Friday, November 30, 2018

Day 334: Para sa nangiwan na nagtatangka bumalik

Kung umalis ka ay sana wag ka na babalik. Wag mo na iparamdam na mahal mo pa ko at babalik ka kapag maayos na buhay ko. Sana wala na tayong komunikasyon at sana dumating ang araw na kapag narinig ko ang pangalan  mo ay hindi ko maramdaman ang bawat durog ng puso ko at hindi babalik ang mga alaala natin na parang isang pelikula na ang katapusan ay hindi maganda. Na kapag nasilayan kita sa gilid ng mata ko sa dati nating kinakainan ay mapigilan ko ang sarili ko lumapit at batiin ka. Sana kapag nakita kitang muli ay ngumiti ka na lang at lumayo at magpanggap na hindi tayo nag kita. 

Sana dumating ang araw na hindi na kailangan magkunwari na ayos lang ako dahil totoo nang ayos na naman ako. Sana wala nang pagpapanggap at panloloko sa sarili ko na hindi na kita mahal dahil alam ko habang isinusulat ko to ay ayun pa rin ang isinisigaw ng puso ko. Gusto kong isulat ang salitang "Kalimutan mo siya!" ngunit pangalan mo ang itinitibok ng aking tinta. Darating ang araw na uusad ako at makikita kita muli ngunit wag muna sa ngayon dahil sariwa pa ang sakit.

Pag bangon ko muli at nagkaron ng lakas ng loob magmahal ng iba ay wag kang babalik utang na loob. Ilang beses ko sasabihin sayo yan at di ako magsasawa, dahil kilala kita. Ginawa mo na yun di ba. Sana kapag nakita mo kong magmahal muli ay wag mo siyang tatawaging rebound. Totoo naman kasi pero wag mo na ipamukha. Hayaan mo ko umusad sa buhay ko dahil kahit ngayon ay mahal pa rin kita pero ayako nang maging bihag ng damdamin ko.

Wag kang babalik sa ngayon at magpapakita sakin at sasabihin na mahal mo pa rin ako dahil alam ko na tatanggapin pa rin kita. Kasi sa ngayon, habang naghihilom ako, isang paramdam mo lang alam kong mahuhulog na naman ako. Alam mo at alam ko na tatanggapin kita paulit ulit kahit anong ginawa mo kaya pakiusap ikaw na ang lumayo.

Thursday, November 29, 2018

Day 333 (2): How did ethics change you?


Mataas ang araw, maliwanag ang paligid
Mainit ang hangin, ng sa mata ko ika’y nangilid
Lumapit ako at hindi nag atubili
at mula noon ako sayo'y nawili

Bago kita nakilala ay may iba akong pananaw sa mundo
Parang lahat ng bagay ay hindi ko pinakialamanan o kinibo
Ngunit ang mga matang binuksan mo
Ay mahirap na palang isarado

Noon akala ko masama ang pagiging makasarili
Pero tama nga naman ang iyong punto, na paano ka mamamahagi
Kung wala ka mismong para sa sarili
Ngunit bakit kada inuuna kita ako ay nahuhuli?

Habang mas pilit kitang inuunawa ay higit akong naguguluhan
Dahil lahat ng sinasabi mo, ginagawa mo ay kabaligtaran
Lahat na lang binigyan mo ng kahulugan
Kahit yung mga bagay na walang katuturan

May mga araw na hindi kita maintindihan
Kasi may araw na sobrang babaw mo, minsan sobrang gulo
Minsan para kang tanga na walang pakialam
Minsan parang gago na lahat pinakialamanan

Kaya naman lahat na ay pinag awayan
mga walang katuturan ang pinagtatalunan
ansakit mo sa.ulo pero di kita maiwan
dahil.alam ko ikaw ay aking kailangan

Kapag nangatwiran ka pa minsan ay taliwas na sa totoo
Ginugulo mo lang isip ko at minsan sinasagad mo ang pasensya ko
Dahil minsan kahit kakain na lang
Binibigyan mo masyado ng kahulugan

Lahat simpleng bagay lagi mong pinapakumplikado
May masabi lang na mali, andami mo agad sinasabi

Kaya ako ay nahawa narin sayo
Na mga simpleng bagay, pinapalaki ko
nga payak na usapan na nauuwi sa pagtatalo
kaya naiinis.na.kahit nga kaibigan ko

Nakakapaghinayang kang pakawalan
Pero nakakapagod kang panghawakan
Magulo ka lamang sa isip yan ang totoo
Pero ikaw yung gulo na alam kong gusto ko

Nakakainis na may punto ka at laging may katwiran
Pero alam kong kailangan kita, kaya di kita maiwan
Ngunit habang ako’y kumakapit aking napagtanto
Na darating din ang araw na iiwanan mo ko

Dahil sayo na mismo nga nanggaling
Na walang permanente sa mundo
Sana pala di ka na dumating
Dahil hindi ako handa sa paglisan mo

At sinikap ko na sa panahon na tayo’y magkasama
Na lahat ay maayos at sana’y masagana
Ngunit habang iniisip ko na lulutasin natin ang mga problemang to
Bigla kong naalala
Isang sem lang pala tayo

Inasahan kitang magbigay ng kasagutan
Ngunit alam kong isang araw ika’y lilisan
Ay sa iyong paglisan
Nagiwan ka lamang ng mas maraming katanungan

Kaya eto ako ngayon nasa sulok ng bangko
Iniisip ang mga bagay na iminulat mo
Kung paano naging mabuti ang pagiging makasarili
At paano naging tama ang mga akala kong mali

Hindi makatulog sa gabi dahil iniisip kita
bawat tanong na iniwan mo na nakakatanga
Maging ang umaga nagiging gabi
dahil sayo, lahat na ng bagay sa isip ko ay sumasagi

Nakakatawang ikaw tong maraming dahilan
Ay ang nawala ng walang paliwanag
Pinakilala mo nga sa akin ang liwanag
Ngunit sa huli iniwan din ako sa kadiliman

Pero kahit masakit ang iyong paglisan
Marami akong natutunan
Sa pag pursigi ng mga bagong kaalaman
Nilunod ang sarili, mawala ka lang sa isipan

Sinubukan ko na sa iba bumaling ng tingin
Pero wala talaga iba ang dating mo
Dahil kung nandito ka, alam mo ang gagawin
Tunay nga na binago mo ako

Sa pagharap ko ngayon sa bagong umaga
Pipilitin kong bumangon kahit di ikaw ang kasama
Pero hindi ko maitatanggi
Na iba ang pakiramdam pag ikaw ay nasaking tabi

Kahit naghihilom ako unti unti
Minsan sa isip ko pa rin ay sumasagi
Ang mga tanong bakit ka lumisan
Ang tanong na bakit lahat biglaan

Ikaw na dumating na nagalok ng mga kasagutan
Ay nagiwan lamang ng mga katanungan
Kung isang bagay ang nakuha ko sayo
Ay lahat ay agad kwestiyunin ko ng husto.

Day 333: Para sa taong ipinalit sa atin

Ingatan mo siya ha? Niloko ako nan para sayo. Nasira ang ilang taon ng pagsasama nung dumating ka. Di ko alam anong meron sayo pero pinili ka niya kahit kami pa. Andaming alaala namin ang nawala at naging basura nang dumating ka. Masakit man isipin, ako ang unang dumating, ikaw ang pinili sa huli.

Alagaan mo sana siya kahit minsan malakas ang topak.  Madalas ang moodswing niya kaya habaan mo pasensya mo. Mahilig siya sa chocolate kaya maghanda ka lagi sa bulsa mo. Mahilig siya sa late night talks kaya dapat lagi kang fullcharge o kaya ilagay mo na sa tabi mo ang powerbank. Dapat may load ka o data connection madalas kasi kailangan niya ng kausap sa gabi kapag may masama siyang panaginip o kaya nilamon siya ng kaniyang late night thoughts. Basta siguraduhin mo na andyan ka lang para sa kaniya, di niya kailangan ng mga magarbong regalo o anumang sorpresa dahil yung mag laan ka lang ng oras sa kaniya masaya na siya. Mababaw ang kaniyang kaligayahan ngunit malalim ang kaniyang pagkatao. Nakakatakot na kombinasyon ngunit kilalanin mo siya, malalaman mong ang sarap pala niyang mahalin ng todo. Hindi mo pagsisisihan ang bawat segundo na minahal mo siya.

