Ikaw? Kamusta ka na? balita ko di ka pa naghahanap ng bago at nag momove on pa rin ah. Well, kung tulad ko ba naman ang nawala sa buhay mo, kahit ako manghihinayang at malulugmok. Pero sana kapag may nagalay sayo uli ng pagmamahal tanggapin mo siya at sana mahalin ka niya sa paraang nararapat sayo, di tulad ng ginawa ko na basta kita ipinagpalit.
Bakit nga ba kita pinagpalit? Siguro nakulangan lang ako sa mga binibigay mo o kaya sadyang di naman kita gusto simula pa lang. Malungkot lang ata ako nung nakilala kita kaya ayun pinatulan kita. Pero kung masaya naman ako, baka hindi naman kita pinili. Siguro nasaktuhan mo lang yung kahinaan ko at napunan mo yung mga pagkukulang ko. Yung pakiramdam na napunan mo ko ay inisip nating pagmamahal kahit hindi naman.
Sira lang ako na binuo mo kaya akala natin pagmamahalan yun. Kaya sa kabila ng lahat, salamat kahit ngayon ay sinira ka naman ng taong binuo mo. Pero paalam na rin at salamat sa lahat. Pero malay mo kapag di kami nag work out baka balikan kita at sana sa mga panahon na yun ay tanggapin mo pa rin ako.
No comments:
Post a Comment