Friday, December 21, 2018

Day 355: Taken for granted

May joke noon sa facebook na kung anong pipiliin mo: utak o pera? Sumagot yung lalaki ng utak sabay sabat ng nagtanong, "pinipili talaga natin yung mga bagay na wala tayo" Nakakatawa lang na akala mo matalino ka na dahil pinili mo ang utak pero ang totoo ay ipinakita lang pala nun sayo kung anong wala sayo. Ilagay mo yun sa konteksto ng isang tao na umaasa at nagpapaasa. Baka kaya di nila tayo pinili kasi alam nilang di naman tayo aalis kahit anong mangyari.

Mas trip ata nilang habulin yung alam nilang hindi pa baliw na baliw sa kanila. Kasi nung una naman kasi ganun din sila satin pero ngayon wala na. Siguro madali na nga lang iwanan yung mga tao na alam mong di naman aalis, alam mong hindi ka iiwan. Andali nila itaken for granted, andali nating itaken for granted...

Bakit nga ba bumababa ang halaga ng isang bagay kapag hawak na natin? Parang cellphone lang eh, sa simula ayaw natin siyang magasgasan pero sa pag tagal may pag swap pang nalalaman at ibinebenta ng ilan para sa bago. Ayos lang sya gawin sa cellphone pero isipin mo tao ka, sobrang saya niya nung una ka niyang minahal tapos habang tumatagal nawawala na lang siya bigla at makikita mo nasa iba na bigla.

Nakakalungkot lang isipin na ang taong minsan ay nakakita ng bituin sa mga mata mo ay biglang mawawalan ng interes sayo at iiwan kang magisa. Kahit anong init talaga sa simula ay nanlalamig talaga pag matagal na. Nakakatuwa pakinggan yung mga relasyong nagtagal pero ang tanong ay ilang beses silang nawalan ng interes sa isa't isa? Kung masaya ka ngayon tingin mo hanggang kailan?

 "Mahal kita" Sambit niya ng may kinang sa kaniyang mga mata, "Hanggang kailan", tanong ko ng may pag aalinlaangan.

No comments:

Post a Comment