Basta ipaglaban mo siya at ingatan tulad ng ginawa ko para sa kaniya. Wag mo siya pagkaitan ng pagmamahal na ipinagkait niya sakin. Wag mo siya ipagpapalit sa iba tulad ng ginawa niya sakin. Subukan mong maging sapat sa kaniya dahil ako na ang buhay na dahilan na di siya marunong makuntento. Siguro gusto ko lang sabihin na, kung masaya kayo ngayon, hanggang kelan kaya?

Wednesday, November 28, 2018

Day 332: I know you want that person...

I know you want that person
and you will find all the reason
that you can be with that person
no matter how many times they do you wrong

You will bend and break for the person you want
and you won't even get a cent back
you will seek to love unconditionally
even it destroys you mentally

They are happy with someone else
or you are just not an option nonetheless
their heart is not yours for the taking
so you move on, with the fantasies you're having

maybe that is why people hate confession
so they can never shatter that obsession
of filling the void of their fantasies
because you are too afraid of reality

You really want the person for you
but they can live without you
I know moving on is painful and scary
but you have to live with reality

the heart can't take what the mind conceived
so the heart will ignore what you need to believe
your eyes will water and your hands will shake
the heart holds on as it slowly breaks

I know you want that person before you
but you cannot accept what is true
maybe the time is wrong
or maybe they are not for you all along

Tuesday, November 27, 2018

Day 331: For the person who loved too much

For the person who loved too much,
take time to rest, don't think for such
let the blood of sorrow flow
and learn to let those feelings go

Even with a persistent tiny voice
saying "this love was not your choice"
You once fell too deep
and now it has robbed you of sleep

You lost the love and you thought
it will be worth it, for the battles you fought
but heart is not a reasonable organ
as it is full of ignorance

the feelings that should have faded 
is still persisting and leaves you grounded
the most painful part of this chapter
is that even lost love, persists to remember

You gave so much and yet gained so little
as every effort given is a futile struggle
you tried to hold on, despite their flaws
despite knowing it is a hopeless cause

your choice to give your sleepless nights
are now the regret of your soulful cries
it hurts so much you wish  you're dead
because you think such pain has no end

but once the tears have dried up 
and the scars you have, will all throb
you learn to live with the pain
and you find yourself smiling again

never regret the love you gave
for once it was all you craved
just thank the person and move on
as you learn to love yourself along

All the love you have, will return
as well as your deep concern
but for the time, keep your heart reserved
and wait for someone who truly deserves


Monday, November 26, 2018

Day 330: Building Empires

In a world full of lost souls, heartbreaks and broken promises. One may be cynical of love, those who have yet to feel it and especially to those who lost it. Everyone who tries to love them is viewed as a mere distraction or another tourist of heart. Another person who brings nothing but pain. One of the greatest tragedies in life would be seeing a person who was once full of love now protests against it. It is quite depressing how all the love that a person has was drained by someone who he or she thought the one.

Imagine how difficult it is to build an empire for your own and build yourself. Scratching the surface of your identity and learning to love every bit of yourself; the monsters in your soul, the tiny voice in your head and the judgeful eyes of society. All of them took a long time before you learn to live with them. Then someone with sparkling eyes and velvet lips comes crashing in, offering the promises that you yourself wish upon once. You accept the love that the person who wishes you to be happy gives. However , our mothers always said that material things are always temporary but they didn't mention that it also applies to people.

So in a world of cynical people about love, learn to give the love that people deserve. Don't be the person who promises then leaves in the process. Act on it and learn to give the love you knew you deserve.

Sunday, November 25, 2018

Day 329 (2): Mistakes Made

Lahat tayo ay nagkakamali sa buhay. Marahil isa itong desisyon na di pinagisipan ng ayos, isang bagay na pinili mo, isang bagay na di mo kontrol at marami pang iba. Basta malinaw na lahat tayo ay nagkakamali. Pero may mga pagkakamali na kaya namang iwasan tulad ng hindi pag aaral sa exam, pagkuha ng pagkain na di naman sayo na nasa ref, o kaya ang isa sa mga pinakamalala, manloko ng kasintahan.

Gaano ba kahirap maging tapat? Isang simpleng tanong na naglalabas ng milyun milyong kaisipan. Kasi naman, isipin mo yun gaano kahirap magpasagot ng isang tao o kaya gaano katagal ang proseso na maging kayo hanggang sa maging legal tapos lolokohin mo lang? Parang lahat ba ng ginawa niyong alaala eh pampalipas oras lang at bored ka ng mga araw, buwan at taon na yun? Kasi kung mahal mo talaga ang tao alam mo na kahit sa isang pagkakamali mo lang ay pwede siyang mawala pero isinugal mo. Kung mahal mo talaga ang tao di mo ilalagay ang sarili mo sa posisyon na pwede siyang mawala sayo. 

Ayusin na lang naman sana ang mga bagay na ginagawa dahil kahit ang mga simpleng kilos sa maling pagkakataon ay nakakasakit na. Hindi madaling magpatawad pero hindi dahil alam mong patatawarin ka naman ay sasagarin mo ang pasensya niya. Ikaw din, baka dumating ang araw na iisipin mo na lang na sana mas tinrato mo pala siya ng ayos. 

Day 329: Tulak

Mahirap talaga na mahulog sa isang tao na wala naman talagang ibang minahal kung hindi ang sarili niya. O kaya kahit makisama lang talaga. Tipong wala silang kasalanan, laging sila yung tama, sila yung magaling at pag may away, sila ang biktima. Walang senaryo na sila ang may kasalanan o mali, nakakainis silang pakisamahan pero dahil napamahal ka na at nasanay na sa presensya nila, tatanggapin mo na lang. Mahirap at masakit na pero tatanggapin mo dahil mahal mo at nasanay ka na sa piling nila.

Mahirap pa kapag nanloko sila eh kasalanan mo pa. Kahit sila ang pumili nun, may mga katwiran pa sila na kahit taliwas na sa katotohanan ay ipipilit pa nila. Keso lasing daw, malungkot o basta wala siyang maalala. Minsan isisisi pa niya sayo, tutuusin lahat ng pagkukulang mo at mga bagay na nagawa mong mali noon. Lahat ng maliit na ginawa mo ay papalakihin para lang maibalik sayo ang ginawa niya. Wala siyang kasalanan na niloko ka niya, ganun talaga eh. Kayang hanggang sa mapuno ka at iwanan mo siya. Kasalanan mo pa rin dahil hindi naman siya ang nakipag hiwalay eh.

Kaya ang lalabas pa na nakipag hiwalay sa inyo ay ikaw kahit na napilitan ka lang naman dahil sobrang sakit na ng ginagawa niya sa iyo. Palalabasin niya na ikaw ang masama at hindi ka na makakasagot. Kahit sobrang toxic niyang tao at karelasyon ikaw ang may kasalanan dahil ikaw ang 'bumitaw' kuno. Kahit na sa simula pa lang ay ikaw naman ang itinutulak palayo.

Sa pag kakataon na makikita mo siya uli at isusumbat niya na ikaw naman ang nangiwan ngitian mo na lang siya at sagutin ng "di kita iniwan, itinulak mo ko palayo"

Masakit man ang mga proseso dahil kahit wala na kayo ay pakiramadam mo kontrol ka pa rin niya kahit wala ng kayo, darating ang araw na pasasalamatan mo ang sarili mo na pinakawalan mo siya. Pasasalamatan mo pa siya na itinulak ka niya palayo. Dahil may mga tao sa buhay natin na mas maganda kung wala sa sistema natin dahil wala naman magandang idinudulot.

