Hindi ako marupok, sadyang nung nagkita tayo ay malungkot ako
at napunan mo ang kalungkutan na yun
Napatawa mo ko sa panahon na
akala ko wala ng ligaya sa mundo
Nagkataon lang na ipinaramdam mo sakin
ang mga bagay na hinahanap ko
ng matagal ng panahon at naibigay mo lahat
ng pangangailangan ko
Hindi ko alam kung paano naging posible
na nasa isang tao lahat ng kailangan ko ng
pagkakataon na yun pero nasayo lahat
kaya ayun nahulog ako sayo
Pero hindi ako marupok
Sadyang iba lang ang dating mo.
Dumating ka sa tamang panahon at pagkakataon
ng buhay ko kaya ako mabilis nahulog sayo
pero hindi ako marupok
Hindi naman pagiging marupok a
ng paghahangad ng pagmamahal
Malungkot lang ako at pinasaya mo kaya ako nahulog
Wasak na binuo at kulang na kinumpleto kaya ako nahulog
pero kahit kelan di ako naging marupok.
No comments:
Post a Comment