Hindi mo siya minahal
marahil nalungkot ka lang
o natuwa sa paniniwalang
meron sayong magmamahal
pero hindi mo siya minahal
siguro matagal nang malungkot ang buhay mo
at masyado mo nang dama ang pagiisa
pwede rin namang natuwa ka sa taong ito
dahil sa buhay na matagal ka nang magisa
at sa wakas at dumating na siya
kaya tatanungin kita ngayon
tingin mo ba talagang minahal mo siya?
o sadyang sumakto ang mga pagkakataon
kumbaga umayon lang ang tamang panahon
sa panahong parehas kayong marupok at luhaan
minsang nakalimutan at iniwang sugatan
tipong humahanap ka ng karamay
sakto naming nag abot siya ng kamay
kung ganun pala
bakit siya naman ang sinaktan mo?
pano mo sinaktan ang tao
na walang ibang hinangad kundi mahalin ka
Eh paano naman kung natuwa ka lang
para bang nagulat ka at at may dumating
kaya walang sinaalang alang
pinili mo siyang mahalin
nagitsa ang apoy ng ilang buwan
hanggang sa nanlamig na lang
bigla mo na lang iniwanan
ng wala man ang kapaliwanagan
natuwa ka lang o nalungkot
isa lang ang katotohanang masalimuot
ibinigay sayo ang tamang tao
sa maling panahon at pagkakataon
kung uulitin ko ang tanong
minahal mo ba talaga siya?
:(
ReplyDelete