Saturday, November 24, 2018

Day 328: Illusions

The thing is when we fall in love or becomes close to a person, we want to avoid the fact that they can do you wrong. We want to live in the illusion that they are good people even though that they are not. Because as human beings, our feelings are not ready to accept that someone we love will hurt us intentionally. We let people off the hook because we want and we wish for the illusion that they are right for us. In the process of this extensive looking away and forgiving that we end up breaking our own hearts. We blindly fall for people who don't even deserve the slightest effort we give but still we give it to them. Everyone has love to offer and we just need to learn who to give this properly to.

Accept the fact that even the ones we love the most can do you wrong and move on with it. Denying it leads to worse case scenarios that may be irreversible someday. Learn to let people go and accept that not everyone will stay.

Friday, November 23, 2018

Day 327: Pill to swallow

The hardest pill to swallow is that sometimes, you are the toxic person. You are the one sabotaging every healthy relationship you have and you cannot blame your bad habits, bad relationships or the things you went through because you know all along that it is you. You are the only person responsible for your actions and you have no one to blame for them. Your parents raise you to who you are then but who you are now is all you. Blaming alcohol or the people around you for your actions does not make the sin you did any less worse. It is all YOU, every mistake and every horrible thing you've done, every person you hurt and every bridges you burnt is all you.

You cannot keep doing bad things and keep feeling bad about yourself. That's not okay, you need to work on yourself rather than finding someone at fault. Victimizing yourself cannot heal the people that you broke. Words you've said and hearts you broke will forever stay that way no matter how many times you say sorry. 

Worst things worst, you don't get any closure. You live your entire life with the burden no matter how much you deny or silence the voices in your head. You have to live with the sins you did and that is that. 

You will always be that optical illusion where at first sight you make no sense, but when you blink many times, you learn to see the beauty of it. The thing is... their eyes will get tired someday. 

All the lies and illusion in the world will never erase the things you did in the past. You need to be a better person rather than justifying those acts. Sometimes, we are not the hero in our own story, we are just the main character. 

Thursday, November 22, 2018

Day 326 (2): Iba.

Mahirap tanggapin na ang isang tao na gusto mo ay iba naman talaga ang gusto. Minsan habang mababaw pa nararamdaman mo, kumawala ka na. Nagiging problema lang naman kasi siya kapag kayo na tapos unti unti na siyang nawawalan ng interes sayo at napupunta to sa iba. Sa kahit anong pagkakataon naman eh, hindi mo kaya ilugar ang sarili mo sa puso niya dahil may nauna na o kaya naagaw na ito sayo. Pero dahil ugali nating magpakatanga, ilalaban pa rin natin ang isang digmaan na wala ka namang panig na kinakampihan. Sundalo ka ng sarili mo, sa digmaan ng pag ibig na ito, tinalikuran ka na ng sundalo mo. Mapapagod ka at mauubos hanggang sa hindi mo na kaya lumaban pa.

Ayun kasi ang di natin maintindihan sa atin kapag nagmamahal tayo, inuubos muna natin ang sarili natin para sa iba bago pa man natin maunawaan na sa laban na ito ay may nanalo na, na kahit ano pala talagang makaawa, laban o bigay na gawin mo ay walang kwenta. Sadyang hindi ka magiging sapat para sa taong iba naman ang hinahanap.

Mahirap siyang piliin dahil may pinipili siyang iba. Ang hirap ipaglaban ng taong matagal ka na palang sinukuan. Ang hirap tingnan ng taong nakalingon naman sa iba. Mahirap lumayo kahit lumalapit na siya sa iba. Bakit nga ba ang hirap bitawan ng taong nakakapit naman sa iba?

Day 326: Paola

The thing about love is that we often disregard reciprocation for the concept of giving rather than receiving that we fail to realize how self destructive it is. We often disregard the fact that even the best of things that we can offer: time, effort or space, will never worth anything to the wrong person. Even if you offer yourself to the point that you cannot offer anything more, you will be drained to the extent for naught. All efforts are in vain and you have to live with that. But the sad part here is that we don't see those flags at first because we are too deeply in love. We let these things pass by and unknowingly, we are feeling more empty than usual. The person who should be the one to fill you up becomes the leak that slowly drains your happiness, the thing that leaked out can never return. Not in this lifetime, not ever.

You only realize that this person is not good for you once everything is lost. the wrong person will never appreciate you even if you give your all and you cannot blame them for that. Language of love is never universal. The person you are offering your feelings to cannot be blamed since they speak of another. You have to live with the fact that despite the fiery passion and everything, you can never get a happy scenario with this person.

In the end, let go and move on. The best of you will never be enough for the person who doesn't even know your value.

Wednesday, November 21, 2018

Day 325: Filipina Beauty

Kayumangging balat na may ilong na hindi kataasan. Maitim na buhok na bumabagsak makalampas ng balikat. Matatamis na ngiti sa pagitan ng matatambok na pisngi, at mga matang bilugan na kakulay ng mga kahoy sa kagubatan. Mga galaw na di makabasag pinggan at mga kamay na sanay sa gawain. Sadyang di maitatanggi ang ganda ng isang pilipina.

Hindi siya katangkaran ngunit sapat lang para kumatok sa iyong puso. Hindi niya kailangan ng matangos na ilong sapagkat aagawin ng matamis niyang ngiti ang iyong pansin. Ang maputing kutis ay isang kanluraning konsepto kaya bakit mo sa kaniya ito hahanapin? Nakita mo na ba ang kaniyang kayumangging balat sa oras na humalik sa liwanag ng araw? O kaya naman mailawan ng mga sinag ng buwan kahit sa gitna ng kadiliman, mabibighani ka sa kaniyang kagandahan. Hindi tunay na kutis na puti ang basehan ng kagandahan, dahil kung ganun ka mag isip ay hindi ka pa nakakatuklas ng isang pilipina.

Pero hindi lahat ay nagtatapos sa panlabas niyang anyo. Sapagkat ang kaniyang tinig ay makatindig balahibo. Tulad ng mga huni ng ibon sa taas ng kagubatan, ay tamis ng kaniyang tinig kapag siya ay nagsimula na sa kantahan. Malambing ang boses na hindi magpapa api. Matapang siya na busilak ang puso, kombinasyon na wala sa marami. Siguro sa lahat ng bagay na mali mong makikita, isa siya sa mga bagay na sa una mong tingin ay alam mong tama.

Simple at payak ganyan ilarawan ang ganda ng pilipina, di mo kailangan ng basehan dahil siya na mismo ang kagandahan. Mula sa matatamis niyang ngiti, magandang pag uugali at nakakaindak na himig, tanga ka kung pakakawalan mo ang babae na ganitong katangi tangi.

Pambihira siya ngunit wag iisipin na mahina. Dahil ang kaniyang isip ay angat sa kahit anong larangan. Kulang ang mga pang uri sa filipino para tukuyin siya, ngunit iba talaga ang ganda ng isang filipina.

Tuesday, November 20, 2018

Day 324: Haliyah

The sun has slept and the moon took place and I could not explain more how I fall in love further with this moon. She was effortlessly beautiful at that night. From the plain white blouse to her intricate recycled dress. There were stars around her yet they never stood appealing to me at all. Some even flickered and tried to steal the radiant of moonlight however, some things will never be gone as long as the eyes who sees , knows the true value of it. Until the night grew darker and darker, there was nothing I could do but ponder on the beauty of this moon.

It even serenaded once and every beat of my heart skipped as I hold my breath. Staring in awe, I wanted to cheer but all my lips are forming is a curve of satisfaction where it fails to speak but rather like a child eating sweets for the first time. I was ecstatic and satisfied. Despite the moon being far away from me that night, the fact that she stands out, I never wanted to get out of my place. 

Like the sun, I shall continually give my light on this moon knowing that will eclipse me once in a while. Like the sun, I will give much of my light even when I have nothing to gain from it, For this moon made me fall in love so much that I realized how sacrifice I have to make just to reach it. It may need an entire lifetime for this task, but with her on my hand, it is all worth it. I guess love is never a sweet cone with ice cream, it is a rose with thorns.

