Tuesday, May 29, 2018

Day 149: Tulang di ko ibibigay

Naalala ko noong una kita Makita
agaw pansin sa akin ang suot mong pula
mat temang pagka tsino pa
kahit pansin kong may kalakihan ang yong mata

unti unti nang natatapos ang patimpalak
at unti unti na rin ako nagagalak
syo'y unti unti na kong lumalapat
habang humahaba na ang ating pag uusap

napapansin ko nang unti unti
paano sumabay ang iyong mata sa iyong labi
sa tuwing kukurba ka ng ngiti
at aking napansin kahit ang maliliit na detalye

kung paano mo hawiin ang iyong buhok
at paano ka nanahimik sa isang sulok
kung paano mo ipirmi ang mga kamay mo
at kung paano mo napatigil ang mundo

sa minsan nating paguusap
andami  kong napansin at naiulat
naging laman ka ng bawat kong sinusulat
mga damdaming sa papel inilapat

mula noon nakikita na lang kita
na nangingilid sa aking mga mata
tsina tiyaga ang tingin sa malayong distansya
mapag masdan lang kita

sa mga nakaw na tingin
ko lamang nairaos ang aking damdamin
hanggang nagyon at noong simula
lahat ng nais kong sabihin ay nasa tula

natapos ang taon wala kong nagawa
kung hindi ialay ang mga hindi mo nabasang tula
sa papel na blangko na lang nailapat
ang mga damdaming hindi naipagtapat


No comments:

Post a Comment