Tuesday, May 22, 2018

Day 142: Paasa

Nanahimik ako
Nakakulong sa sarili Kong Munro
Dinarama ang aking kapayapaan
Nang dumating ka ng biglaan
Dumating ka ng may ngiti, abot ang yong kamay
Sabay nagpakilala at inilahad ang pagkakaibigan mong alay
Alinlangan pa ang binigay kong ngiti
Pero di ka na umalis sa aking tabi
Ginawa mong gabi ang mga araw
At araw ang mga gabi
Kaligayahan ko'y umaapaw
Sa bawat oras na ika'y katabi

Binigyan mo ng kahulugan
ang buhay Kong matamlay
Ikaw na d ko noon kinailangan
Ay ayaw ko nang mawalay

Biglang nagiba ang kilos mo sa karaniwan
Mga aksyon na higit pa sa kaibigan
Binuo mo ang mundo ko
Ngunit ginulo mo naman ang isip ko

Dumating sa punto na may iniaabot ng regalo
Kahit wala namang okasyon patuloy ito
Pag tinanong kita "bakit? Anong meron?"
"Wala lang" ang iyong tugon

Minsan pa tinatawag mo pa ko
Ng "be" "baby" at kung ano pa
Sabi mo nadudulas ka lang
Ako naman kinikilig na 

Nahulog ang damdamin ko sa iyo
Hindi ko to ginusto, pero ginusto kita
Nahulog ang damdamin sa taong dumating
Ngunit Hindi handa sa paparating

Umamin ako sayo sa pag asang
Parehas tayo ng nararamdaman
Sa mga kilos mo na may batid
Hindi ako naging manhid 

Nagtapat na ako sayo ng nararamdaman
Hindi na ako nag alinlangan
Ako at biglang natigilan
Nang sinabi mo na sakin, na ako'y kaibigan lamang

Sinabi mo pa na umasa ako
Eh normal lang iyon sa iyo
"Hindi kita pinaasa, sadyang umasa ka lang"
Sabay iwan mo sa akin habang luhaan

Nadurog ang puso ko sa mga salita mo
Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko
Binuo mo nga ang aking mundo
Ngunit ikaw din ang dumurog nito

No comments:

Post a Comment