Monday, November 19, 2018

Day 323: Cast Away

Isolation is the key to people who had failed to socialize then. The weird kid, the odd one or the special case. there is always a cast away as one will try to avoid the norms and walks of life. But sometimes drifting away from people, drifting away from everything that the world once offered you, is not a bad thing as it leads to things that you never knew you'd love.

Escaping the comfort zone is a dare not everyone did in their lifetime. Some stayed there and never saw the things that life offered them. Those people merely exist and didn't live at all. Comfortable in the shell they grew into, they never tried to find something new. Settling for mediocrity as they regret as they grow old and weakly. 

That is why I am grateful for leaving the comfort zone where I was safe before. Safe in the clutches of the world I lived in and safe as everything felt familiar. Because if I hadn't then I wouldn't have met you. 

In the world where I came in midst of chaos, puzzled still as the people were different and along the debris and scattered remains, there was maiden lurking in the shadow. Terrified of what she is, moons have passed that I did not make a single move. But I get to know her and fell in love more when she stood in stage. Never have I cared about anyone in that night as every star in the sky aligned to to light her beauty alone. I came in a world where disaster and agony is anticipated but seeing her was a proof that even in times of war, there is a little spark of sunshine that becomes your light when you notice long enough.

Ever since then I have wished to be inside the clutches of your embrace as every night you invade my dreams and make me sleep. If being cast away means being with you then it is a punishment I would willingly offer. You have consumed my waking days as well as my sleepless nights and the only thing left is you sitting beside me.

Casting away from the world I knew terrified me but with her, the trouble and fear does not seem troubling or terrifying. Maybe being away for once was the best decision ever made.

Sunday, November 18, 2018

Day 322: Falling to ash

Everything in this world will come to an end eventually. A hard fact that we all have to face one way or another. The things you saved your money for the most will be taken away from you and even your love ones will depart one by one and that is not a bad thing because it's life. Everything and everyone will come and go. Drinking buddies, classmates and even best of friends will all disappear and leave someday, that's why when you found someone you want to be with the rest of your life with, you do something about it. That's the thing about life, nothing is really permanent.

That's why we try to hold on things that matter the most. Mind, in which we think of the things that we desired and wish the best for other. Money, where we will spend them in the most important thing of all: Memories. Every fragment of memory you will make in this world is precious as no one can take them away from you. People may forget but everything you learned about that experience are the most precious things that you will gain in your lifetime.

You make everything you love in this world feel precious because even if one day they all fall into ashes, there is no regret that you have expressed your love to that certain person. For you may only be a part of that person's world but to you, he/she is your world. You may be just one thing to one person but to another, you are everything.  Like a flower in you garden, in the eyes of a commoner that flower is just another flower in your garden but to you, that garden is everything as it was your first grown flower. The value of things really vary on the eyes of the beholder.

If you acknowledge and accept the fact that nothing is permanent, you do everything for the person you wish to keep the most. But if that person cannot be yours, do not lose hope. As when everything becomes ash, you will be equals also. Time will come when everything will disintegrate but the pleasure of meeting you in this lifetime is the best thing I will keep.


Saturday, November 17, 2018

Day 321: Icily

There lies a frozen heart, that was shattered long ago. No amount of heat can thaw, as it has been chilled for so long. Burning passion did not nudge it a bit and it turned a happy man stoic, the freezing heart of winter looked up in silver skies, praying for summer to come.

It was long ago when the heart had its match, and the warmth it had felt. The world that was fine, his wasn't. The frozen heart had pushed everyone away, and the language of love has been lost ever since then. He icily scolded everyone around him and became cold to people who loved him. The piercing coldness has reached his mind, until someone smiled and then he felt warmth.

A maiden smiled and say sai 'hi' then his heart skipped a bit. Then she would not get off his mind. The smiles of warmth thawed the ice and every cold nights became warm by the thought of her eyes. Her eyes were asymmetrical but there he found comfort. Her smile was perfect but those eyes made them genuine. As The flow of her hair went along with the wind,every angle of her, became the definition of perfection. The ice that was once stood tall was slowly burning up and losing its cold, now every written work of his was dedicated to the summer girl.

The frozen heart still thaws today wishing that the ice would all melt away. Craving the smile that he wish that he will be the reason for. Frozen hearts still yearns for warmth and awaits the day the he wins her heart.

Friday, November 16, 2018

Day 320 (2): Photogenic

I believe it was the ninth crescent moon when I first stumble upon you and got a glimpse of your smile. But it wasn't until I heard you sang and then every colors in the wind started to appear around you. Every flower and lilac surrounded you and the thought of you clouded my thoughts each night. you were the most beautiful thing that haunted me each night and every nightmare is erased with the dream of you. The shadows of my past slowly disappeared every time your smile lights up. It's that damned smile which became my merciless drug. Now every time I thought of it, my mind wanders as I subconsciously smile. Now every picture of you physically or even the ones in my mind caters the thought of being with you.

But it would be unfair to limit such goddess to her outside beauty. I have mentioned that I have not fallen for such vague reason. The butterflies you spoke as lyrics are all wonderful and every tune and hymn of your voice is a melody to me. You sang your way through my heart and it there it will forever left carved.

The photograph of you lips curving and your cheeks raising is the reason I stand up at day and sleep soundly at night. Every angle of you is perfection to me and no other person has ever done that. Every love song was all about you and every definition of love is with your name on it. The season changes but the feelings I have, have not. Hoping one day that the line between fantasy and reality will blur and there will be a day when I can call you mine, instead of being a photograph in my mind.


Day 320: Past References

Mahirap magmahal ng tao na sobrang dinurog ng iba. Yung konsepto nila ng pagmamahal ay nawala na nga ng tuluyan at ang tingin nila sa lahat ay isang manloloko na kapag nakuha na ang gusto ay umaalis na lang ng walang paalam at humahanap na ng iba. Sobrang hirap talaga lalo na ang tingin niya sa pag ibig ay nararamdaman na lamang ng mga taong uhaw sa kalinga kaya kahit ikaw na seryoso sa kaniya at handang magalay ng tunay na pagmamahal, tatanggihan niya.

Lahat na ng ginawa mo para sa kaniya ay nauuwi sa wala dahil iniisip niya tulad ka lamang ng ex niya. Kahit ang mga sweet na bagay ay nagiging masama dahil ayun nga may nanggago sa kaniya. Nakakainis minsan dahil parang hindi naman patas sayo at hindi naman ikaw ang taong yun, pero kailangan mong unawain, nasaktan eh. Kaya mag pursigi ka lamang na gumawa ng mga bagay na makakalimot ng kaniyang nakaraan at sana hayaan ka naman niyang maging ikaw at hindi lamang alaala ng kahapon niya.

Mahirap pero uunawain mo dahil nandito ka na eh, ngayon ka pa ba aatras. Kailangan mo na lang mapanatag at mahalin ng tunay. Minsan nakakasakal pero lalaban ka at titiisin mo at sa kabila ng pag titiis ay maiisip mo "Gaano ba kagrabe ang ginawa ng ex mo at kahit ilang beses kong sabihin mahal kita eh ayaw mo maniwala"

Pero laban lang kaibigan at hayaan mong maghilom siya at magsimula kayo ng kayo lang na wala nang bakas ng kahapon.

Thursday, November 15, 2018

Day 319: Photographs

Photographs are perfection no matter how messed up some are, I mean they stay forever in that way despite everything around changes and when you fall for someone, every photo they have is special. It can be a selfie, with him or her in a group or simply him/her smiling. The last one is special, it's that damned smile that makes you feel so complete. You never gave a damn for a moment whether that person is yours or not because once you saw that beautiful smile, you just stop and forget everything. Photos of that person is always perfect and you will never deny that.

Imagine how lovely it is to fall for someone photogenic, his/her beauty forever in that piece of paper or on that screen. You fall in love everytime you see that person even in that virtual or surreal world. Can you imagine the happiness that one has when they have the opportunity to have a picture taken with the person they love? I can only imagine that person jumping of joy as the moment they had with the person they love is immortalized. 

