Tuesday, December 11, 2018

Day 345: Nasasaktan din ang nang iwan

Laging pinaguusapan yung mga iniwan, eh kapag naghiwalay naman parehas lang din naman sila nasasaktan. Siguro sa iba nanloko, pero may mga sadyang nasagad na kaya sila yung umalis kaya kahit sila yung lumabas na masama, ay tatanggapin na lang nila. Nakakainis isipin na hindi ka naman sadyang nangiwan lang bigla, minsan ikaw na rin yung naumay na sa mga palusot, panloloko at kasinungalingan niya kaya nag desisyon ka nang umalis na lang. Imbis na maging bihag ng damdamin ay ikaw na ang pumulot sa sarili mo at nagdesisyon na umalis na para sa kapakanan mo na rin.

Ang mahirap lang ay ikaw ang lumalabas ng masama sa paningin ng mga tao. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan mo kaya nagdesisyon ka nang umalis. Minsan nga pabiktima pa masyado yung iniwan mo siya naman tong kayo pa eh naghahanap na ng iba. Tapos kapag nagdesisyon ka umusad sa buhay mo na di siya kasama ay kung ano ano pa maririnig mo. Parang wala ka nang karapatan sumaya at mabuhay na wala siya. Sana naman isipin muna ng mga naiwan bakit ba sila naiwan kaysa naghahanap ng sisisihin. Paano ka nga naman lalapit pa kung paulit ulit ka nang itinulak palayo?

Problema kasi sa mga tao ay gusto nila sila ang biktima, sila ang nakakaawa. Kaya kapag may ginawa siang masama na sapat para iwan sila, ang makikita nila ay yung pangiiwan sa kanila, hindi yung mga bagay na ginawa nila na nakakasakit na pala. '

Kaya magingat tayo sa mga kinakaawaan natin at mga nasasaktan kuno, may mga nangyayari na di alam ng karamihan.

No comments:

Post a Comment