Friday, June 1, 2018

Day 152: Biglaan

sa madaling araw, binuo mo araw ko
ipinaramdam mo na sobrang halaga ko
ipinaramdam mo na katangi tangi ako
at ipinadama mo na mahal mo ako

ganap na alas dos ng umaga
sa telepono kausap pa kita
nakapikit na nga ang isa kong mata
kinakalaban ang antok, makausap lang kita

kinikilig pa sa mga konting bola mo
kahit na itinatanggi ko
pumatak ang mga oras at naging minute
hanggang sa nakatulog na nga ako

paggising sa umaga ay isang matamis na mensahe
"paalam na muna, at mag iingat ka palagi"
sabay nagkaron ng ngiti saking mga labi
di alintana ang mga sunod na pangyayari

hindi ako sanay na hindi ka kausap
kaya noong di ka nagparamdam ay mahirap
sampung buwan na usapan
natapos ng hindi ko nalalaman

sinikap kitang kausapin
at ang galak ko ng ako ay sagutin
ngunit na nawala ang saya ko
nang sinabi mong "mamaya na, busy pa ko"

nagpatuloy ang mga araw iniiwasan mo ko
at idinadahilan mo lagi ang pagaaral mo
ansakit lang na sa sobrang busy mo
nakalimutan mo na atang mahalin ako

dumating ang araw na napagod ako sa kakaintay
kaya pinuntahan na kita sa inyong bahay
ngunit Lalo lang ako tumamlay
nang ipinagtabuyan pa ko ng iyong nanay

lumipas ang mga buwan na naghihintay ako
at ipinagdiwang ko magisa ang ating anibersaryo
hinihintay ang pagbabalik mo
ngunit hanggang huli ay bigo ako

matatanggap ko pa kung meron kang iba
kaysa bigla kang nawawala na parang bula
kahit matagal na, andun pa rin ang sakit
habang itinatanong ang tanong na bakit

habang buhay kong pagninilayan
kung bakit mo ko biglang iniwanan
sana isang araw magbigay ka ng kapaliwanagan
upang ang puso ko ay maghilom ng tuluyan

No comments:

Post a Comment