But how one photograph can give so much happiness, it can also bring you pain. Imagine how one photograph is all you have as a fragment of your past and every broken memory there is. It is all you have. Because it will never return. Your departed love one only exists in your memories and photographs what's worse, those who are alive but decided to leave your life only exists in them too. That's what makes them precious, it is a fragment of the past that will never go back no matter how we want it to be. 

Photographs are perfect but the moment you learn that everything in it is a thing of the past, it just sinks your heart.


Wednesday, November 14, 2018

Day 318: Now or Never

The pain of rejection is acute but the pain of regret is chronic. Once rejected you will learn to move on with your life and accept things as they are. Seeing her again will make you feel contented because you know deep in your heart that you have done everything in you power to win her heart, you may have failed but you will learn to see where you did wrong and improve yourself. Rejection hurts for a few days or more but you will earn to grown from it, maybe she's not just for you and there is some better, that's the thing it will hurt for a moment then you learn to stand on your own.

However, the pain of regret is chronic. The haunts of what ifs and maybes will steal away your sleepless nights and every moment you are with that person you are hoping and when you see them with someone else, you are hurting. Bottled up mixed emotions will forever be in your heart and as the days go by, you feel the weight of it getting heavier each time. But there is nothing you can do, those what ifs are only possible scenarios as you watch her smile in another man's arms. Wishing you have done something more.

So in any scenario take the risk. It is better to lose the battle trying rather than lose everything waiting. You cannot assure that everyone you wish to love in this world will reciprocate your feelings but how will you find that one if you keep messing around and beating around the bush? Go after her, take the risk and if you lose, sulk it up and move on, if you win, I'm happy for you.

Tuesday, November 13, 2018

Day 317: Hindi Sapat

Habang tumatanda tayo ay matutuklasan mo sa pinakamasakit na paraan na hindi sapat na mahal niyo lamang ang isa't isa para manatili sa isang relasyon. Kailangan mo na ng oras, talino at kahit badyet mismo. Pero may mga bagay na higit dun, mga bagay na labas sa nakikita ng iba, Mga bagay na hindi mo lubos maunawaan dahil wala naman talagang umuunawa.

Minsan kahit mahal niyo isa't isa at yung isa ay hindi magawang hindi lumingon sa iba, kailangan mo na siyang pakawalan dahil sobrang toxic lang ng kalalabasan. May mga panahon din na mahal niyo ang isa't isa ng sobra pero dahil hindi mo pa lubos kilala ang sarili mo, kaya una mo tong hinahanap kaysa sa kaniya. Paano nga naman magaalay ng pagibig ang taong wala nito mismo para sa sarili niya. Andaming bagay na hadlang kahit sobrang mahal niyo ang isa't isa at kailangan mo matutunan mamuhay na wala yun dahil ayun nag reyalidad.

Kaya kapag ipinilit natin ang mga bagay nasasaktan tayo ng todo, kasi hindi naman ukol ipinipilit pa. Tutol na ang lahat pero ipinipilit niyo pang dalawa. Magandang marinig na sa kabila ng lahat ipinaglaban  niyo ang isa't isa pero wala tayo sa wattpad. Tanggapin natin ang reyalidad, kapag pinanghawakan mo ang isang bagay na wala kang kasiguraduhan, asahan mong may masasaktan.

Ngunit sadyang makulit ang puso, Paano mo nga naman pipigilan ang pusong nagnanais ng pagmamahal? Na pilit lalaban kahit mismo siya na ang sugatan. Sa laban ng pag ibig laging may talo, at kahit mahal niyo isa't isa tanggapin niyo na sana hindi talaga kayo.

Monday, November 12, 2018

Day 316: Mixed Signals

Sobrang hirap magmahal ng tao na ayaw pa linawin kung gusto ka rin ba niya o sadyang naaawa lang sya sayo kaya ka niya ineentertain. Yung napaka sweet nya sayo tipong kinakamusta niya maghapon mo tapos lahat ng ginagawa niya feeling mo special ka. Pero hindi ka makapag assume dahil baka sa lahat ng tao ganun naman siya.

May pagseselos pa na nalalaman eh wala namang kayo. Kaibigan ang turingan niyo pero may pagkakataon na pinapakilig ka niya. May concern sa isa't isa. Tipong ang relasyon nyo ay isang magandang drawing na takot kang kulayan dahil baka pumangit.

Kaya rin naman hindi ka makakilos ng ayos eh nakaamin ka na rin sa kaniya at tinanggap naman niya ng ayos ang damdamin mo. pero hanggang san at kelan? Hindi niya nilinaw na gusto ka rin niya pero maraming patunay na ganun din naman. Alam kong actions speaks louder than words pero puta sabihin mo kung gusto mo rin ako para kung hindi nakakamove on na ko.

Kaya ang hirap kumapit sa taong hindi mo alam kung nakahawak ba sayo. Nagseselos ka na walang karapatan at masakit pa kapag medyo nagkalayo kayo at nakahanap siya ng iba ay wala kang karapatn magalit dahil wala naman kayo. Parang trumpo na nilalaro sa palad at ikaw yung umiikot dahil patay na patay ka sa kaniya.

Minsan pagtitripan ka pa nan at babanggitin ang pangalan ng pinagseselosan mo kaya ikaw maiinis na walang magawa. Kaya rin naman nagaalala ka kasi kung makakilala siya ng iba at mabait din siya, alam mong ganun din pala sya sa lahat kaya parang wala lang pala trato niya sayo.

Sa huli, kung mixed signals ang nakukuha mo sa kaniya, bitawan mo na lang o kaya linawin mo. Mahirap kalaban ang puso kapag nahulog ng husto. Gusto mong linawin para makahinga ka na pero may takot ka na baka mawala nga at sayang naman. Ang hirap kapag sigurado ka sa taong di naman sigurado sayo.

Sunday, November 11, 2018

Day 315: Eliza

We all have someone in our lives that we will love deeply and unconditionally, he or she will always be special to us despite the fact that they can never reciprocate our feelings. We will destroy ourselves and wellbeing for this person but all they can give you is pity and friendship. We all have different name for this person but I will name mine "Eliza" as a placeholder. 

Offering myself to Eliza despite the fact that she will never give my feelings back is one of the most satisfying and painful experience in life. I have given everything that I am and taken nothing that I want. She will see me as a friend forever and life have to move on like that. But my feelings for Eliza will never fade until someone comes in and shows my worth.

No matter how painful and excruciating it is, one person's life is never complete without an Eliza.

Saturday, November 10, 2018

Day: 314: Panahon ng pagsasama

Minsan kapag sobrang tagal mo na sa isang relasyon iisipin mo kayo na hanggang huli. Tipong mahigit ilang taon na rin na kayo kaya tiwala ka na kayo na hanggang huli. Pero sadyang masakit magbiro ang tadhana. Dahil minsan yung jowa mo ng limang taon at pwede kang ipagpalit sa isang linggo niyang kakilala at hindi yun exaggeration. Sadyang may mga tao na walang pakialam sa oras o tagal ng pagsasama. Pag kinati sila, kinakati sila.

Isipin mo, gaano kasakit sa isang tao na iwanan ng tao na akala niya ay pakakasalan na siya? Gaanong sakit at pag dududa ang maitatanim sa kaniyang puso sa oras na iwanan siay at ipagpaloit ng ganun ganun na lang. kasi hindi lang naman yung tao ipinagpalit at iniwan eh, kasama na rin dun yung mga alaala at pangarap na kasabay niyong binuo tapos ipagpapalit sa isang tao na gagawan pa lang niya ng bago. Parang ano pang silbi ng pagsasama niyo, aanhin mo ngayon ang mga alaala niya kundi maging dahilan lamang ng sakit sa iyong puso.

Ansakit lang kasi na sa kabila ng pinagdaanan niyo ay ngayon ka pa niya iiwan, paagkatapos niyo malampasan ang lahat eh lalampasan ka lang pala niya. Kaya iisipin mo kung totoo ba yung naging inyo o panakip butas lang para pagtakpan ang kalungkutan niya nung mga panahon na ayo pa.

