Sunday, May 27, 2018

Day 147: Hanap hanap

Sa bawat marka sa dingding
o sa bawat imahe sa buhangin
sa bawat ulap sa kalangitan
kahit sa simpleng hapag kainan
hinahanap pa rin kita

Kahit ang mga panaginip ko
ikaw pa rin ang nilalaman
kahit sa pagtunong ng telepono
ikaw at ikaw pa rin ang inaasahan ko
mukhang nabaliw na ko sayo ng tuluyan

sa bawat tutunog ang messenger ko
inaasahan ko pa rin ang mukha at pangalan mo
nasa taas kapa rin ng mga paborito kong kontak
kahit mahigit isang taon na tayong di naguusap

minsan kapag may kumakatok sa bahay
pinapanalangin kong ikaw yun
kahit kapag may naghahanap
mabilis kong iniisip na sana ikaw yun

sa bawat pagkakataon
kahit sa mga bagay na mistulang nagkataon
ikaw ang inaasahan ko
ikaw pa rin ang hinahanap ko

maaaring hanggang dito na nga lang tayo
at wala nang iuusad pa
dahil patuloy mong ginugulo ang aking isip tsaka
nilalason ang aking puso

No comments:

Post a Comment