Thursday, May 31, 2018

Day 151: Kalas

Naalala ko noong unang kita nakita
sadyang nabighani ako sayong ganda
kinilala pa kita at kinaibigan
hanggang ikaw na ang aking kinahumalingan

mailap ka pa nga sa simula
ngunit sinikap kong suyuin kita
palihim na nagabot ng bulaklak at tsokolate
mga baduy na tula para sa espesyal na babae

kahit sa text at mailap kang sumagot
pag ako'y nakikita mukha mo'y nalulukot
kita na hindi mo talaga ko gusto
at hindi ko makukuha ang matamis mong "oo"

ngunit sa kabila ng mabigat na kalbaryo
wala ang salitang suko sa aking bokabularyo
inabot ng buwan at ng taon
hinihintay ang inaasam na pagkakataon

biglang tamis ng ihip ng hangin
nakita kitang ngumiti pabalik sakin
sabay nagtagpo ang mga mata natin
sabay siklab ng aking damdamin

sa bawat ngiti at tingin mo sakin
ay nabibigyan ko ng kahulugan
dahil ikaw na minsang ayaw ako pansinin
ay madalas ko ng nasasamahan

at dumating na ang araw na pinakaiintay ko
aking natanggap ang matamis mong oo
sabay hawak sa aking mga kamay
at ang mundong paparating ay nilakbay

parang paraiso sa bawat oras na ika'y katabi
at ang ibang bagay ang di ko inintindi
ang saya ko pa ng iyong sinabi
na ako ang dahilan ng iyong mga ngiti

binigyan mo ng kahulugan ang buhay ko
at binigyang buhay ang aking mundo
ikaw na inintay at pinaghirapan ko
ay sa wakas nasa tabi ko

dumating din ang ihip ng hangin
kung saan nag iba ang layunin natin
wala naman umaayaw
pero parang ako pa ang bibitaw

nawawalan na tayo ng oras sa isa't isa
mga oras natin ay kahati pa ang iba
sinikap mo na ito ay masagip
ngunit ako na rin ang nanlamig

sa ilalim ng puno ng makopa
ay binitawan na kita
sa lugar san kita una nakita
ay iiwan na kita

masakit sa akin na ikaw ay iwanan
ngunit ayoko naman ng relasyon na dayaan
alam ko ang sakit nito sa pangmatagalan
ngunit ayoko na sa tao na wala akong nararamdaman

totoo pala na,
isang araw gigising ka at ayaw mo na
na ang taong pinangarap mo sa altar ng simbahan
ay ikaw mismo ang nagiwan na luhaan

marahil makapal ang tingin ninyo sakin
at walang karapatan na ang sakit ay indahin
ngunit kailangan tanggapin
na lumilipas din ang damdamin

unti unti kitang minahal
at unti unti akong nasakal
sa relasyon na tanging nagpapagana ay ikaw
kahit ako pa ang nanligaw

sa pagiwan ko sayo
ay nagiwan din ng lamat sa aking puso
may magmamahal din sayo ng buo
sadyang hindi na yung ako

salamat dahil hinayaan mong mahalin kita
at hinayaan mong palayain ako
hinayaan mong akong Malaya
at salamat na minahal mo ako

ilang taon ang lumipas
sa may puno sa parke
ang ganda mo ay hindi pa kumukupas
sa tabi ng isang lalaki

napangiti ako nang Makita kang masaya
pagkatapos ng lahat ng aking ginawa
alam kong iniwan nga kita
ngunit may bumulong na "mahal pa rin kita"

ngunit ako nga ang umatras
sa relasyon na ako mismo ang kumalas
kita kong masaya ka na sa ibang tao
sabay tusok ng malalim saking puso

No comments:

Post a Comment