Ano ba talaga tayo?
may tawagan pero walang "tayo"
pwede magselos pero bawal magreklamo
kailangan sa isa't isa at tapat
pero pag may nagkulang, bawal manumbat
gusto mo tayo lang, pero natingin ka sa iba
ayaw mo ng tayo, kasi natatakot ka pa
kaso hindi ba mas nakakatakot ito?
alam kong akin ka pero sa isang Segundo
posibleng mawala ka s mga bisig ko
dahil wala namang "tayo"
ang hirap na "parang" hawak kita
na "parang" di naman talaga
mismong di na sigurado ang nararamdaman
dahil hindi naman sigurado sa ating kalagayan
sinubok kong ihigit ang relasyon
ngunit laging isang ngiti ang iyong tugon
"mas ligtas at sigurado tayo dito" sabi mo
kahit kita kong hindi lang ako
"MU" yan ang sabi mo kung ano tayo
"mutual understanding" yan ang ipinipilit mo
parang pangarap sa panaginip isinulat sa buhangin
sa relasyon na kinulayan, kinulayan lang ang hangin
Malabong Ugnayan ang meron tayo
Malayong Umayos kung hanggang dito na lang tayo
Masakit Umasa sa sa mga katulad mo
Magaling lang sa Umpisa
Siguro Masaya siya sa Umpisa
Wala naman kasi tayong Matinong Usapan
ano man ang ibig sabihin ng MU na yan
Malabong Umusad ang relasyon na kahit kailan
at ako lamang ang namuhunan
No comments:
Post a Comment