Slowly but surely ka raw kapag sinusuyo o nagiintay sa taong gusto o minahal mo na. Dahan dahan lang ang proseso dahil baka masayang ang pagkakataon kapag minadali. Na kahit matagal ang proseso ay ayos lang dahil may ibubunga naman sa dulo. Pero hindi ba lahat ng bagay nakadepende pa rin sa taong gusto? Minsan kahit ilang taon ay walang kwenta, kung di ka talaga gusto. Slowly but surely, ayun ba yung unti unti nang lumalalim yung nararamdaman mo habang wala pa ring kasiguraduhan na mapapasa iyo?
Turo kasi ng magulang natin ay lahat ng bagay na gusto mo ay dapat iniintay, pinaghihirapan. Pero hindi naman nila sinabi na minsan madaya ang tadhana. Wala siya sa pagsisikap o sa oras na naghintay ka. Nakaasa siya sa palad ng iba. Siguro hindi siya sinabi satin dahil kahit mismo ang matatanda na ay hindi kayang tanggapin na ang kapalaran nila ay nakaasa sa iba. Kahit ibuhos mo lahat ng meron ka, kapag nagdesisyon ang kapalaran na hindi para sayo, hindi para sayo.
No comments:
Post a Comment