Ang nakakatawa pa minsan ay wala naman kayong problema, masaya naman kayo pero isang iglap, pag lipat ng school, section o trabaho ay mawawala na lang bigla. Parang sobrang ganun ganun na lang. Mahirap ang mapalayo minsan pero hindi siya lisensya para humanap ng iba. Kung ang basehan mo ng pag ibig ay araw araw kayong nag uusap at magkasama, wag kang umibig muna.

Minsan naman unti unti na silang nanlalamig bago mo malaman na naipagpalit ka na nga sa iba. Ang masakit pa minsan ay hindi muna nakipag hiwalay bago humanap ng iba. Unti unti nawawala ang kanyang kamay sa mga palad mo at bago mo pa malaman, hindi na ikaw ang mahal niya.
Kaya ang hirap makampante sa panahon ngayon dahil sa lawak ng mundo araw araw tayong may mga bagong nakikita o kaya nakikilala. Ang hirap kontrolin nito kaya sadyang tiwala na lang talaga. Pero wala talaga eh, isipin mo yun may mga tao na kayang ipagpalit ang isang taon, limang taon, o kaya sampung taon ng pagsasama sa ilang araw na kakilala. Tanggapin na lang natin na hindi oras at tagal ang basehan. Kung mahal ka talaga di ka iiwan.

Friday, November 9, 2018

Day 313: Pagbalik balik

Isang problema nating mga pilipino ay masyado tayong nakakapit sa nakaraan. Masyado tayong naka angkla sa mga bagay na tapos na. Hindi na babalik ang nakaraan kahit anong pag alala ang gawin natin. Oo, tama naman na matuto sa nakaraan at marahil masarap itong bisitahin minsan pero kapag dito na umikot ang mundo mo uli, wala nang uusad sa buhay mo. Ang masama pa ay hindi lang naman natin masyado alalahanin ang nakaraan, para bang gusto natin ganun na lang lahat, kahit masakit at magulo basta pamilyar sayo gusto mo balikan. Kelan ba tayo nawalan ng konsepto ng pagbabago?

Kaya lahat ng bagay minsan di natin alam tayo na nagsasabotahe dahil masyado natin iginagaya sa nangyari noon. May makita lang tayo na nangyari na kamukha noon eh nagpapanic na tayo. Minsan kapag niloko ka pa ng ex mo noon sobrang higpit at hinala mo sa taong karelasyon mo ngayon kaya sila tong tunay na tapat sayo sila tong nagdudusa sa kasalanan na di naman nila ginawa. Ansaklap lang na sa pag usad ng panahon ay hindi pa natin natutunan umusad ng ayos.

Minsan pa ay laging nakukumpara ang noon at ngayon "noon ang mga bata nasa labas naglalaro ngayon bla bla bla" Di ba nila maunawaan na iba ang panahon  noon sa panahon ngayon. May mga panahon na tanging pag usad lamang ang paraan para mabuhay. Hindi yung konting problema sa kasalukuyan iisipin mo na nag nakaraan.

Kaya di ko lubos maunawaan bakit ang mga tao ay pilit ibinabalik ang mga bagay na mananatiling alaala na lamang. Gusto natin ibalik ang nakaraan kahit alam mo na ang sakit na idudulot nito. Bumabalik pa rin ang mga tao sa mga nanakit sa kanila sa hindi ko maunawaang dahilan.  

Bakit nga naman natin laging sinasabi na ibalik yung dati, hindi ba pwedeng mangarap naman tayo ng bago? Bagong simula sa bagong mundo, Hindi yung lahat na lang purong balikan.

Thursday, November 8, 2018

Day 312: Hollow Apologies

Minsan kailangan natin tanggapin na hindi tayo lagi nag biktima. Minsan tayo na ang may kasalanan bakit tayo iniiwanan eh pero hindi mo makita kasi nga nasaktan ka. Akala mo lagi ikaw yung biktima. Pabiktima ka rin minsan eh, ikaw na nanloko ikaw pa magbibigay ng dahilan. Sasabihin na di sinasadya kaya nagawa tapos kung ano ano pa na pinalabas sa teleserye. Kaya siguro dapat ibinaban ang mga teleserye na laging usapang kabit, mas nagiging creative lang ang mga mang iiwan at manloloko sa palusot nila. Wala lang nakakainis na kung hindi puro palusot kapag nahulo, puro pag hingi ng tawad na lalo lang ika iinit ng ulo mo. Banatan ka ba naman ng "pasensya na, instinct naming mga lalaki yun" o kaya "pasensya na lasing lang ako" Mga bagay na purong kagaguhan kaya kakasusutan mo na lang pero dahil mahal, tatanggapin muli.

Subukan mo na ikaw ang magkamali, walang katapusan na pag paparinig at pagganti ang matatanggap mo. Lahat ng sakit ay pilit ibabalik sayo may. bawat hingi mo ng tawad ay babanatan ka ng mga naiintindihan naman daw niya pero nasaktan sya kaya di ka mapatawad. Ganun ganun lang parang gago lang. Akala mo sobra sobra yung nagawa mong maliit. Nakakatawa na yung mga manloloko pa ang sakim magpatawad kapag sila ang nagawan ng katarantaduhan.

Sila pa ang malakas ang loob makipag hiwalay at ang masaklap pa ay pagkahiwalay niyo, sila na nung tao na sinabi niya na wag mong alalahin, kaibigan lang naman. Kahit anong makaawa mo ay babanatan ka pa nan ng "pinapatawad naman kita eh, pero hindi ibig sabihin nun mahal pa rin kita" Mga matatamis na salita mula sa labi ng taong iniwanan ka para sa iba. Nakakainis na sa huli ikaw pa ang masama. Ikaw na nagbigay at naubusan ikaw pa ang nagkulang, parang tanga lang.

Wednesday, November 7, 2018

Day 311: Muntikan.

Masarap na aspeto ang ligawan lalo na kung nagsimula kayo sa pagkakaibigan. May pundasyon ng pagkakakilanlan at alam niyo ang maganda at baho ng isa't isa. Malakas din ang loob mo ipakilala siya sa pamilya mo dahil may pinagsamahan na nga. Siguradong sigurado ka na sa taong to at naghihintay ka na lamang ng magandang pagkakataon para iangat ang relasyon niyo. Pero mapagbiro talaga ang tadhana, sa isang pagkakamali mo nawala ang lahat.

Ang masakit pag nawalan ka ng taong mahalaga sayo ay hindi lamang isang tao ang nawawala sa iyo. Nawalan ka ng posibleng karelasyon, nawalan ka ng karamay at ang pinakamasaklap nawalan ka ng kaibigan. lahat lahat nawawala sa isang pagkakamali at habang buhay mong palaisipan ano bang mali sayo. bakit nga ba biglang nanlalamig kapalit ng isang pagkakamali? Bakit sinayang ang mga tao na lumipas at sa oras na tayo na sana, bigla mo kong iniwanan. Kung kelan kita na natin ang liwanag ay bigla mong binitawan ang aking kamay. Bakit naman?

Sa pagkakataon na bigla siyang nanlamig ay pwedeng wag mong sisihin ang sarili mo. Kasi pwede na matagal na naman na hindi ka gusto, sadyang naghintay lang ng pagkakataon iwasan ka. Kaya kahit ang pinakamababaw na pagkakamali ay huhusgahan. Hindi siya "biglang" nanlamig, matagal ka nang hindi gusto, hinanapan ka na lang ng butas.

Alam mo yun? yung gusto mo naman siya pero trip mo siyang subukan kaya inilagay mo siya sa pagsubok. Tapos nagulat ka na lang, ganun ganun lang siya sumuko. Gaano kahirap yun, bigla mong nalaman na ang tao na handa kang tumawid ng dagat para sa kaniya eh, hindi handang mabasa ang sapatos para sayo. Gusto mo lang naman ng taong handang maghintay, tapos ang tingin niya sayo nambabastos ng oras niya.

