Friday, May 25, 2018

Day 145: Paalam HUMSS 1 Athena

                      Mabilis lumipas ang sampung buwang tawanan at iyakan. Mga araw na akala natin wala ng katapusan na ito na nga tayo, nasa dulo ng kinahantungan. Aaminin ko na sa iba sa inyo ay may sama ako ng loob o hindi pumasok sa panlasa ko. Mga lamat na sadyang hindi na maghihilom. Pero salamat na rin dahil ipinakita niyo sa akin ang reyalidad na hindi lahat at makakasundo ko, ngunit wag ninyong isipin na masama o hindi kayo mabuting tao sapagkat kung hindi ko man kayo nakasundo ay dahil salungat lamang ang ating mga pananaw kaya nagkaganito. Sa huli, naniniwala pa rin ako sa kabutihan ninyo.
                      Sa mga mabubuti naman at salamat. Dahil ibinigay niyo sa akin ang dahilan upang maniwala pa sa kabutihan ng mundo. Mayroon pa nga sa inyo na nais kong pasalamatan sa simpleng dahilan na kayo at kayo. Hindi ko masisigurado na hindi kayo magbabagpo, ngunit kung sinoman ang naging kayo noon  ay gusto ko bilang tao. Nais ko na rin humingi ng paumanhin dahil mas napansin ko ang mga kasamaan sa mundo kaysa pansinin ang natitirang kabutihan na nanalaytay sa inyo.
                    Sa simula ng taon ay aaminin ko na sadya akong nahumaling sa presensya ninyo ngunit habang tumatagal nagkakaroon ng lamat at medyo napapaiwas na rin ako sa inyo. sunod sunod ba kasi ang gulo at away na hindi ko nais makisangkot. Marami sila oo, may punto pang umabot sa personalan ang iba ngunit sadyang umaangat ang mga panahon ng nakitawa ako sa inyo kaysa nainis sadyang sariwa pa yung mga panahon na magulo tayo.
                   Sa ating gurong tagapayo naman. Madalas na sumpungin siya ng kung ano at biglang tinotoyo. Masarap siyang asarin at kung ano pa, Ngunit hindi maitatanggi na Malaki ang paghanga at respeto ko sa kaniya. siya ang perpektong balanse ng malakas at mabuting tao. Mahirap siyang unawain at malihim ngunit sa oras na makilala mo siya ng lubos at makikita mong isa siyang pambihirang nilalang. Matalino, Masipag, dedikado, maganda, at (mabait?) May mga guro na kong nakasalamuha na dedikado at sadyang mahusay sa larangan na ito at isa siya dun. kahit madalas siyang toyoin.
                  Sa huli, salamat sa lahat ng ala ala dahil hinubog niyo ako kung sino ako ngayom. Mabuti man o masama, may naging parte kayo sa buhay ko ata habang buhay niyong makukuha ang pasaslamat ko. Masarap lang sabihin na minsan sa buhay ko sa second floor ng new building sa CDC natagpuan ko ang isang pamilya.
                  Hindi ako umattend ng farewell party dahil galit ako sa inyo o may pait pa sa puso ko. Hindi ako dumalo sapagkat hindi ko kayang lunukin ang katotohanan na pagkatapos ng mga kasiyahan. Sa paglubog ng araw at maghihiwa hiwalay din tayo.
                  Masakit na mawawala kayo sa buhay ko ngayon nagiwan na kayo ng marka sa puso ko. Masakit sa punto na sana di ko na kayo nakilala para di ko nararamdaman ang mga sakit na ito. Pero mas Malaki pa rin ang porsyento na nagpapasalamat ako na nakilala ko kayo.
                 Salamat sa ala ala, Paalam Athena

No comments:

Post a Comment