Marami akong pagkakataong sinayang
dahil takot sakin ang nangibabaw
ngayon sa harap ng computer nanghihinayang
kung san napunta ang mga sinayang na araw
Ilang beses na sumubok na ika'y lapitan
ngunit sadyang sa takot napangungunahan
kaya bawat araw na ako'y umaatras
sa blangkong papel at may obrang lumalabas
septyembre noong una kitang nakita
grabe di ko alam na schoolmate pala kita
noong nagsalita ka bigla akong natulala
habang nawala ako sa kinang ng iyong mga mata
sa mga sumunod na buwan ako'y hanggang tingin
naghihintay sa sulyap kahit mailap ng ngiti
dalawang buwan ito ang aking nagging kaligayahan
hanggang sa hindi na na nagkakakitaan
ilang beses sumubok na ika'y kausapin
kahit sa harap ng telepono lamang
ngunit hanggang hui, titig lang ang kayang gawin
sapagkat sa huli, kahit kamusta at hindi ko kayang gawin
lumipas ang bawat okasyon
kasabay ng mga sinayang na pagkakataon
lumipas ang mahabang panahon
at andito pa rin sa simula hanggang ngayon
Habang buhay kong pagsisisi
na hindi kita sinubukan suyuin
kailangan ko nang tanggapin
na pangarap ka na lang para sakin
No comments:
Post a Comment