Wednesday, May 23, 2018

Day 143: Iba na.

Balang araw may magmamahal sayo
higit pa sa kaya kong ibigay
kaya niyang ukitin ang ngiti sa mga labi mo
at pakiramdam mong ligtas ka pag hawak niya iyong kamay

ibabalik niya ang kinang sayong mga mata
at papawiin ang lungkot ng pag iisa
hahaplusin niya ang yong mga sugat na nagmarka
at sasabihing " ang ganda mo talaga"

sisikapin niyang mapanatili ang ngiti sayong labi
at habang buhay siyang mamangha kahit wala kang kolorete
ang apoy ng kaniyang pagmamahal at lagging nakasindi
at aakuin niya lahat ng iyong sakit at hapdi

mamahalin ka niya ng higit kaninoman
sa pagitan ng desisyon, ang pipiliin at ikaw lamang
hihilumin niya ang sugat ng kahapon
at kasama mo na siyang babangon

lahat ng pangarap mo ay magkakaron ng katuparan
biglang magkakaron kanng pag asa sa kinabukasan
mamahalin ka niya ng higit sa kaniyang nalalaman
mamahalin ka niya ng higit sa iyong nauunawaan

pangako, darating ang tao na iyon
nasa sa iyong mga dasal, mayroon ng tutugon
sana lang pagdating niya, ay mahalin mo
dahil ang tao na yun ay hindi na ako

hindi na ako ang magpapangiti sa iyo
hindi na ako ang bubuo ng araw mo
hindi na ako ang ang magdamag mong katawagan
hindi na ako ang kasama mo sa kinabukasan

kaya kung sino man ang magmamahal sayo
sana ay mahalin ka niya na ng totoo
sana wag niyang sayangin ang pagkakataon
dahil hindi na ako ang tao na iyon

No comments:

Post a Comment