Sunday, June 24, 2018

Day 175: Kaibigan

Sasamahan kita sa panahon ng pag luha
pati sa mga panahon ng pagtawa
isang bagay ang may kalinawan
hinding hindi kita iiwanan

Sige, umiyak ka hanggang umaga
hanggang magsintaba na ang iyong pisngi at mata
isigaw mo lahat ng iyong sakit sa langit
kahit sakin mo ilabas ang iyong galit

ganito kasi yan
ikaw ay masasaktan
ngunit hindi ito nangangahulugan
na ito na ang katapusan

wag mo pasanin ang bigat ng mundo
nang mag isa sa mga balikat mo
dahil sa isang tawag mo
agad ako tatakbo

hindi ko kailangan harapin ang mundo
ang nag iisa ka lamang
marami kaming andito 
ang di ka pababayaan

kaya wag ka mahihiya
na sabihin na nasasaktan ka
lahat tayo ay mag pinagdadaanan
lahat naman ng tao ay lumalaban

libre kang umiyak o manapak
o kaya isigaw mo na ang lahat
ngunit sa oras na saktan mo sarili mo
ako na makakalaban mo

wag mong saktan ang sarili mo
para sa mga bagay na ginawa ng iba
bagkus, alagaan mo ang sarili mo
ipakita mong higit ka sa kanila

alam kong sumusgat ang salita
ngunit wag mo na sabayan ng kutsilyo
wag mong iwanan ng marka
ang bawat sakit na ibibigay nila sayo

wag na wag mo isipin na ito ang katapusan
dahil lagi kang may matatakbuhan na kaibigan
wala naman karapat dapat masaktan
kaya hayaan mo silang ika'y pagsalitaan

No comments:

Post a Comment