bigla akong nakaramdam
nang masidhing kalungkutan
sa gitna ng kawalan
ang pagiisa ay muli kong naramdaman
wala ng mas lalala pa
na maramdaman mong mag isa ka
lalo na kapag sa paligid mo
ay napapalibutan ka ng maraming tao
wala naman kayong ginagawa
sadyang ganto lang ako talaga
wag niyo na lang ako pansinin
teka wag pala, pakiusap, ako ay kausapin
gusto ko mapagisa pero samahan niyo
nais ko na kausap lamang ang sarili ko
pero palimos na ng atensyon niyo
kasi di ko alam bakit pag mag isa ako
nalulungkot lang ako
lagi sinasabi sa akin na
ito ay nasa isip ko lamang
sana nga nasa isip ko lang
kasi iba ang idinidikta ng aking pulso
at iba ang tibok ng aking puso
sinasabi niyo na malungkot lang ako
kaya ako nagkakaganito
iniisip ko na di niyo ko nauunawaan
pero wala rin naman ako natatakbuhan
ang hirap pag kalaban mo
ay ang sarili mo mismo
o siya hayaan niyo ko,
lunurin ng sariling isip ko
No comments:
Post a Comment