Bakit ang tao ay tumatapang
kapag may nakakabit na maskara
ikukubli ang sarili sa salita ng iba
sabay salita ng maanghang na salita
humihiram ng tapang sa social media
pero pag harap harapan tahimik na lang
wag talagang bibigyan ng kapangyarihan
ang mga tao na nagiging gahaman
minsang mapakinabangan,
akala mo kung sino na
sobrang talas ng mga salita
lahat naman huli na nang nagsidatingan
siguro nga ang taong minsang naapakan
at magnanais ng pahihigantihan
hindi ko maunawaan kung bakit
nais pa nilang ipamahagi ang naranasang sakit
sana lang kung mang aagrabyado ka ng kapwa
wag ka nang gumamit ng pangalan ng iba
hirap ng minsang napakinabangan
kala mo sino ka na
No comments:
Post a Comment