"Sa mga araw na nanahimik ako naisip kong hindi na ako masaya, hindi ako masayang
Sundin ang mga request mo, pakinggan ang mga kwento mo sunduin ka at hintayin ka."
- Mga pahayag na nagpapahiwatig na ang taong nangako na handang gawin ang lahat para sayo ay biglang sumuko na lang. Parang gusto niya palabasin na nakakapagod kang mahalin na imbis mapangiti siya sa mga biglang pasok mo sa kaniyang isip, ay nakaramdam siya ng pagod. Pagod na ibigay sayo ang mga bagay na kaya naman niyang ialay, mga bagay na may sobra naman siya pero bakit di niya maibigay. Nakakasawa ka nang sundin at hintayin pero ang pinakamasakit ay nakakasawa ka nang pakinggan. Oo, ang mga araw mo na hindi siya kapiling ay mga kwentong hindi na niya nais mabatid. Kahit anong tamis ng salita ng pagpapaalam, ang paalam ay paalam.  Mga salitang nakabalot sa asukal na ang tunay na ibig sabihin ay "nakakapagod kang mahalin."

 Lahat ng pangarap na binuo niyo lalo na ang mga binuo mo kasama siya ay wala na.  Kaya ang sarili mo na pinilit mong buuin sa mga dumaang taon ng buhay mo ay biglang nadurog at naglaho. Self esteem, self worth, at self confidence ay unti unting bumaba at nawawala. Lahat ng bagay ay kinwestyon mo, lahat ng sa sarili mo kung san ba may kulang. Lahat wala na. lahat.

Balik tayo sa isang mong pagkakamali, dahil nga nagkaron ka ng maliit na bagay na pinalaki niya lang masyado ay humingi ka ng tawad. Hihingi ka ng tawad kahit hindi mo lubos maunawaan ang mga ginawa mo. Paghingi mo ng tawad ay maiintindihan ka niya pero hindi ka niya mapapatawad. Para bang "Nauunawaan ko ang nangyari, pero hindi ibig sabihin nun mamahalin pa rin kita."

Habang tumatanda tayo ay maiisip natin na hindi pala sapat ang pagmamahal pag pumasok sa isang relasyon. Kailangan mo ng oras, balanse sa gawain at mahabang pasensya sa lahat ng bagay. Nakakabobo nga, sa pag ibig walang matalino dahil lahat tayo bobo sa pag ibig , kailangan mo ng diskarte at hindi basta utak. Kasi kahit akala mo okay na lahat, biglang babagsak ang mundo sa mukha mo.

Kaya mapapaisip ka kung masyado mo bang isinarado ang isip at puso mo sa pagibig kaya nung may dumating, hindi mo alam ang gagawin. Masyado mo isinarado ang puso mo at masyado kang naging mapang hinala kaya ayn, nawala na. Nagkamali ka ba na sinikap mong subukan muna ang taong gustong kumatok sa puso mo. Sumobra ba ang pag babantay mo kaya nagsawa siya? Hindi mo na malalaman yan. Pero ang maganda dyan, isang araw pasasalamatan mo ang sarili mo na pinakawalan mo siya at binantayan mo ang sarili mo maigi. Pero hindi ito yung araw na yun.

Sa huli, hihiga ka na lang sa kama mo nakatingala sa kisame o sa agiw ng gagamba kung ano ba ang nagawa mo sana para hindi ka niya iniwanan bago pa man kayo may nasimulan. Nasayang ba lahat ng binuo niyong pangarap? o nakaiwas ka sa tao na marahil iiwan ka rin naman pagdating ng araw? Hindi mo na malalaman yun. Pero ang malinaw ay muntik nang maging kayo. Sa pagitan ng kayo at hindi pala ay nagkatagpo ang dalawang puso. Isang umasa ng todo at isang napagod ng husto. Muntikan ang lahat pero ang pakiramdam mo totoo lahat. Lahat lahat ng bagay na hiniling mo ay naging kayo ay wala na pero sa isip mo totoo sila.

Ang mga bagay na muntikan na ay ang mga bagay na pinaka nakakapanghinayang dahil wala ka nang magagawa kundi isipin ano kaya kung... Wala nang nangyari sa relasyon na wala naman talaga. kaya ngayon iisipin mo na lang kung ano kaya ang posibleng kinabuksan niyo kung ano. Malabo ang mga bagay sayo pero malinaw na muntikan lamang kayo.

Ilang taon mula ngayon kahit nakamove on ka na ay may kirot ka pa rin sa taong iniwanan ka sa ere. Awkward pa kayo kahit na wala naman kayong nakaraan. Paano mo uungkatin ang isang bagay na wala namang ebidensya at hindi namn talaga nangyari. Nakakatanga.

Tuesday, November 6, 2018

Day 310: Subok lang

Kaming mga lalaki kapag nanliligaw kami mas trip pa namin mabasted ng diretsong "hindi" kaysa makataggap ng alanganin na "pwede naman..." Kasi kapag ganun, malaya ka na eh alam mo na wala ka nang pag asa at yung panahon na gagamitin mo para manligaw pa eh nag momove on ka na. Alam ko itatanong niyo, grabe isang hindi lang suko agad? hindi yan sincere! Andun na ko kaso may salita kasi na respeto na kapag ayaw niya sayo, ayaw niya sayo. Ang hirap ipilit ng sarili sa taong di ka naman gusto at tsaka sa wattpad, kdrama, tv series at movies cute ang pagpipilit ng sarili. May manipis na linya kasi sa pagitan ng "pursigido" at "sexual harassment"

Sa lahat naman siguro ng tao pwede iapply to. Imbis na maging bihag ka ng pagbabakasakali, ay umusad ka na sa buhay mo. Lisanin mo na ang trabaho na di mo gusto, layuan ang kaibigan na di mo trip o kaya umalis sa relasyon na inuubos ka na lamang imbis na binubuo. Mas maganda yung umaalis ka na agad kaysa umaasa ka na magbabago ang sitwasyon o ang taong yun. Oo, minsan may mga bagay na nadadaan sa paghihintay pero dapat alamin din hanggang saan ka dapat maghintay.

Pero balik tayo sa lalaking manliligaw, sige wag muna tayo pumunta sa punto na umamin. Dun tayo sa iniisip mo kung aamin ka ba o iintayin na lang mawala ang damdamin mo sa kaniya. Kasi ang sakit mabasted kahit oo mas maganda siya. Kaming mga lalaki, minsan nagbbigay din kami ng kahulugan sa lahat. Sa pagkakamabutihan man yan o sa maliliit na bagay na ginagawa niya. Lahat yan may kahulugan pag gusto namin yung tao. Mga hopeless romantic din naman kasi di naman ng lalaki sex lang ang gusto. Yung iba naghahanap ng companion at tatanggap sa kanila na mahina rin sila at pwede silang lumuha.

Yan ang sakit nating lahat eh, kapag gusto natin ang tao masyado tayo nagpapadala sa bawat salita at gawa na minsan ay wala naman talagang kahulugan. Marupok ang tawag sa panahon ngayon. Siguro bilang tao na lang din ay iwasan natin magbigay ng kahulugan sa lahat ng bagay lalo na kung walang kasiguraduhan. ika nga eh "never assume unless stated"

Sa huli, lalaki o babae ka man magbigay ka muna siguro ng mga pahapyaw na gusto mo siya parang "benefit of doubt" kumbaga. Hayaan mo siya ang magisip naman at hindi lang ikaw ang nagbibigay ng pagpapakahulugan sa lahat. 

Walang masama sa mabasted, mas masama ipilit ang wala naman talaga - kung aamin nga pala eh siguraduhin na handa ang sarili. Maigsi ang buhay para kapitan masyado ang tao na di tayo sigurado. Umamin ka kapag nakapag laan ka na ng oras makilala ang isa't isa tapos ipunin ang lakas at umamin na. Kilalanin muna, wag kang parang gago na lalapitan mo bigla at aamin ka. Asunto aabutin mo dun brad,

Monday, November 5, 2018

Day 309: Dull.

