Ang mahirap kasi kapag iniwan ka ay di mo lang basta iisipin na nagbabago ang damdamin ng tao. Iisipin mo kung saan ka ba nagkamali, nagkulang ka ba? sumobra ba masyado? May nagawa ka bang mali na di mo alam? may nasabi ka ba? Masakit siya kasi hindi lang siya ang iisipin mo bagkus pati ang mga bagay sa sarili mo ay pagdududahan mo na. Kaya nga napakalaking trahedya na ang isang tao na gusto magmahal ng sobra ay sumuko sa pag ibig dahil alam mong may nangyari sa kaniya na hindi kanais nais. Sa pag lisan siya ay kasama ng pagbaba ng tingin mo sa sarili mo. Kung panget ka ba masyado o sadyang walang kwenta ang pagkatao. Ilalaban mo na mahal mo pa rin siya pero hindi mo namamalayan na sarili mo na pala ang iyong nakakalimutan. Pasensya ka, nagmahal ka eh.
Ginawa mong mundo na ang tingin sayo ay isang parte lamang ng koleksyon. Isa ka lamang sa mga taong minahal niya kahit na para sa iyo siya na ang lahat sa buhay mo. Isang tuldok ka lamang sa kaniya habang siya ay ang kalahati ng libro ng buhay mo. Kaya niyang mabuhay ng wala ka kahit wala ka. Uusad siya, sasaya, ngingiti at tatawa ng wala ka. Habang ikaw nilalamon ng kalungkutan, siya masaya na sa iba.
Kung maswerte ka, maguusap kayo at ipapaliwanag sayo ang sitwasyon. Tapos habang nagpapaliwanag siya ay lalo lang gugulo ang isip mo. Ipipilit niya na hindi ka nagkulang kahit na ayun ang nararamdaman mo dahil humanap siya ng iba. Tapos ipipilit niya na makakamove on ka rin naman kahit alam mo na ikaw sa sarili mo ay ayaw mo naman bumitaw. Gagawin mo ang lahat para makalimutan siya pero sa oras na magisa ka na uli kasama ng mga palaisipan mo, sabay malulunod ka na naman sa kalungkutan Sa pilit mong gusto makalimot ay lalo mo siya naalala.
Kaya lahat ngayon ng simpleng bagay at simpleng lugar ay puno ng kahulugan at sakit at paulit ulit mong iisipin kung ano bang nangyari. At ang pinakasamakit kapag iniwan ka ng minahal mo ng husto, ay hindi ka na magmamahal ng tulad ng dati. Hindi mo na kayang magmahal ng buo ang puso mo at kahit tamang tao na ang dumating, mababa na lang sa kalahati ang maiaalay mo.
No comments:
Post a Comment