Wednesday, December 19, 2018

Day 353: Issues

Sobrang judgmental ng mga tao ngayon. Sa lahat ng gagawin mo ata may masasabi sila eh. Magsuot ka ng maikli pokpok ka, pag mahaba maria clara masyado. Kapag lumaban ka, guilty kapag tumahimik ka guilty. Kapag nakipag away ka warfreak, kapag hindi, duwag. Kapag single ka, masyadong mataas ang standards at panget daw. Kapag taken, lumalandi na agad. Isang mali mo tanga ka, isang tama mo plastik ka. Kaya kong punuin ang blog post na to ng mga ganyang label na inilalagay ng tao ngayon pero hindi yun ang pinupunto ko rito.

Dahil sa mga ganyang katarantaduhan sa mundo, takot tayo makipag commit dahil sa sasabihin din ng ibang tao. Ayaw nilang mag jowa ng panget kahit nahuhulog na sila kasi takot sila sa sasabihn ng ibang tao. Ayaw nila sa ganito ganyan dahil sa sinasabi ng iba. Para bang umikot na ang mundo natin sa opinyon ng iba at hindi sa mga bagay na tunay na nagpapasaya satin. Kelan ba nagkaron ng pamantayan ang mga bagay na nagpapasaya sa atin? Dapat ba talaga may magsabi sayo na ayan ay tama o mali bago mo malaman ang halaga?

Alam ko na hindi mo mababago ang sinasabi ng iba pero maiiba mo ang ugali mo ukol sa ginagawa mo rito. Pero naiintindihan ko naman yung iba bakit sila nahuhulog sa patibong dahil talagang nakakarindi na ang mundong mapang husga na kapag sila naman ang inilagay mo sa sitwasyon ay di rin naman nila alam ang gagawin. 

Takot nga sa commitment sa mga bagay pero kapag may tao na gumawa ng dapat gagawin nila at nagawa ito ng ayos ay andaming sasabihin. Putek sana kayo na lang ang gumawa. Pero hindi eh, iintayin ka nila magkamali bago sila kumilos at magbigay ng suhestiyon kahit sa simula pa lang ay hinihingi mo na naman talaga yun. Lahat na ng pwede sabihin sinasabi, nakakainis na talaga.

Isang henerasyon na takot sa 'commitment' pero ang hilig naman maglagay ng 'label' sa lahat ng bagay. Wala kang gagawing tama sa paningin ng iba pero sila mismo hindi makakilos ng tama. Nakakainis lang.

No comments:

Post a Comment