ng lahat ipinaglaban niyo ang isa't isa pero wala tayo sa wattpad. Tanggapin natin ang reyalidad, kapag pinanghawakan mo ang isang bagay na wala kang kasiguraduhan, asahan mong may masasaktan.
Ngunit sadyang makulit ang puso, Paano mo nga naman pipigilan ang pusong nagnanais ng pagmamahal? Na pilit lalaban kahit mismo siya na ang sugatan. Sa laban ng pag ibig laging may talo, at kahit mahal niyo isa't isa tanggapin niyo na sana hindi talaga kayo.
No comments:
Post a Comment