Friday, June 15, 2018

Day 166: Dagat ng Aplaya

Sa dagat ng aplaya masarap ang hangin
Malinis ang dagat, kahit San ka tumingin
Lilipas ang oras nang di mo namamalayan
Habang sinisilayan ang dagat na walang hanggan

Maraming bangka ang malapit
At mga batang namimingwit
Mga batang sa buhay ay salat
Kaya sila naglilibang sa dagat

Kasabay ng mahinahon na alon
Ang malamig na hanging umaayos
Matamis ba hangin sa maalat na dagat
Kawili wili pa ang water lily na nagkalat

Kasabay sa hanging nalalanghap
Ay ang iniinom kong 7up
Na tumapon at nagkalat
Ang lagkit tuloy ng aking balat

Naramdaman ko aking pagkaliit
Sa lawak ng dagat at ilalim ng langit
Sa malinaw na dagat at makulimlim na langit
Ay mag isa na may kinikimkim na sakit

Sa sarap ng hangin na to
Ay binigkas mo na "ayoko na sayo"
Lumipas ang taon nang di ko namalayan
Ng sa tabing dagat mo ko iniwanan

Sa bangka ng mga alala
Kita na lamang mahahawakan
Tulad ng nga batang tatanda
Kailangan na kitang kalimutan

Mahinahon ang alon
Ngunit Hindi ang isip ko
Matamis ang hangin sa mapait na pagkakataon
Mas lumamig ang hangin sa paligid ko

Ang 7up ay naging serbesa
Gamit ko panglunod nang nararamdaman
Wala akong itinapon ni isang patak
Hanggang sa umabot na sila saking utak

Habang buhay akong nakatingin
Sa dagat habang niyayakap ng hangin
Mananatili rito ang aking damdamin
Para sa dagat at sa atin

No comments:

Post a Comment