Minsan hindi na iba sa atin na nabobobo tayo pagdating sa mga taong mahal natin at hindi ito limitado sa romansa. Kahit sa mga kaibigan natin o kapamilya na malapit, natanga tayo kapag sila na ang kausap. Pero syempre ibang kaso na sila eh, iba ang lukso ng dugo at pagsasama ng kaibigan kumpara sa estranghero. Maganda siyang pag usapan kaso alam ko naman na usapang pag ibig naman ang trip niyo.

Maraming nabobobo sa pag ibig. Maraming naghihirap dahil dito at maraming nasira dahil dito. May mga kilala ko na sobrang talino na nabobo sa isang tao na iniwan lang naman sila.  Ganun ba talaga kalakas ang pag ibig? kahit natatapakan ka na at nahihirapan ka na tatanggapin mo sa ngalan ng pag ibig. Nakakalungkot na minsan nawawala na tayo ng respeto sa sarili para sa taong mahal natin.

Minsan kahit hindi na bumabalik tinatanggap na lang natin. Oo, sabihin na natin na hindi ka pwede lagi mag expect na may ibabalik sayo at dapat mas isipin mo ang maibibigay mo kaysa matatanggap pero magtira ka naman sa sarili mo.  Kasi kapag umabot na sa punto na ang pagbibigay mo ay mas nakakaubos ng pagkatao mo kaysa nagpupuno ng pagmamahal eh malamang sa malamang ay may problema na.

Maraming halimbawa ng pagiging tanga sa pag ibig tulad nang paghihintay ng sobrang tagal para sa wala, paghingi ng tawad kahit wala kang nagawang masama, pagtitiis ng sakit kahit alam mong niloloko ka na at iba pa. Nakakatawa na nakatatanga pala pag nagmahal ka. Tipong aabot ka sa punto ng pagmamakaawa tapos kapag nahimasmasan ka makalipas ang ilang taon ay masusuka ka na lang sa sarili mo.

Pero kahit lokohin ka o saktan ka pa ay tatanggapin mo siya ng open arms. Ganun siguro talaga eh, kahit ang matatalino nabobobo na sa pag ibig at kahit anong pagbabantay mo sa puso mo at pagtaas ng depensa ay darating ang araw na may magpapahina sayo. May sisira ng mga depensa mo at bubuksan mo ang sarili mo sa kaniya. Swertihan na lang pag di ka niya niloko. Pero pag umabot dun sana naman alam mo na kailangan mo rin umalis at mahalin ang sarili, gaano ba kahirap lisanin ang taong walang ibang ginawa kundi saktan ka? Wag sana tayo maging bobo sa pag ibig. Kahit na batid ng lahat na pumupurol ang isip kapag bumulong na ang puso.

Sunday, November 4, 2018

Day 308: All it takes is a push

The saddest thing about the fragility of humans is that years and years of camaraderie, friendship and love will be lost in a snap. Every memory is forgotten and every smile is erased. As if the love given and taken cease to exist in the first place. Every dream you built and every hope you had is all crumbling down and it may all go down to a single event. One single mistake erases a lifetime of memories and multiple what if's and there you are wondering what it could have been if that one thing did not happen. Life only take a mild push or change of pace to make your entire life change. 

But life goes on with the event and you have to face new beginings. Broken hearts still beats the same and you will heal in a matter of time. But for now, let your heart rest for a while.

Saturday, November 3, 2018

Day 307: Pa-victim

Kahit kailan hindi naka ganda o nakagwapo ang panloloko. Ang hirap kasi ngayon, nakabase ang kagandahan mo o kagwapuhan mo sa kung ilan ang naaakit sayo. Ayos lang kung hanggang tingin pero may mga makating sadya na pinapatulan lahat. Minsan ginagawang negosyo ang panloloko, minsan ikinakatwiran pa na hindi sinasadya. Pero hindi ko kayang itopic lahat ng manloloko sa isang bagsakan pero dun tayo sa mga taong pavictim.

Sila yung manloloko, mahuhuli tapos magtataka kung bakit ka nakikipag hiwalay. Parang military rule ang trip nila "what you see and what you hear, leave it hear" parang gago lang. Gusto nila sila pa yung kaawaan dahil nanlamig ka, kahit sila ang may gawa kung bakit ka ganyan ngayon. Iniisip mo na nga kung ano ba ang halaga mo bilang tao dahil basta basta siya nakahanap ng iba kahit kayo pa tapos papalabasin na ikaw pa ang masama. Ikaw ang nagkulang kaya siya nanloko. Kasalanan mo bakit ka niya ipinagpalit. Tapos siya nakakaawa kasi sinubukan naman "daw" niya magbago pero dahil nanlamig ka naghanap siya ng iba. Ansaya no?

Gasgas na palusot na yung "Pasensya na tao lang ako, natutukso" parang dahilan pa ang pagiging tao para manloko. May mga hayop nga tulad ng swan na isang partner lang ang kasama buong buhay niya. Kung tao lang siya na natutukso, paano ka naman? Tao ka lang din, pero minahal mo siya ng buo. Hindi lang yan ang palusot na gagamitin niya. Meron pa yan lasing lang daw siya, kasama ata ng paglaklak ng serbesa niya nilunod ang damdamin sayo kaya ambilis niya makahanap ng iba. Dahil kung tapat talaga yan sayo, kahit duduling duling pa yan, ikaw ang iisipin nya. Hindi mabilang ang mga palusot ng mga manloloko kaya kapag nadalihan ka ng isa, wag mo nang patawarin pa. Hindi sa pagiging makasarili eh. Kailangan lang talaga ng pagmamahal sa sarili, di kailangan ng pride masyado.

May mga nauso noon na 3 months rules bilang respeto raw sa ex, pero may mga tao nga na mayroon pang syota nakahanap na ng iba. Anong tawag dun? Wala ka nang iginalang na kahit sino. Nantapak ka pa ng pagkatao. Tapos hindi ko maisip sa mga manloloko ay bakit hindi ka nila hayaan mag move on? Tipong pag nakahanap ka na ng iba ay sasabihan ka pa ng walang konsiderasyon sa relasyon kahit siya itong nanloko. Siya pa tong magpopost ng mga kung ano ano sa facebook at ano pang social media sites. Babaliktarin niya ang kwento sa mga kaibigan mo at malalapit na tao sayo para magmukha kang masama at ang pinakamasaklap pa ay kapag alam niyang okay ka na at umaasenso na buhay mo ng wala siya, ay babalik siya sasabihing mahal ka niya ulit. Syempre lahat tayo marupok para sa taong mahal at minahal natin kaya babalik ang lahat at paikot ikot na. Sana pag dumating sa ganung punto gumising ka na.

Respeto sa mga may mental health disorders, pero minsan ginagamit ito ng mga pavicitm bilang leverage na sila yung nakakaawa. May mga banta ng pagpapakamatay yan at sasabihin na depressed sila. Napaka ewan nito kasi parang nanenegate yung mga tao na may actual disorder and actual depressed. Anlungkot lang na ang problema ng karamihan na nga sa kabataan ngayon ay ginagamit ng iba para makontrol ang iba. 

Maghahanap sila ng iba tapos kapag nag break kayo at nakahanap ka ng taong totoong magmamahal sayo aasta silang biktima na niloko mo. Ansaklap lang kasi minsan mong minahal ang tao na ito na wala pa lang ibang nais gawin kundi kontrolin ka. Marahil gusto nila maramdaman na malakas o mataas sila o kaya gusto nila ng atensyon pero sa huli mag ingat na ang tayo sa mga taong mamahalin natin.

Pag nanloko ka, panindigan mo. Hindi yung aasta kang biktima. Ikaw pa tong may gana humingi ng simpatsa at awa. Ikaw pa tong iiyak ng iiyak at mag popost ng kung ano ano. Ikaw pa ting magwawala at magbabanta. Sa gantong pagkakataon tigilan mo na yan, lalo na kung lalaki ka. Tanggapin mo na nagkamali ka at hayaan mo yung tao na yun ay umusad sa buhay niya.