Tuesday, December 4, 2018

Day 338: Box out, Rebound.

Ansarap sa pakiramdam kapag dumating na yung taong hinihintay mo tapos malalaman mong may hinihintay din pala siya. Ang masaklap pa eh malalaman mo na hindi pa pala siya nakakamove on sa dati niyang minahal kaya ikaw hindi na napakali dahil alam mo na lahat ng ibibigay niya sayo ay kalahati o kaya mag kaunti.

Nakakagago lang siguro na may mga tao na dadating sa buhay mo habang nanahimik ka tapos kapag binalikan na sila ng taong mahal nila, iiwan ka na lang. Ikaw tong luhaan at duguan eh ikaw nong nanahimik lang naman. Kahit di mapakali ay minahal mo siya ng matindi. Sinikap mong gumawa ng buhay kasama siya at kalimutan ang anumang nakaraan niyong dalawa. Kahit may maliit na boses na kinukumbinsi ka kumawala ay di mo sinusunod dahil minahal mo na nga eh. Kaya ilang beses mong sasabihin sa sarili mo na masaya kayo at tama ang lahat ng nangyayari, ngunit ang reyalidad talaga ay mahilig manampal sa mukha.

Nakakainis lang yung ginawa kang rebound tapos wala ka namang magawa dahil nangyari na. Naging panakip butas ka sa isang relasyon na sila pa rin naman pala dalawa sa huli. Ilang beses pa siyang sweet at sasabihin na wala na nga ang nakaraan tapos paglingat mo nasa ex na nila sila. Nagpadala ka masyado sa matatamis na salita at pangako sabay makikita mo nasa bisig na siya ng iba. Nakakatawa na ikaw tong gusto lang magmahal eh naging reserba habang naghihilom ang tao na ito. Iisipin mo ba kung naging totoo ba yung relasyon niyo o nagmistulang doktor ka lamang na namagitan at ginamot ang puso niyang nagdurugo at pagkatapos eh kinalimutan ka na niya.

Masaklap pa lalo kapag hinanap na siya sayo ng mga kaibigan at pamilya mo. "uy kamusta na kayo ni ano?" sabay sagot mo na lang ng "ah wala na, nagkaayos na sila ng ex niya eh" Kaya dito nagsisimula yung siklo ng mga rebound at mga taong takot na magmahal. Nakakatawa na ang taong totoong nagmamahal ang nagiging rebound sa mga toxic na relasyon. 

No comments:

Post a Comment