Bakit ikaw pa rin ang laman ng isip ko?
Nakapaloob sa panaginip at bungang tulog ko
Bumabagabag sa damdaming kumakawala
At ginigising pa rin ang pusong na dapat ay tulog ba
Alam kong matagal na akong sumuko
Na ang damdamin mo
Ay iayon sa damdamin ko
Sinikap limutin, at bumaling sa iba
Ngunit sigaw ng puso, ay ikaw talaga
Iba talaga dating mo sakin
Mula sa pahapyaw na ngiti at nakaw na tingin
Mga simpleng bati at malakas na sigaw
Na kahit masakit sa tenga ay okay basta ikaw
Sa mga nakaw na sandali kita naagaw
Sa kalawakang Hindi ko lubos na saklaw
Magnanakaw na nga ang turing ko saking sarili
Sa mga ninakaw Kong ngiti, tingin at sandali
Marahil minahal kita sa maling panahon
Dahil di ko lubos kilala ag sarili ko ngayon
Kulang pa ang hubog ng mga taon
At nakakahiya pa na ang pang libre ko ay aking baon
Sinabi mo sakin na wag ako aasa
Kaso anong magagawa ko gusto talaga kita
Nais pa kitang suyuin pagdating ng panahon
Ngunit hindi sa kasalukuyang pagkakataon
Balang araw ako ay hihigit sa kung sino ako
Ngunit Hindi magbabago pagtingin ko sayo
Pag dating ng araw na mayroon na Kong ipagmamalaki
Tsaka kita susuyuin muli
No comments:
Post a Comment