Thursday, May 24, 2018

Day 144: Pag iwan

Pakiyakap ako pakiusap,
pakihigpitan pa tipong di na ko makahinga
na sa sobrang higpit ang mga piraso kong durog na
ay muling magsama sama

pakiyakap ako, sa gabing malamig
habang nakikisabay ng hunni ang mga kuliglig
magdamag tayong magkayakap
habang iginuguhit ang pangarap

pakiyakap ako at wag kang bibitaw
sumilip man ang buwan, magalit man ang araw
di alinatana ang init ng katawan
basta ikaw ang kayakapan

kung pwede lang sana habang buhay tayo
magkayakap at walang pakialam sa mundo
ngunit sa tadhana nga'y minalas
ay biglaan kang kumalas

una kang umalis sa bigkis
na ikaw mismo ang nagsimula
dahil tanga at di kita matiis
hinabol pa kita

niyakap kitang muli habang lumuluha
ngunit sadyang bumitiw ka na
naupo ako sa sulok ng kwarto
hawak ang magkabilang braso ko

matagal na panahon bago ako bumangon muli
pinagaralan kong mahalin ang sarili
nabuhay ng wala yakap ng iba
hanggang sa dinurog muli ng sunod na kabanata

umalis sa aking mga bisig
ng walang paliwanag akong narinig
kaya bigla akong nagulat
ng isang araw, iba na ang iyong kayakap

akala ko noon ay kaya ko na
hanggang sa muli ngang nakita kita
sa bisig ng iba ka na nakakapit
sa unang sulyap, bumalik lahat ng sakit

bumalik ako at sa simula nahulog
sa kung saan ang mga inayos mong piraso ko
ay ikaw din mismo ang dumurog
at muli mong kinitil ang hininga ko

habang buhay kong iisipin kung bakit
mo ako iniwanan lamang ng sakit
habangbuhay kong iisipin san ako nagkamali
at sisihin nag sarili

iispin ko palagi san ako nagkulang
sa dahilan bakit mo ako iniwanan
mahal kita kaya di kita masisi
at hihintayin pa rin kitang muli

balang araw magiging ayos din ako
ang maghihilom ang mga sugat na iniwanan mo
malamang dumating ang panahon na iyon
ngunit hindi pa sa ngayon

No comments:

Post a Comment